CHAPTER 14: Melly's Imaginary Friend

3.6K 65 5
                                    

KINABUKASAN...

Balik na sa usual na gawain ang magkapamilya. Maagang gumising si K-K para magluto ng almusal. Si Kathy at si George ay maaga rin gumising dahil papasok na sa kanilang trabaho habang ang magkapatid na si Christopher at Daniel ay gumising na rin dahil papasok sa school. Si Melly lang ang walang pasok sa kanila dahil nagleave ang kanilang adviser. Maya-maya ay sabay na rin silang nagsialisan at tanging si K-K lang at si Melly ang naiwan. Si Melly ay nasa kaniyang kwarto at nilalaro niya ang kaniyang paboritong stuff toy na kulay puti.

K-K's POV

Pupunta ako sa room ni Milly, kukunin ko mga damit niya para aking lalabhan.

Laba dami, labango kasi ako ngayon eh.

Heto na ako.

Kakatukin ko na ang pinto.

(Tok...Tok...Tok...!)

"Papasok ako Milly ha, kukunin ko mga damit mo para lalabhan ko"

Ayan, nabuksan ko na ang pinto.

Uy, naglalaro pala itong si Milly sa kaniyang stap toy.

Kukunin ko na itong mga damit niya.

"Laro tayo Ali"

Teka, ako ba ang kinakausap nito?

Hmmm, Ali?

Teka, hindi ko naman pangalan iyon ha.

Sus maryosep!

Sino kaya iyang si Ali?

Baka nim iyan ng stap toy niya.

Tingnan ko nga.

Huh?

Eh hindi naman stap toy niya ang kinakausap niya eh.

Kasi hindi niya ito tinitingnan.

Nasa ibang direksiyon siya nakatingin.

Sundan ko kaya iyong tinitingnan niya.

Huh?

Sa upuan siya nakatingin, ibig sabihin kinakausap niya ang upuan.

Naku, sino kaya ang kinakausap niya diyan?

Eh wala namang tao.

Tanging kami lang dalawa ang nandito.

Naku, baka..

Iyan iyong sinasabi nila dito na may imaginary frin daw si Milly.

Sus Ginoo!

Ayaw pud unta uy.

Huhuhu!

Patay ko ani, baka nandito nga talaga iyong Ali na binabanggit ni Milly?

Minumulto na yata ako.

Pati ako walang takas.

Tanungin ko kaya itong si Milly.

"Ahm, Milly? Sino kinakausap mo?"

"Shhhhhh! Huwag kang maingay ate K-K, kausap ko ang kaibigan kong si Ali."

"Ha? Eh wala naman akong nakikitang tao dito ha? Tayong dalawa lang ang nandito"

"Meron po tayong kasama dito, dito pa nga siya nakatira. Ayan po oh si Ali, nasa likuran niyo."

(Lubbdubb...Lubbdubb...Lubbdubb)

Huh, ano ba ito?

Totoo ba 'tong pinagsasabi ni Milly.

Natatakot na ako ha.

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon