Mahigit tatlong araw na rin matapos ang pagblessing sa kanilang bahay. Naging tahimik at mapayapa na rin sa wakas ang kanilang pamumuhay at wala ng gumagambalang multo.
.
.
.
6:30 NG UMAGA...
Bumangon na si K-K mula sa kaniyang higaan at nagstretching...
"Haaaaaaaaai! Ang sarap ng tulog ko ah. It miks mi pil gowd."
Pumunta siya sa bintana at binuksan ito. Nakadungaw siya sa labas at tinitingnan niya ang sunrise. Pinakiramdaman niya ng mabuti ang simoy ng hangin.
"Ang ganda ng san oh at ang pres pa ng ir. Makababa na nga."
Maaga siyang nagising dahil magluluto pa siya ng almusal at magwawalis ng bakuran. Nang makalabas na siya sa kaniyang kwarto ay nadatnan niya si Kathy na kalalabas din mula sa kwarto nito.
"Gowd morning mam"
"Good morning din K-K"
.
.
.
SA KUSINA...
Abala sa pagluluto si K-K samantalang si Kathy naman ay nagwawashing ng mga damit. Sabado kasi kaya walang pasok si Kathy at si George. Maya-maya ay gising na rin si George at pumunta agad ito sa kusina para magtimpla ng kape.
"Gowd morneng ser"
"Good morning din sayo. Nasan nga pala ang ma'am Kathy mo?"
"Nasa lowndriy room po ser"
"Ah ganun ba,"
.
.
.
MAKALIPAS ANG ILANG SANDALI...
Gising na ang magkakapatid na sina Daniel at Christopher. Naglalaro ng basketball si Daniel sa labas ng kanilang bahay. May basketball court rin kasi sila at nakalocate ito sa may gilid ng bahay. Habang si Christopher naman ay papalapit kay Daniel. Tinitingnan niya si Daniel habang naglalaro. Papalapit siya nang papalapit kay Daniel. Nung nasa harap na siya ni Daniel ay bigla siyang nagsalita...
"Ku-ya, pwe, pwe-deng sumali?"
Napahinto si Daniel bigla, isho-shoot na sana niya ang bola. Tiningnan niya muna ng malalim si Christopher at nagsalita.
"Ikaw ba talaga iyan Chris? Nagsasalita ka na!"
Tuwang-tuwa si Daniel at sa sobrang tuwa niya ay hinila niya agad si Christopher at ibinigay niya agad ang bola kay Christopher.
"Game!", hudyat ni Daniel.
At nagsimula na silang maglaro.
.
.
.
ORAS NG ALMUSAL...
Tahimik na kumakain ang magpamilya.
Kasama nila si K-K kumain..
"May sasabihin akong importante sa inyo.", biglang pagsasalita ni Daniel.
Tumingin sa kanya ang lahat pero nangingibabaw muna ang katahimikan.
.
.
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HororMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...