CHAPTER 32: "I need your Help"

2.5K 38 0
                                    

DANIEL'S POV

Ano kaya ang nangyari kagabi?

Ayaw kasi ni mama sabihin.

Puntahan ko nalang kaya iyong kwarto nila mama.

.

.

.

Nakalocked?

Bakit kaya?

"Daniel, anong ginagawa mo diyan?!"

"Bakit po ito nakalocked mama?"

"Nilocked ko lang baka may mga magnanakaw na makapasok."

"Eh hindi niyo naman 'to ginagawa dati ma"

"Baka matulad tayo nung balita sa tv, baka pasukin din tayo dito"

"Eh kung ganun po, bakit ito lang pong kwarto niyo ang nilocked niyo?"

"Huwag na ngang maraming tanong! Sundin niyo nalang kung ano ang inuutos ko!"

"Opo ma"

Ano ba talaga ang nangyari?

Hindi talaga ako satisfied dun sa alibi ni mama.

May something wrong talaga.

Pakiramdam ko, may tinatago dun si mama sa kwarto nila.

Babalikan ko iyon mamaya.

KATHY'S POV

Ano na kaya ang nangyayari kay George sa loob?

Hindi ko na talaga kakayanin 'to.

Mas lalo pang lumalala ang sitwasyon ngayon.

May sakit kaya si George?

Diyos ko, kayo na po ang bahala.

Bubuksan ko na itong pinto.

"George?...George? Asa na naman ba iyong lalakeng iyon?"

Wala siya dito sa kwarto.

Imposible naman lumabas iyon, eh nakakandado pa rin itong pintuan nitong kwarto pagpasok ko. 

Tapos if sa bintana siya dumaan, bakit nakasara parin ang mga bintana until now?

"George!"

Wala din siya sa banyo.

Saan na naman kaya nagpupunta iyon?

"Geo- Aip! George.. (Gasping) George, anong...Bakit mo kinakain iyang papel?"

Ano ba talagang nangyayari sa lalakeng ito?

"George! Tigilan mo nga iyan! Tigilan mo na!"

"Ma?",tawag ni Daniel sakin.

"Anong ginagawa niyo dito? Diba sinabi ko na sa inyo na magluto na kayo para sa ating almusal? Ba't ba ang tigas-tigas ng mga ulo ninyo?!"

"Pero ma si pa-"

"Alis!... Aliiiis!"

(Dali-daling nagtakbuhan ang mga magkakapatid)

AUTHOR'S POV

Sinubukang pigilan ni Kathy si George, ngunit hindi pa rin ito tumigil sa pagkain ng papel. Sa tuwing pinipigilan niya ito ay itinutulak siya nito ng napakalakas kaya laging nasasaktan si Kathy sa tuwing tinutulak siya ni George. Lage siyang nahahampas sa mga matitigas na bagay na nadun sa kwarto nila. Kaya mga malalaking pasa at sugat ang natatamo ni Kathy. Dahil sa wala na sa katinuan si George ay mas lalong lumalakas siya. Lakas na mula sa hindi pangkaraniwang tao.

"George tama na! Nasasaktan mo na ako!"

Dahil hindi na kaya ni Kathy ang ginagawa ni George ay wala siyang ibang nagawa kundi ang lumabas sa kwarto na iyon, at dali-dali niyang kinandado ang pintuan. May hinablot siyang cellphone mula sa kaniyang bulsa.

 "Hello. Nash, I need your help"

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon