CHAPTER 31: What a Surprise?!

2.6K 35 4
                                    

HELLO GUYS AND GALS...

SALAMAT PO SA APPRECIATION AT SA MGA SUMUSUPORTA.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

KATHY'S POV

"Itigil niyo na iyang panunuod ng tv, may pasok pa kayo bukas."

"Opo mama", sagot ni Daniel.

Wala pa rin si George

Sobra na talaga akong nag-aalala.

Hihintayin ko pa rin siya kahit anong mangyari.

Manunuod muna ako ng tv.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. May bago na namang bangkay na natagpuan sa mga kakahuyan kung saan matatagpuan sa pinakadulo na parte ng del Salvador Subdivision, dito sa San Fernando City. Isa itong lalaki at mukhang nasa tatlumpung taong gulang. Ayon sa pulisya, dalawang beses itong binaril at sa may ulo tinira. Nagawa pang dalhin sa ospital ngunit dead on arrival. Sa ngayon ay hinahanap pa ang suspect."

 Diyos ko!

May binaril pala dito sa subdivision.

Taga rito kaya ang biktima or ang suspect?

Tok...!Tok...!Tok...!

Sino kaya iyan?

Si George naba iyan?

Bubuksan ko.

.

.

.

Wala namang tao.

"May tao ba diyan?"

"KATHY!"

"Aii!...George?Ginulat mo naman ako"

"Hooh!Hoooh!"

"Saan kaba nanggaling?"

"May humahabol sakin"

"Ha, sino?"

"Hindi ko alam"

"Anong hindi mo alam?"

"Nakatakip kasi ang mga mukha nila"

"Hon pagod kalang. Ang mabuti pa pumasok kana at magpahinga, okey?"

"Okey"

AUTHOR'S POV

Umakyat na sa itaas ang mag-asawa. Nakahiga na si kathy sa kanilang bed habang si George naman ay nasa loob ng banyo para maligo. Nang bigla nalang itong nag-ingay kaya dali-dali itong pinuntahan ni Kathy. Kumatok siya sa pinto at inalam kung ano ang nangyayari kay George.

"Hon, okey kalang ba? Anong problema?"

Ngunit hindi siya sinagot nito at nagpatuloy parin ito sa pag-iingay.

Sumusuka ata si George , sa isip ni Kathy.

Dahil nag-aalala na ng lubusan si Kathy, kinuha niya ang susi ng banyo at binuksan ito. Nang mabuksan na niya ay nakita niyo itong sumusuka sa lababo. Nilapitan niya ito at hinagod-hagod ang likod para maminimize ang discomfort na nararamdam nito.

"Hon, ano ba ang nangyayari sa'yo? Masakit ba ang tiyan mo? Ano ba ang kinain mo kanina?"

Nagpatuloy pa rin ito sa pagsusuka. Umabot ng tatlong minuto saka natapos ang pagsusuka.

"Hon, ang daming mong nailabas. Puro tubig naman. Hindi ata 'yan sa kinain mo dahil hindi naman pagkain ang lumbas mula sa bibig mo kundi tubig lang. Para ka atang buntis niyan. Madedehydrate ka niyan sa lagay mo"

"Ewan ko hon, hi-hin-di ko nga ma-in-tindi-han ang sari-li ko nga-yon simula pa kaninang madaling araw. Ahem! Nagtataka ako kanina dahil nasigawan kita. Hindi ko 'yon gustong gawin. Kathy, makinig ka, kahit anong mangyari, hindi tayo mag-iiwanan. Sabay-sabay nating haharapin ang problemang ito at hindi tayo susuko sa anumang pagsubok."

"Syempre naman George, pamilya tayo eh. Sandali lang hon, I'll get you some water and medication. Hintayin mo 'ko diyan"

Lumabas na ng kwarto si Kathy para kumuha ng gamot at tubig para kay George. Nang pabalik na siya at hindi palang siya masyadong nakakalapit sa pintuan ng kanilang kwarto ay parang may naririnig siyang kakaiba. Dali- dali siyang lumapit at binuksan ang pinto nang pagpasok niya ay wala si George sa banyo kahit sa buong kwarto ay hindi niya mahanap. Binuksan niya ang ilaw para makita niya ng maayos ang kabuohan ng kwarto. Wala talaga ni anino ni George ang makikita.

"Hon?...Hon, asan ka?"

Bigla nalang namatay ang ilaw kaya kinabahan ng husto si Kathy at pinagpawisan. May malakas na hangin ang nakapasok sa kwarto ngunit ang ipinagtataka lang ay kung bakit pinagpawisan si Kathy sa ganun kalamig at kalakas na hangin. Wala masyadong makita si Kathy dahil ito sa kaniyang kondisyon sa mata, may night blindness kasi siya. Hinanap niya nang hinanap ang switch ng ilaw at sa wakas ay nahanap niya rin ito.

"George, huwag mo naman ako biruin ng ganiyan oh"

Mangingiyak na si kathy at hindi alam kung ano ang gagawin, if aalis ba siya sa kwarto na iyon or mananatili lang dun para hanapin si George. Nang bigla nalang bumukas ang ilaw. Inikot niya ang kaniyang paningin sa buong kwarto ngunit wala parin siyang makita. Tumalikod nalang siya at lalabas na sana ng kwarto ngunit humarap siya ulit. Nang pagharap niya ay bumulaga sa harapan niya si George at may dala-dala itong palakol. Nanlilisik ang mga mata nito at napakabangis ng mukha. Tinitigan siya nito ng masama at tila ba para siyang gustong patayin nito. Pulang-pula ang mga mata nito at parang killer ang dating. Nakatawa pa ito habang nakatingin sa kaniya.

"HAHAHAHA!"

"George anong nangyari sa'yo?"

Hindi siya sinagot ni George at itinutok nito ang palakol sa kaniya. Balak siyang patayin ni George at dahil hindi na makatiis si Kathy sa nakakatakot na pangyayaring iyon ay dali-dali siyang tumakbo palabas. Paglabas niya ay nilocked niya ang kwarto. May lalagyan din kasi ng pudlock sa labas ng pintuan kaya kung nasa labas ka ng kwarto ay malolock mo parin ang pintuan. Nakasandal lamang si Kathy sa pintuan at pinakinggan ang paghampas ni George sa pintuan. Hindi na napigilan ni Kathy ang mapaiyak dahil sa sobrang takot at pagkagulat. Dali-sali siyang umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa kwarto ni Melly. Ginising niya ito at dinala sa kwarto nina Daniel. Doon muna sila mananatili sa kwarto nina Daniel.

"Anak, dito lang tayo lahat sa kwarto na 'to. Kung maaari ay walang lalabas"

"Bakit ma, anong nangyari?", tanong ni Chris.

"Basta, huwag ng maraming tanong pa. Sundin niyo nalang ako"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ANO BA TALAGA ANG NANGYARI KAY GEORGE?

BAKIT KAYA SIYA NAGKAKAGANUN?

ALAMIN ANG SAGOT SA NEXT CHAPTER...

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon