KATHY'S POV
Ano kaya ang hitsura niya in person?
Sana may makuha akong impormasyon mula sa kaniya.
Interesado rin kasi akong malaman ang tungkol sa pamilya dela Torre.
Para makatulong ako sa pagbibigay hustisya dun kay Ali at sa kaniyang pamilya
At higit sa lahat, para matahimik na rin ang pamilya ko.
"Ehem!"
Eh! Anak ng bakla!
Si Leo na ba 'to?
Ito pala hitsura niya sa personal
Nung kinompute ko ang age niya ay nasa 34 yrs of age na siya ngayon kasi 1979 siya pinanganak, eh ba't 'yong hitsura niya ay parang pang 50 na.
Mukha na siyang matanda.
Dahil siguro iyan sa mahahabang balbas at buhok niya.
At wala ring dahilan para magtaka, ikaw kaya ang makulong hindi ka kaya sobrang ma-stress?
Nakakatanda din kaya ang sobrang pagkastress.
Neglected na ang sarili mo dahil din dun.
"Ah, eh...Kayo po ba si Leo dela Torre?"
"Oo, ako nga. What do you want from me?"
"Gusto sana kitang makausap ng masinsinan. Kailangan ko ng impormasyon galing sayo"
"Impormasyon?! Kung impormasiyon iyan about sa family namin ay magsasayang ka lang ng oras dahil hindi kita sasagutin! Siguro taga media ka noh? Siguro isa kang writer sa tabloid or reporter?"
"Hindi po. Nagkakamali po kayo. Hindi ako taga media at hindi ako reporter. Pero oo, sadya ko talagang malaman ang tungkol sa pamilya mo. Nalilito na kasi ako at pati ang pamilya ko. Bago kasi kaming lipat at ang bahay na napili naming lipatan ay ang bahay niyo."
"Kung ganun, anong naging karanasan niyo sa bahay na iyon?"
"Marami na kaming naging karanasan dun. Hindi man kapani-paniwala ang aking sasabihin pero iyon po talaga ang naranasan namin magpamilya. Minumulto po kami ng mga hindi namin alam kung sinu-sino 'yong mga kaluluwa na iyon. At kundi dahil sa anak ko ay hindi ko malalaman ang dahilan kung bakit sila nagpaparamdam samin. Sabi ng anak ko, may kaibigan daw siya sa bahay na iyon na nagngangalang Ali."
"Ali?'
"Oo, Ali. Kilala mo ba siya?"
Alam kong kilala mo siya dahil kapatid mo siya.
At nabasa ko rin iyon sa article.
Alam kong lima kayong magkakapatid.
Pero hindi ko alam kung bakit nangyari sa inyo iyon magpamilya at iyon ang gusto kong malaman mula sa iyo.
"Kapatid ko siya. Pangatlo samin magkakapatid. Kapatid ko siya sa ina."
"Huh? kung ganun, anak pala siya ng pangalawa niyong ama o stepfather niyo?"
"Oo. Gusto mo ba talaga malaman ang buong katotohanan?"
"Oo, gustong-gusto kong malaman dahil humihingi ng tulong ang kapatid mong si Ali samin. Gusto niya ng hustisya."
"Ganito kasi ang nagyari"...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TO BE CONTINUED...
![](https://img.wattpad.com/cover/4837721-288-k433172.jpg)
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorreurMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...