Nakapasok na sila Kathy dun sa butas na kanilang dinaanan. Ang butas palang iyon ay isa pang daanan papasok sa boathouse. Bumungad sa kanilang harapan ang isang bangkang de motor (hindi ko po kasi alam kung ano talaga ang tawag sa bangkang iyon, basta may makina siya at may manibela) Lalapitan na sana iyon ni Daniel ngunit pinigilan siya ni Kathy.
"Daniel, huwag muna natin ito paandarin, puntahan muna natin ang papa George niyo at ililigtas natin."
Kaya iniwan muna nila Kathy ang boat houseat hinanap nila kung saan banda nalaglag si George.
Matapos nilang libutin ang buong paligid ay nakita din nila si George. Nakahandusay ito at walang malay at may umaagos ding dugo mula sa noo nito. Pinagtulong-tulungan nila itong hilain dahil sa kabigatan nito.
Malakas pa rin ang ulan. Sa wakas ay narating din nila ang boathouse at inilapit nila ang katawan ni George sa bangka. Bubuhatin na sana nila ngunit bigla nalang nangangatog ang buong katawan ni George at nagsisigaw pa ito. Hindi nila maintindihan kung ano na ang nangyayari kay George. Kung nasa sa kaniyang katawan pa rin ba ang mga masasamang espiritu o epekto lang ito ng kaniyang katawan dahil dun sa kaniyang pinagdaanan.
GEORGE'S POV
Ano ba ang nangyayari sakin?
Gusto ko man lumaban pero wala akong magagawa.
Nakatali ang kaluluwa ko sa kanila.
Nung pinakaunang araw na may nagbago sakin.
Nasa katinuan pa ako nun pero masama ang pakiramdam ko nun.
Nasusuka ako na nahihilo.
Para ding pinipiga ang sikmura ko.
Hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Maya-maya ay bigla nalang akong nagising.
Ngunit sa paggising ko ay nasa ibang lugar ako.
Madilim ang paligid at ang tanging bumungad lamang sa paningin ko ay isang liwanag na kulay pula.
Ang liwanag na iyon ay para bang nanggagaling sa lugar na mapanganib.
Sa lugar na puno ng kasamaan at kasakiman.
Parang liwanag ng kamatayan.
Patuloy pa rin akong naglakad hanggang may nakita akong isang lugar na kakaiba.
Nakakatakot kung titingnan.
Nang may narealized ako...
Bahay pala namin iyong nakita ko.
Nag-iba ang anyo niya dahil nagmumukha siyang abandunadong bahay.
May liwanag na kulay pulay at nagsisinag ito sa labas ng aming bahay.
Nilapitan ko iyong bahay namin at pumasok.
Pagpasok ko ay bigala nalang sumara ang pinto.
Hindi ko naisipang buksan iyong pinto para tumakas.
Sa halip ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.
Kakaiba na rin ang hitsura sa loob ng aming bahay.
Wala na ang mga kagamitan.
At ang tanging naiiwan nalang ay litrato ng pamilyang dati nakatira sa bahay na iyon
Bigla nalang namatay ang ilaw sa bahay na iyon at may liwanag na kulay pula ang bumangad sa aking harapan.
Ang direksyon ng liwanag ay sakin nakatutok.
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HororMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...