Sumapit na ang gabi at oras na ng hapunan. Maraming pagkain ang hinanda ng magpamilya dahil nga bago silang lipat at nagsisilbi ding isang selebrasyon para sa kanila.
"Mga anak, hon, Fatima, Nashra, Genie, at Richard. Kakain na tayo, nakahanda na ang mga pagkain sa mesa", boses iyon ni kathy at tinatawag na niya ang kaniyang pamilya at mga bisita.
Si Genie ay matalik na kaibigan ni Kathy simula pa noong Elementary hanggang College. Kahit hindi sa lahat ng pagkakataon sila ay magkaklase ay patuloy pa rin ang kanilang pagkikita at ang kanilang friendship. Lage silang magkasabay papuntang school hanggang pauwi na sa kani-kanilang tahanan. Minsan ay hindi maiiwasan ang tampuhan nilang magkakaibigan pero kahit ganun pa man ay nagkakaayos din. Hanggang narating na nila ang College life. Doon nila nakilala si Richard dahil naging kakaklase ni Kathy si Richard sa Kursong Computer Science habang si Genie naman ay nag-aaral sa kursong Education. Kahit magkaiba ng kurso si Kathy at Genie ay nasa magkapareha pa rin sila na school at hindi rin iyon hadlang sa pagiging magkaibigan nila. Lage pa rin silang magkasama kahit saan man sila magpunta ngunit nadagdagan nga lang sila ng isa pang kaibigan at iyon ay si Richard.
Sa tagal ng kanilang friendship ay naging kasali na doon si Richard. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan si Genie at si Richard. Hanggang sa dumating ang araw na nakapagtapos na sila ng College. Pinagpala agad sila ng trabaho. Nagpakasal si Genie at si Richard habang si Kathy naman ay nanatiling single.
Minsan nalang kung magkikita ang tatlo dahil nga may sariling pamilya na sina Genie at Richard. Kaya naging busy nalang si Kathy sa kaniyang trabaho bilang statistician sa isang government office. Hindi nagtagal ay may nakilala si Kathy sa cafeteria ng kanilang office at iyon ay sina Henry at George. Isa din silang empleyado sa office na iyon. Naging matalik na kaibigan ni Kathy ang dalawa.
Matapos ang ilang buwan ay nagkakamabutihang loob si Henry at Kathy. Makalipas ang ilang buwan ay nagpakasal sila. Nagkaroon sila ng tatlong anak at iyon ay sina Daniel, Christopher, at Melissa. Ngunit sa kasawiang palad, nagkahiwalay din sila at nagkasundong mag annul. Madalas kasing sinasaktan ni Henry si Kathy. Laging nambababae si Henry at laging lasing kapag naka-uwi sa bahay. Dahil nga sa kalasingan ay binubugbog niya si kathy at pinagsasampal. Hindi na matiis ni kathy ang pananakit ni Henry sa kaniya at dahil doon, nagdeclared siya ng annulment para sa kanilang dalawa.
Sa kabila ng kaniyang paghihirap ay nandiyan pa rin ang kaniyang mga kaibigan na sina Genie, Richard, at George.
Simula nung hiwalay na si Kathy kay Henry ay madalas na niyang makasama si George. Laging hinahatid ni George si Kathy sa kaniyang bahay galing sa trabaho at madalas din itong bumibisita sa kanila. Hindi nagtagal ay nagconfessed si George ng kaniyang feelings para kay Kathy. Matagal na pala niya itong gusto. Simula pa noong una silang nagkakilala sa pinagtatrabahoang kompanya.
Naging magkasintahan ang dalawa. Ipinakilala ni George si Kathy sa kaniyang mga magulang. Kahit may mga anak na si Kathy at may dating asawa, tinanggap pa rin siya ng mga parents ni George dahil nagustuhan nila ang magandang katangian niya. Ipinakilala din ni George si Kathy sa kaniyang close na kapatid at iyon ay si Nashra. Naging mag close si Kathy at Nashra at madalas din sila pumupunta sa mall. Habang nagkita naman ulit si George at ang kaniyang classmate noon sa College na si Fatima na naging matalik din niyang kaibigan noong panahon na iyon.
Matapos ang kainan at kwentuhan ay nagsiuwian na rin ang kanilang mga bisita. Niligpit na ni Kathy ang mga ginamit na hapag kainan at nilinis. Habang ang kaniyang mga anak ay tulog na.
George's POV
Hay sa wakas, makakarelax na rin.
Nasaan na ba si Kathy?
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...