CHAPTER 10: History of the House

4.6K 77 14
                                    

Matapos ang nangyari kanina ay hindi na papayagan ni Kathy na maulit na naman iyon. Kaya simula sa araw na ito ay babantayan na niya palagi si Melissa. Hindi lang si Melissa kundi ang dalawa rin niyang mga anak.

Nakaupo si Kathy ngayon sa kanilang couch.

"K-K?"

"Yis po mam?"

"Pakitimpla nga ng juice. Parang hindi ko kasi kayang tumayo. Mahihilo ako 'pag tatayo ako"

"Sigi po mam"

Ngumiti na naman si K-K ng abot tahinga.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos ng nagtimpla si K-K ng juice.

"Mam, hito na po ang inyong jos"

"Thank you K-K"

"Yor viry mats wilcom mam."

Aalis na sana si k-k nang bigla itong humarap kay Kathy at may sinabing...

 "Mam?"

 "Oh ano iyon K-K?"

 "Mam, drenk yor magnolya jos ferrrst"

 "Hehehe, ikaw talaga K-K oh. Kahit kailan, Ikaw talaga ang nagpapawala ng pagod ko"

"Hehehe! Obligasyon ko po ang pasayahin kayo mam. Kaya, lap awt lawd!"

 "Salamat talaga K-K"

 "Yor wilcom mam", nakangiting abot Tahinga.

 Umalis na si K-K at bumalik ito sa kusina para magluto ng pananghalian. Habang umiinom ng juice si Kathy at negrerelax ay nakita niyang pababa si George sa hagdan.

"Oh hon, saan ang lakad mo ngayon?"

"Pupunta ako ngayon sa condominium ni Nashra (sa mga nakakalimot po kung sino si Nashra, pakiread nalang po ulit ang chapter 3)."

"Ah ganun ba, Oh dito ka ba manananghalian? "

"Ahm hindi siguro kasi mahaba-haba pa iyong byahe"

"Ah ganun ba, oh siya bilisan mo na dahil siguradong naghihintay na iyong kapatid mo. Syempre excited na iyong magkita kayo. Sa haba ng panahon na hindi kayo nagkikita. Ikumusta mo nalang ako sa kaniya."

"Okay hon, sure. Oh siya, aalis nako. Bye."

"Bye".

 Hinalikan niya si Kathy sa noo.

.

.

.

MATAPOS ANG 1 1/2 HOURS NA BYAHE...

Nakarating na rin si George sa condo building kung saan nakatira si Nashra. Sa Manila kasi nakatira si Nashra kaya 1 and 1/2 hour ang byahe. Bumaba siya sa kaniyang kotse at naglakad patungo sa napakalaking building. Nang makapasok na siya ay naglakad siya patungong elevator. Bumakas naman agad ang elevator dahil siya lang siguro ang nag-iisang sasakay sa elevator sa mga oras na ito. Pumasok siya at pinindot niya ang button na #20. Ang condo kasing ito ay may 40 floors all in all. Kaya naghintay muna ng ilang sandali si George. Nasa 2nd floor palang siya hanggang nasa 3rd floor na siya, 4...5...6...7...8...9...10...11...12...13...14...15... Biglang huminto ang elevator, at maya-maya ay biglang patay-bukas ang ilaw. 

Ano na naman kaya ito, hanggang dito ba naman?

Hindi alam ni George kung ano ang gagawin. Buti nalang at umandar muli ang elevator kaya nakahinga siya ng maluwag.

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon