KATHY'S POV
(Yawning)
Haay!
Ang sarap ng simoy ng hangin.
"Hon?"
Ha?
Wala na si George?
Nauna ata siyang bumangon sakin ha.
Anong oras naba?
5:30 palang ha, pero infairness, maliwanag na sa labas.
Babangon narin kaya ako, baka andun lang sa labas si George.
.
.
.
"Daniel? Nakita mo ba ang papa mo?"
"Po? Hindi po"
"Ganun ba. Saan na naman kaya nagpupunta iyon?"
"Nag-away na naman ba kayo ni papa ma?"
"Hindi na kami nag-away ng papa mo. Okey na kami"
"Ahm okey po"
Nasaan kaya ang lalakeng iyon?
Baka andun talaga sa labas.
AUTHOR'S POV
Pumunta si Kathy sa labas dahil sa palagay niya ay nandun si George. Hindi nga siya nagkamali dahil andun ang hinahanap niya. Nandun si George sa may ilalim ng malaking puno. May malalaki rin kasing puno sa kanilang bakuran. Laking pagtataka ni Kathy sa nakita niya dahil nakita niya si George na kinakausap nito ang sarili. Dahil sa hindi mapalagay si Kathy kaya pinuntahan niya ito. Nang marating na niya ang malaking puno ay nakita at narinig parin niyang kinakausap ni George ang kaniyang sarili.
"Kill them, kill them, kill them", sabi ni George.
"Hon?"
Ngunit hindi siya nilingon nito kaya nagsimula na namang kabahan si Kathy. Pero kinausap niya parin ito.
"Hon, ang aga mong nagising ha? Anong oras ka ba nagising?...Hon?"
"ANO BA! HUWAG MO NGA AKONG DISTURBUHIN, UMALIS KA SA LANDAS KO!"
"Hon? Galit ka ba sakin? Bakit mo ako pinagtatabuyan?"
"KAPAG SINABI KONG UMALIS, UMALIS KAAAAAAAA!"
Dahil sa sobrang gulat at takot ni Kathy ay agad siyang tumakbo pabalik sa bahay. Nangingining at pinagpawisan siya ng husto. Hindi mapakali sa sarili. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Kathy at hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Takot na nalilto. Pumunta siya sa may bintana at sinilip si George. Nakita niya 'tong naglalakad paalis ng bahay. Hindi niya magawang sundan si George dahil nasa state of shock pa siya at tila napupuno at nag-uumapaw ng mga katanungan ang araw ngayon ni Kathy.
Samatanlang si George naman ay papunta ito sa kakahuyan kung saan doon matatagpuan sa pinakadulo na parte ng subdivision na iyon. Palakad-lakad lamang siya at para bang may hinahanap. Nang biglang may isang tao na napad-pad din sa kakahuyan na iyon . Nilapitan niya ito at tiningnan ng masama. May kinuha si George mula sa kaniyang bulsa at isa pala itong baril. Laking gulat ng lalake dahil itinutok ni George ang baril sa kaniya.
"Huwag po, huwag niyo po akong barilin. Ano po ba ang atraso ko sa inyo? Hindi ko nga kayo kilala"
Hindi pinakinggan ni George ang lalake at nagpatuloy parin ito sa pagtutok ng baril dun sa lalaki.
"Maawa po kayo sakin, may pamilya po akong tinataguyod"
Napaatras ang lalake hanggang sa naisipan nitong tumakbo. Hindi parin siya tinantanan ni George. Patuloy pa rin siyang hinahabol. Sa kasamaang palad ay naabutan niya ito at dun na siya nakahanap ng pagkakataon. Hindi na nagdadalawang isip si George kaya tinuluyan na niya ito. Bumagsak agad ang nakakaawang lalake. Tinitigan niya muna ito saka umalis. Tila wala na sa sarili si George.
.
.
.
Sumapit na ang takipsilim at hindi pa rin nakauwi si George. Alalang-alala na si Kathy.
"Ma, may work po ba si papa ngayon? Diba po saturday ngayon?"
"Wala anak, may nilakad lang siya. Uuwi na siguro iyon maya-maya"
KATHY'S POV
Ano ba ang nangyayari sa'yo George?
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Nalilito talaga ako sa mga nangyayari.
Biglaan naman iyong nangyari kanina.
Ba't kaba galit sakin?
Ano naman ba ang nagawa kong kasalanan sa'yo?
Hindi na talaga kita maintindihan George.
Nagbago kana.
Natatakot tuloy ako sa maaaring mangyari.
Baka masisira din ang relationship natin George kagaya nung ginawa ni Henry sakin.
Ayokong mangyari na naman ulit iyon sa buhay.
AUTHOR'S POV
Tuluyan na ngang gumabi at wala parin si George.
Pumunta pala ito sa isang bar.
Nagpakalubog siya sa alak.
Iba na ang kinikilos ni George...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ANO KAYA ANG NANGYAYARI KAY GEORGE?
BAKIT KAYA SIYA NAGKAGANUN?
MAY MALAKI KAYA SIYANG PROBLEMA O MAY KABABALAGHAN NA NAMANG NAGAGANAP?
ALAMIN ANG MISTERYO SA MGA SUSUNOD NA KABANATA...
SALAMAT PO SA MGA NAGREAD AT NAGVOTE NITONG STORY KO..
AT SALAMAT PO SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA....
*READ
*VOTE
*COMMENT
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
TerrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...