Matapos umalis ng pamilya Bernadas dun sa bahay na puno ng kababalaghan ay dun muna sila pansamantala tumira sa bahay ng pinsan ni George.
Tinulungan sila ni Nashra na makahanap ng bagong matitirhan.
Matapos ang isang linggo ay nahanapan din sila ni Nashra ng bagong matitirhan.
Bago paman sila lumipat dun sa bago nilang tirahan ay inalam muna nila ang history sa bahay na iyon.
Pagkalipat nila dun ay ipinablessing din nila agad-agad kay Fr. Ambaic.
Maraming bisita ang dumalo.
Lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ay imbitado.
Marami na rin silang napagdaanan magpamilya at sa wakas nalampasan din nila lahat ng iyon.
Makalipas ang sampung taon.
Marami na ring mga pagbabago sa buhay nila.
Malalaki na ang kanilang mga anak.
Si Daniel may trabaho na at nagtatrabaho siya sa Mall of Asia bilang Sales Supervisor.
Si Christopher naman ay nurse graduate, board passer, at kasalukuyang nag-aaral sa kursong Medicine.
Gusto niya kasing maging Neurosurgeon balang araw.
Samantalang si Melissa naman ay College na at nag-aaral sa Harvard University (sosyal).
Ang kursong kinuha niya ay Chemical Engineering.
"Hon, kumusta na kaya ang mga anak natin no? Nakakain at nakakatulog ba kaya sila ng maayos dun?", sabi ni Kathy.
"Hon, huwag kang mag-alala. Sigurado akong nasa mabuti silang kalagayan ngayon. At ano kaba, malalaki na ang mga anak mo. Kaya na nila ang kanilang mga sarili.", sabi ni George.
"Hindi ko kasi maiwasang mag-alala sa kanila hon"
"Naiintindihan kita hon, pero kailangan din nilang harapin ang reyalidad sa mundong ito"
"Ma, pa!"
"Oh Daniel anak!", salubong ni Kathy kay Daniel.
"Ito po oh, pasalubong ko sa inyo"
"Wow, pizza at ice cream. Bakit anak, anong meron?", sabi ni Kathy.
"Ahm ma...actually po, may ipagtatapat ako sa inyo"
"Anak ano iyon?"
"Ano po...Hehe.. Napromote po ako sa trabaho ma, pa. Naging marketing manager na po ako"
"Talaga anak! Congratulations anak!", bati ni Kathy sa anak sabay yakap.
"Thank you ma"
"Congrats Daniel", bati rin ni George.
"Salamat pa"
Kahit hindi sila kompleto sa bahay ay nanatili pa rin sa kanila ang ngiti at saya.
Matapos ang isang oras na hapunan ay niligpit na ni Kathy ang mga pinggan sa mesa.
Habang sina Daniel at George naman ay pumunta na sa kani-kanilang silid.
Mga ilang minuto ay natapos na rin ni Kathy ang paghuhugas ng mga pinggan.
Bago paman siya tumuloy sa kanilang silid ni George ay may biglang nagdoorbell.
Ding...Dong..
"Sandali lang!"
May tao pabang bibisita sa ganitong oras? Sino naman kaya iyan?
Ding...Dong...
"Sandaling lang! Papunta na ako diyan"
Ding..Dong...Ding...Dong...
Kung maka door bell wagas?
Binuksan na ni Kathy ang pinto ngunit pagbukas niya ay wala namang tao.
Huh? Joke ba 'to? May nagdoor bell tapos wala naman palang tao.
Kriiiiiiiiiiing.....!
Teka, saan galing ang tunog na iyon at pamilyar sakin iyon ha.
Kriiiiiinnnnnnngg!
Hinanap ng mga mata ni Kathy kung saan nanggaling ang tunog na iyon nang bigla nalang may umagaw sa atensiyon niya dun sa may paanan niya.
Nagulat siya sa kaniyang nakita...
Ano 'to?
Teka, Ito iyong...Ito iyong alarm clock dun sa dati naming tirahan. Ito iyong nakita ni George sa may basement. No! Hindi ito maaari.
Dahil sa sobrang kaba at takot ni Kathy ay natapon niya bigla ang alarm clock.
At dali-dali siyang lumingon pabalik sa pintuan para papasok na ng bahay nang bigla nalang siyang nagulat dahil may nakita siyang isang nilalang na nakatayo sa pintuan.
"Haaaaaah!"
Isang babaeng nakaputi, mahaba at maitim ang buhok, at duguan ang bibig.
KUNG IKAW ANG TATANUNGIN, GUSTO MO BANG MAKITA AT MAKILALA IYONG BABAENG NAKAPUTI?
LUMINGON KA SA LIKOD MO DAHIL NANDIYAN SIYA!
--THE END--
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...