CHAPTER 33: Nervous Breakdown

2.7K 33 0
                                    

"Hello Nash, I need your help"

.

.

.

"Ate kath. Si Dr. Jones nga pala, Dr. Jones si Mrs. Bernadas."

"Salamat po Doc sa pagpunta at pagpayag niyo na gamutin ang asawa ko."

"Walang anuman Mrs. Bernadas. Tungkulin ko ang makagamot sa mga taong nangangailangan ng lunas sa kanilang karamdaman. Kaya ikinatutuwa ko ngayon dahil ako ang napili niyong Psychiatrist na gumamot sa asawa niyo"

AUTHOR'S POV

Maya-maya ay pinuntahan na nila ang silid kung saan nandun nakakulong si George. Dahan-dahang binuksan ni Kathy ang pinto at sinilip kung ano na kalagayan ni George sa loob ng silid na iyon. Hindi na naman nahagilap ng kaniyang mga mata si George. Kaya nagtatanong na naman muli ang kaniyang isipan kung saang lupalop na naman napunta si George. Maya-maya ay bigla nalang itong lumitaw sa harapan nila kaya napasigaw sila dahil sa pagkabigla. Ngunit hindi pa rin nila pinadadaig ang takot. Pumasok pa rin sila sa silid na iyon.

"Aip! Ate Kath. Hindi na ako sasama sa inyo. Doon nalang ako sa Living room maghihintay", sabi ni Nashra.

"Okey sige Nash...Pasok na po tayo Doc"

At tuluyan na nga silang pumasok. Pagpasok nila ay mabilis na umalis si George sa kanilang harapan at pumatong ito sa higaan. Kakaiba ang posisyon ni George dahil parang katulad nung aso kung umupo at tumutulo pa ang laway. Hindi napigilan ni Kathy ang pagpatak ng kaniyang luha dahil ito sa awa na nararamdaman niya sa kaniyang asawa. 

Ilang gabi ng hindi nakatulog ng maayos si Kathy. Kung dalawin man siya ng antok ay 3 hours lamang ang kaniyang tulog. Hindi na rin siya nakakakain ng maayos at minsan naman ay nalilipasan siya ng gutom. Pumapayat ng husto si Kathy at visible na ang kaniyang collar bone. Namumutla na rin siya at makikita mo sa kaniyang mukha na may mabigat na dinadalang problema. Ilang araw na rin siyang tulala.

"George, hon. Gagamutin ka niya. Matatapos na rin ang paghihirap mo"

Nang lumapit na ang doktor ay biglang nagwala si George kaya naman humingi ng tulong ang doktor mula kay Kathy at pinagtulungan nilang hawakan ng mahigpit si George para hindi makaalis. Napakalakas ni George kaya naman natulak silang dalawa. Napasubsob si Dr. Jones sa sahig habang si Kathy naman ay nahampas sa may ding-ding. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang bag at tila ba may hinahanap sa loob ng bag na iyon. Di nagtagal ay nahanap niya rin at isa pala itong syringe. May nerefill siya sa syringe na isang gamot at pinuntahan niya si George. Paglapit niya ay nagwawala na naman si George kaya hindi na siya nagdalawang isip na einject kay George iyong gamot. Isa pala itong pangpakalma. Unti-unting nawalan ng malay si George hanggang sa makatulog ito. Pagkatapos ay itinali niya si George sa higaan nito. Nang makita ni Kathy ang pagtali ng doktor kay George ay tuluyan na naman siyang napaiyak. 

"Mrs. Bernadas. (gasping of air) Kailangan natin 'tong erestraint ang asawa mo. Para hindi siya makasakit ng ibang tao. Pansamantala lang naman ito. Kapag magaling na siya ay pwede na hindi erestraint. At base saking observation, may nervous breakdown ang asawa niyo. Para dahan-dahang gumaling ang asawa niyo ay reresitahan ko siya ng gamot. Ipainom niyo ito sa kaniya. Dapat hindi ito malimutang ipainom, maintenance niya kasi ito."

"Marami pong salamat doc"

"Oh sige mauna na ako. Tawagan niyo nalang po ako if ano na ang pagbabago sa kondisyon ng asawa niyo"

"Sige po doc, thank you po talaga."

"Ate, anong sakit ni kuya?"

"Nagka nervous breakdown si George"

"Diyos ko"

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon