CHAPTER 9: Melly's on the Roof

4.3K 69 14
                                    

Araw ngayon ng pamamalengke ni Kathy at kasama niya si George. Matapos ang pamamalengke ay inilagay nila lahat ng kanilang pinamili sa loob ng kanilang sasakyan. Pinaandar na ni George ang sasakyan at umalis na rin sila para umuwi. Makalipas ang 15 minutes na pagbyabyahe ay nakarating na rin sila sa kanilang bahay. Naunang bumaba si Kathy at sumunod si George habang may kausap sa kanyang cellphone.

"Okay Nik, pupunta ako mamaya diyan sa inyo ha. Hintayin mo ko", sabi ni George sa kaniyang kausap sa cellphone.

Naglalakad si George patungo sa main door ng kanilang bahay at bago siya makakapasok ay may hagdan muna siyang aakyatin. Aakyat na sana siya nang biglang may nalaglag na isang stuff toy mula sa itaas kaya pinulot niya ito. Stuff toy pala iyon ni Melissa. Tumingin si George sa itaas at wala naman siyang nakitang tao. Nang biglang may sumigaw...

"Hi mama!"

Hinanap ni George kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita niya na si Kathy ay tumitingin sa bubungan ng kanilang bahay na gulat na gulat at takot na takot ang mukha.

"Hi mama!"

Kaya umatras si George ng kaunti para makita niya ang kabuohan ng bahay. Si Melissa pala ang nasa itaas at kumakaway ito.

"Hi mama!"

Dahil sa pagkagulat ni Kathy ay dali-dali itong tumakbo patungo sa loob ng kanilang bahay at may sinabing...

"Oh my God! Help her!"

"Don't move just stay there!", sabi naman ni George kay Melly na nagpapanic rin.

Patuloy pa rin sa pagkakaway ng kamay si Melissa at may pangiti-ngiti pa. Samantalang si Kathy ay sobrang takot na takot at hindi na alam kung ano ang gagawin. 

Dali-daling kinuha ni George ang hagdanan mula sa gilid ng kanilang bahay at isinandal ito sa dingding. Umakyat agad si George at hinawakan ito ni Daniel para hindi matumba ang hagdan. Habang si Kathy naman ay dali-daling inakyat ang mataas na hagdan sa loob ng kanilang bahay. Nang makapasok na si Kathy sa kwarto ni Melissa ay nadatnat niya na nandun ang kanilang aso na si Harry at nakadungaw ito sa bintana at nakatingin sa may bubong..

"Aw!Aw!Aw!"

Pumunta si kathy sa bintana at lumabas. Pagkalabas niya ay inapakan niya ang bubungan ng kanilang bahay. Muntik pa siyang mahulog.

Tumulong na rin si Christopher sa paghawak ng hagdan. Malapit ng marating ni George ang itaas. Nang bigla nalang tinawag ni Daniel ang kaniyang mama.

"Mama!"

Lumingon si George kay Kathy at nakita niya itong umaakyat sa bubong. Nagulat si George dahil napakadelakado ang bubong na iyon para akyatin. Ang pinakaitaas na parte ng bubong na ang naakyat ni Kathy. Humawak ng mabuti si Kathy dahil kapag hindi ay siguradong kamatayan ang haharapin niya. At sa wakas ay narating na rin ni Kathy ang tuktok.

"Melly!"

Naglalakad lang si Melissa at para itong nagcicircus. Samantalang si George ay kumapit sa dingding para makaapak siya sa bubong ngunit sa kasamaang palad ay natumba ang hagdan.

Naglakad ng dahan-dahan si Kathy sa bubong. Ang lalim-lalim ng kaniyang hininga habang naglalakad papunta kay Melissa.

"What are you doing Melly?"

Lumingon si Melissa sa kaniya at may sinabing...

"I have to go with Ali ma"

"Baby please, come to mama"

Ngunit hindi na napigilan ni Kathy ito dahil tumalon na si Melissa.

"Aaaaaah!", sigaw ni Melissa

"Nooooo!"

Inabot ni kathy ang kaniyang kamay kay Melissa para mahawakan niya ito at mabuti nalang ay abot pa ito ng kaniyang kamay kaya nahawakan niya si Melissa.

"Melly!"

"Mama!"

Hindi nakabalanse si kathy kaya silang dalawa ni Melissa ang nahulog.

"Aaaaah!", sigaw ni Melissa.

Ngunit sa isip lang pala iyon ni Kathy. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang pumasok sa kaniyang isipan na nalaglag sila pareho ni Melissa.

"George bilisan mo! Anak, kumapit ka lang ng mabuti. George! Please bilisan mo!"

"Ahh!", sigaw ni Melissa

Sobrang takot na takot na rin si Melissa. Hindi na kinaya ng lakas ni Kathy si Melissa kaya nabitawan niya ito at nalaglag na talaga ng tuluyan. Buti nalang at nasalo ito ni George. Pagkasalo ni George ay na out of balanace siya kaya natumba sila pareho ni Melissa. Niyakap ni George ng mahigpit si Melissa.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ANO PA KAYA ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI SA PAMILYA BERNADAS?

MAY MAS ILALALA PA KAYA NITO?

AT SINO BA TALAGA SI ALI?

BAKIT BA LAGI SIYANG BINABANGGIT NI MELISSA?

MALALAMAN DIN ANG MGA KASAGUTANG IYAN SA SUSUNOD NA MGA CHAPTERS.

KAYA PATULOY NA SUBAYBAYAN ANG KWENTO AT LAHAT NG MGA KATANUNGAN SA INYONG ISIPAN AY MASASAGOT RIN.

 

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon