K-K's POV
Haaay salamat, buti nalang nandito na sina mam at ser.
Takot na takot talaga ako kanina.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Hindi na nga ako umakyat sa itaas dahil natatakot ako.
Hinintay ko nalang silang mam at ser.
Hindi ako mapakali kanina kasi parang may mga tao talaga sa itaas eh.
Parang may mga maraming boses.
May tumatawa, nagagalit, at umiiyak.
Ewan ko ba!
Totoo kaya iyon o guni-guni ko lang?
Haay ambot!
"Oh K-K, parang namumutla ka yata"
"Ho! Naku, hehe. Eh kasi sumasakit po ang tiyan ko kaya ako namumutla"
"Naku, uminom ka na ba ng gamot?"
"Ahm, yis po"
"Mabuti naman kung ganun, eh si Melly kumusta?"
"Oki lang po, nandoon palagi sa kwarto niya.
"Hindi siya lumalabas ng kwarto niya?"
"Lumalabas naman po mam, pero minsan lang. Lumalabas lang siya kapag kakain na o iinom ng tubig. Iyon lang po"
"Ah ganun ba."
"Eh mam"
"Ano iyon?"
"May sasabihin po ako sa inyo"
"Ano naman iyon?"
"Eh kasi mam, alam niyo po kanina."
.
.
.
"May kausap po si Milly. Tapos tiningnan ko siya kung iyong laruan ba niya ang kinakausap, eh hindi po eh. Nasa ibang direksyon po siya nakatingin. Ayun po, takot na takot ako dahil dun po siya sa upuan nakatingin, eh wala namang tao."
"Naku baka nagkakamali ka lang K-K. Baka laruan niya lang talaga ang kausap niya."
"Hindi po talaga mam eh. Kasi po nung tanungin ko siya, sabi niya may kausap daw siya tapos pren daw niya. Iginuhit pa nga niya ang pis ng pren niya eh."
"Tapos anong nakita mo dun sa drawing niya?"
Teka saan ko ba nalagay iyong drawing ni Milly?
Ah! I hab an idiya
Nandun sa sala
Kukunin ko muna
"Sandali lang po mam ha, nandun po kasi sa sala ko nalagay ang drawing ni Milly. Kukunin ko po muna."
Pupunta na ako sa sala.
Ayan, nandito ko nga nalagay.
Ipapakita ko na ito kay mam.
"Heto po ang drawing ni Milly mam"
Tiningnan ng mabuti ni mam ang drawing ni Milly.
Teka, natutula yata si mam.
"Mam?"
"Ah! Huh? Ah, oh K-K. Drawing ba talaga ito ni Milly?"
"Opo mam drawing niya po talaga iyan. Promise po, kitang-kita ko pa nga nung dri-nawing niya iyan."
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...
