AUTHOR'S POV
Talagang napagdesisyunan na ni K-K ang umalis sa bahay ng mga Bernadas. Nagmamakausap sa kaniya ang mga ito ngunit kahit anong gawing pagmamakausap ng mga ito sa kaniya ay buo na ang kaniyang desisyon. Hindi rin nagtagal ay wala ring nagawa ang pamilya Bernadas kundi ang hayaan nalang umalis siya kaya ngayon ay may panibago na namang problema si Kathy pero sa pareho pa ring sitwasyon, ang maghanap ng bagong Katulong. May mamasukan pa kaya sa kanila sa kabila ng maraming issue tungkol sa bahay nila? Naging malaking usap-usapan sila sa subdivision. Maging sa telebisyon, dyaryo, at radyo. Pero kahit sa kabila ng mga suliraning iyon ay pilit pa rin na lumalaban ang pamilyang ito, makamtan lang ang inaasahang katahimikan.
.
.
.
KATHY'S POV
Paano na 'to?
Wala na naman kaming katulong.
Umalis na si K-K.
Hindi na niya matiis ang mga kababalaghan dito sa bahay.
Akala pa naman namin na magtatagal siya dito.
Ngunit hindi pala.
Pero okey lang iyon.
Hindi na siguro kailangan pang humanap ng katulong kasi malalaki na ang mga anak ko at alam na nila kung paano kumilos ng sila-sila lang.
"Hon, halika na. Aalis na tayo.", sabi ni George.
Weekdays kasi ngayon kaya may pasok kami ni George at aalis na kami dahil malapit na mag 8.
8 kasi ang time-in namin sa work.
"Ok hon, i'm coming", sagot ko.
Maya-maya ay tinawag ko na rin ang mga anak ko dahil sabay kaming aalis.
May pasok din sila sa school.
Ngayon ay nag-iba na dahil nga wala na kaming katulong kaya elolock nalang namin 'tong bahay.
Wala naman sigurong mga mag-nanakaw dito pwera lang sa mga multo.
Hay naku, ba't ko na naman naisip 'yon?
.
.
.
AUTHOR'S POV
Nakaalis na rin ang magpamilya at naiwang nakalocked ang lahat ng pinto sa kanilang bahay kaya napakatahimik. Ngunit bakit parang may bababa sa hagdan? Pati ba naman ako ay minumulto? Hoy mga multo! Huwag niyo akong idamay. Baka nakakalimutan niyong ako ang lumikha sa inyo. Pasalamat nga kayo sakin dahil kung hindi dahil sakin, hindi kayo sisikat. Hmp!
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
TerrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...