Si George naman ay may nakitang underground. Bumaba siya at inikot niya ang kabuoan nito nang may natuklasan siyang isang bagay. Ito ay isang lumang electric alarm clock at nakaset ang time sa 3:15.
Kakaiba ang isang ito ha. Gumagana pa kaya ito? (ang tanong sa isipan ni George). Iiwan ko nalang ito dito, hindi na siguro ito magagamit. Parang sira na eh. (dugtong sa isipan ni George.)
Binalik niya ang alarm clock sa kinanalagayan nito at umakyat pabalik sa itaas. Nang marating na niya ang itaas ay nadatnan niya si Kathy na nakatayo sa bintana at tila may pinagmamasdan sa labas.
"Mukhang malalim yata iniisip natin ngayon. May problema ba?", tanong ni George sa kanyang asawa.
"Wala naman. Masaya lang ako dahil hindi ako makapaniwala na sa atin na talaga ang bahay na ito. Alam mo bang matagal ko ng pinagmamasdan ang bahay na ito simula nung College pa ako. Madalas kasi akong napapadaan dito at pinangarap ko na talaga ito noon pa. Kaya ngayon ang saya-saya ko." . Napapangiti si Kathy habang sinasabi niya ang mga bagay na ito kay George.
"Talaga bang hindi na magbabago ang desisyon mo sa bahay na ito?", tanging naitanong ni George.
"Ano bang klaseng tanong iyan?"
"Wala lang, gusto ko lang econfirm sayo"
"Narinig mo naman siguro iyong mga sinabi ko diba?"
"Oo narinig ko."
"Ganun naman pala. Ano naman ang problema mo?"
"Baka kasi hindi natin kakayanin ang gastos sa bahay na ito. Alam mo naman na hindi pa tayo fully paid nito. Baka makalipas ang araw o taon ay sa kalye na tayo pupulutin."
"Ano kaba! Hindi mangyayari iyan. Magtutulungan naman tayo."
"Pero.."
"Kakayanin natin ito at balang araw, mafufully paid din natin ito. Nandito na tayo at tsaka ngayon pa ba tayo susuko na nasa atin na ito? Basta magtiwala lang. We deserved this house. Matagal ko rin itong pinag-ipunan at ikaw rin. How many efforts i have been used to save money just to buy this dream house"
"Okay, okay. Pasensiya kana sa nasabi ko. Gusto ko lang isugurado kasi. Pero naging panatag na rin ako ngayon dahil sa mga sinabi mo. Sama-sama tayong mamumuhay at magtutulungan. Susuportahan kita sa anumang gusto mo. Alam ko naman na ang lahat na ito ay para sa ikabubuti ng ating pamilya."
"Maraming salamat George. Ang swerte swerte ko talaga sa iyo at siyempre ang swerte-swerte rin ng mga anak ko sa iyo". Napayakap si Kathy kay George dahil sa sobrang saya. Nang may biglang pumasok na isang matandang babae ngunit maganda at disente manamit.
"We're Happy?", tanong ng bagong panauhin.
"Oh Ms. Beundija. Kayo pala.", ang sabi ni kathy sa bagong panauhin.
Si Ms. Buendija ay isang real estate broker or real estate agent sa bahay na binili nila Kathy at George.
"May ipagtatapat akong importante sa inyo mag-asawa", sabi ni Ms. Buendija.
"Ano po iyon?", tanong ni George
"Samahan ninyo ako sa labas at doon tayo mag-uusap"
Nang makalabas na sila ng bahay ay doon na rin sinabi ni Ms. Buendija ang gusto niyang sasabihin.
"Ano po ba iyong sasabihin niyo sa amin Ms. Buendija?", panimula ni Kathy.
"There was a tragedy, a crime, and a murder!", sagot ni Ms. Buendija.
"You said what?", tanong ni George.
"It is all about people, a family but it is a distant memory. And a.. the house is fine", patuloy ni Ms. Buendija.
"Really? Will we have the same kind of situation in this house honey?", tanong ni Kathy sa kaniyang asawa na tila nag-aalala dahil sa sinabi ni Ms. Buendija.
"Just excuse us Ms. Buendija", tanging nasabi ni George at dumistansya muna sila ni Kathy para mag-usap.
"What do you think? Can we make it work?", tanong ni Kathy.
(Napabuntong hininga si George)
"You know what, you want it. We will gonna make it work", sagot ni George.
"Really?"
"We're gonna have a basement and you can...make that place for the kids to play ."
"Akala ko kung ano na iyong sasabihin mo sakin".....
Natapos na rin mag-usap ang tatlo at pumasok na sa loob ng bahay para mananghalian. Hindi nagpadaig ang mag-asawa sa sinabi ni Ms. Buendija at patuloy nilang sisimulan ang bagong buhay sa bago nilang tahanan.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
NASA ITAAS PO ANG PICTURE NI MS. BUENDIJA
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...