AUTHOR'S POV
Matapos malaman ni Kathy ang mga impormasyon na kaniyang naresearched at ang mga impormasyon mula kay Melly ay may naisip na rin siyang clue upang malaman ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kaya napagdesisyunan niyang pumunta sa isang lugar kung saan nakakulong si Leo. Nais niya itong makita at makausap dahil sobra na siyang naguguluhan sa mga pangyayari. Nagmamadali siyang nagbihis nang madatnan niya si George na nakaharap ito sa kaniya at makikita mo sa mukha nito ang pagtataka. Kaya tinanong siya nito...
"Oh hon, saan ang lakad natin ngayon?"
"Aah, ano hon kuan. Pu-puntahan ko lang ang isang kaibigan."
"Aah ganun ba. Kilala ko ba iyan?"
"Aah. Hi-hindi. Naging kaklase ko kasi 'to nung highschool."
"Aah ganun ba. Oh siya siya, mag-iingat ka ha"
"Okey hon *muaah*!"
.
.
.
WAPPY'S CORRECTIONAL FACILITY...
KATHY'S POV
Nandito na rin ako sa wakas.
First time kong makapunta sa isang jail.
Kinakabahan nga ako.
Alam niyo na, iyong mga nakatira dito ay nakagawa na ng krimen.
Ayaw ko na kayang makakita ng mga ganitong klaseng tao.
Natrauma kasi ako dati, dahil dun sa pagmamaltrato sakin ni Henry. Iyong dati kong asawa.
Pero alam kong hindi naman lahat ng nandito ay kriminal, meron rin namang napagbintangan lang.
This is it, kailangan kong makausap mismo si Leo dahil alam kong sa kanya ko makukuha ang accurate na mga informations.
Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to.
"Ahm excuse me po, oras po ba ng dalaw ngayon?"
"Oo. Buti naabutan mo pa. Alas nueve kasi ng umaga ang unang dalaw tapos ang pangalawa ay mamayang hapon ng alas tres."
Teka anong oras na ba ngayon?
Aah 9:15.
"Ahm, mga ilang oras po ang dalaw"
"Isang oras "
"Isang oras lang?!"
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...