CHAPTER 34: "I Need a Priest, Not a Psychiatrist"

2.6K 37 0
                                    

"Hon, inumin muna 'tong gamot. Tutal naman tapos kanang kumain"

"Arrrrgh!"

"Sige na hon, inumin muna 'to"

"Arrgghh!" 

"Sige na inumin muna"

"Yaaah!"

"Aaaaiiip!"

Aray!

Tinulak ako ni George at nabangga ako sa matigas na upan na 'to.

Teka may dugong umaagos mula sa...

Binti ko!

Saan ko ba nakuha 'to?

.

.

.

Kaya naman pala eh

May gunting na nakalagay dito sa upuan.

Sino ba ang gumamit nito at hindi ibinalik sa tamang lalagyan?

"Hon, please inumin mo na 'tong gamot"

Ano naba ang nangyayari sa kaniya?

Hindi na siya nagsasalita at iba na ang boses na lumalabas mula sa kaniyang bibig.

Parang aso na gustong mangagat o kaya parang isang halimaw na gustong kumain ng buhay na tao.

Ano ba ang gagawin ko?

Ilang araw na siyang umiinom nitong gamot pero hindi pa rin siya gumagaling.

Hindi tatalab sa kaniya ang gamot.

Mga 1 week na rin simula nung kinonsulta siya nung doktor.

Marami-rami na rin akong napagdaanan sa pag-aalaga at pagbabantay sa kaniya.

Araw-araw akong nakakatamo ng mga pasa at mga galos sa katawan.

Ilaw araw na akong nasasaktan dahil sa pagtulak niya sakin tuwing lumalapit ako sa kaniya.

Pero ang pinakamasakit na natamo ko ay ang makita siyang nahihirapan.

Bakit siya pa?

Bakit pamilya ko pa?

Sana ako nalang.

Dapat ako nalang.

Pero Hindi ako susuko, kahit anong mangyari.

Hindi ako susuko sa laban na 'to.

Lalaban na kung lalaban.

Malalampasan rin namin 'to.

"Ma"

Daniel?

"Anong ginagawa mo dito?! Diba sinabi ko ng doon lang kayo sa kawrto niyo?! Kung nagugutom kayo, diretso lang sa kusina. Bakit ba ang tigas-tigas ng mga ulo ninyo!"

"Pero ma-"

"Alisss!"

DANIEL'S POV

Nagbago na talaga si mama.

Lage nalang mainit ang ulo niya.

Lage nalang balisa.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina kay papa.

Kaya pala ayaw ni mama na makita namin ang loob ng silid na iyon.

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon