Kinabukasan ay naghahanda ang pamilya para sa celebration ni Christopher. Si Kathy at si George ay pumunta sa town para maggrocery ng kanilang panghanda. Habang si K-K naman ay naglilinis sa loob ng bahay at si Daniel ay nagwawalis sa bakuran. Hindi muna nagbasketball si Daniel dahil tutulong siya sa paghahanda. Tanging sila lamang siguro ang gising sa mga oras na iyon. Nasaan kaya ang magkakapatid na sina Chris at Melly? Para malaman natin, puntahan natin sila...
.
.
.
SA KWARTO NI CHRISTOPHER...
Tulog na tulog pa si Chris.
Eh si Melly kaya.
SA KWARTO NI MELISSA...
Tulog na tulog rin.
Makababa na nga.
(Hay naku author, mas mabuti ngang bumaba ka na at tapusin mo na ang pagta-type ng kanilang kwento.)
.
.
.
MAKALIPAS ANG ILANG SANDALI...
Dumating na si Kathy at si George kaya sisimulan na ni Kathy ang paghahanda ng pagkain katulong si K-K.
.
.
.
6:00 NG GABI...
Sa wakas ay tapos na rin ang lahat kaya nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Unti-unting nagsidatingan ang mga bisita, daig pa yata nito ang birthday party. Imbetado ang mga kaklase ni Christopher, kay Daniel, at kay Melissa. Imbetado din ang mga matalik na kaibigan ni Kathy at ni George pati na rin ang pamilya ni George. Kay Kathy naman ay ang ina niya lang ang pumunta dahil matagal na kasi siyang ulila sa ama habang ang kaniyang mga kapatid naman ay may kaniya-kaniya ng pamilya na hindi malaman-laman kung saang sulok ng mundo nilagay ni Lord.
Dumating na ang pamilya ni George. Nandito ang kaniyang ina at ama pati na rin ang kaniyang kapatid na si Nashra kaya sinalubong sila ni Kathy.
"Good Evening sa inyo iha,", bati ng ina ni George.
"Good evening din po ma at sa inyo din po pa"
"Good evening din sayo Kath", sagot ng ama ni George.
"Hali kayo, pasok kayo sa loob"
"Hi sis. Masaya ako para sa inyo. Masaya ako para kay Chris dahil nagsasalita na siya.", sabi ni Nashra.
"Ito na yata ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko sis. Sana tuloy na tuloy na ito. Kulang nalang ay ang matanggap na ni Chris si George bilang pangalawang ama niya"
"Huwag kang mag-alala sis, mangyayari din iyan."
"Sana nga sis"
Maya-maya ay dumating na rin sina Fatima, Genie, at Richard. Sinalubong sila ni kathy at nagbeso-beso.
"Hi Best!", bati ni Genie na tumatalon sa tuwa at niyakap si Kathy. Kung makayakap ang dalawa ay parang ilang dekada na silang hindi nagkikita, ganun kasi sila kaclose.
"Ehem! Ang sweet niyo naman, inggit ako dun ha", singit ni Richard.
"Hehe, ikaw talaga chard. Ang seloso mo talaga. Pati ba naman ako pinagseselosan mo? Hehe", sabi ni Kathy.
"Ano ka ba naman sweetheart, huwag kanang magselos.", sabi ni Genie. Niyakap ni Genie si Richard at kiniss sa lips.
"Uyy, ang sweet sweet nila.", panunukso ni Kathy.
"Hehehehe!", nagtawanan silang tatlo.
"Ang saya-saya niyo diyan ah.", biglang paglitaw ni George.
"Uy George, magandang gabi sa iyo", bati sa kaniya ni Genie.
"Magandang gabi sa iyo pare", bati naman ni Richard sa kaniya.
"Magandang gabi din sa inyo. Pasok kayo sa loob", sagot ni George.
Napakasaya nilang nagtitipon kaya LET'S PARY! Ang saya-saya nila lahat kaya nagsimula na silang kumain.
(Yum...Yum...Yum...!)
ORAS NG KAINAN...
Masayang-masaya na kumakain ang lahat. Sinabayan pa ito ng isang tugtugin..
Now Playing: 1. Gentleman by Psy
.
.
.
2.Gwiyomi (Naggwiyomi ang magkapatid na sina Melly, Chris, at Daniel)
Hannun paljima nuga mworaedo naekkeo (naekkeo)
Dareun yeojarang maldo seokkjima nan nikkeo (nan nikkeo)
Saekki songarak geolgo kkok yaksokhaejwoyo
Jeoldae na honja naebeoryeo duji ankiro
Ildeo hagi ileun gwiyomi, ideo hagi ineun gwiyomi
Samdeo hagi sameun gwiyomi, gwigwi gwiyomi gwigwi gwiyomi
Sadeo hagi sado gwiyomi, odeo hagi odo gwiyomi
Yukdeo hagi yugeun jjokjjokjjokjjokjjokjjok gwiyomi nan gwiyomi
.
.
.
3.Harlem Shake (Sumayaw si K-K, solo performance yata 'to)
.
.
.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SANA PO NAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO...
KUNG HINDI PO AY OKAY LANG.
NAGPAPASALAMAT PA RIN AKO DAHIL ANG IBA NIYONG TIME AY IBINUHOS SA PAGBABASA NITONG STORY KO.
SALAMAT PO SA MGA NAGVOTE AT NAGREAD.
THANK YOU PO SA SUPPORT.
^_^
MAY VIDEO PO SA SIDE KUNG SAAN SUMASAYAW NG HARLEM SHAKE SI K-K------------------------------------------------------------------------------------------------------------------>
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...