CHAPTER 5: The Maid

5.4K 86 11
                                    

AUTHOR'S POV

Tatlong araw na ang nagdaan. Nakauwi na rin sa wakas si Kathy. Sinalubong siya ni Daniel at ni Melissa sa labas ng kanilang bahay maliban lang kay Christopher na nakadungaw lamang sa bintana at tila flat affect.  

"Mama, kumusta po ang field trip?", tanong ni Daniel.

"Oo nga mama, alam mo ba na namiss ka namin ng sobra?", dugtong naman ni Melissa.

"Namiss ko rin kayo mga anak. Ang papa niyo nasaan?"

"Nandun po sa labas, may ginagawa. Hindi niya po siguro napansin ang pagdating niyo", sagot ni Daniel.

"Ah ganun ba, eh ang kapatid niyong si Chris nasaan?"

"Nagkukulong po sa kwarto mama", sagot naman ni Melissa.

Walang masabi si Kathy sa sagot ni Melissa at ang tanging nasabi niya lang ay..

"Tayo na sa loob. Alam niyo ba na marami akong pasalubong para sa inyo"

"Talaga po mama. Yeheeey!", sobrang excited na sabi ni Melissa.

Kaya pumasok na sila mag-iina at nadatnan ni Kathy na nagmamadaling umakyat si Christopher sa itaas.

"Parang takot yata iyon sa tao. May Schizoid personality disorder yata iyon ah", sabi ni Daniel.

"Ano po ba iyong Schizoid personality disorder kuya?", tanong ni Melissa.

"Iyon bang hindi nakikihalubilo sa mga tao. Iyong laging nagkukulong or gustong laging mapag-isa."

"Iyon pala ang ibig sabihin nun kuya"

"Oh heto na ang pasalubong ko sa inyo" , putol ni kathy sa usapan ng dalawang magkapatid. Isang cute na doll na ang suot ay hawaiin dress at mga colorful na bracelets ang para kay Melissa. Isang cute na slippers na ang design ay spongebob naman ang para kay Daniel. Paborito kasi ni Daniel si spongebob kaya ito ang naisipang bilhin ni Kathy.

"Ang ganda naman po nitong doll mama"

"Ang ganda din po nitong spongebob na slippers. Thank you ma"

"Your welcome mga anak"

"Ano naman po ang pasalubong ninyo kay kuya Christopher?", tanong ni Melissa. Ipinakita ni Kathy ang kanyang pasalubong sa dalawa niyang anak at isa itong gitara na kulay mahogany. Mahilig kasing tumugtog ng gitara si Christopher kahit nasa mura pang edad. Namana niya ito sa kaniyang ama.

"Ang ganda naman po nito mama", manghang-magha si Daniel sa gitara.

"Oh nasaan na ang papa niyo?", pang-iiba ni Kathy sa usapan.

"Nandito lang ako", sagot ni George habang bumababa sa hagdanan.

"Saan ka ba nanggaling hon?", tanong ni Kathy.

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon