CHAPTER 8: Voices

4.7K 84 8
                                    

ORAS NG HAPUNAN...

Oras na ng hapunan. Sabay na kumakain ang mag-iina except lang kay George na hindi pa nakakauwi dahil nag-overtime sa kanyang trabaho.

"K-K, iwan mo muna iyan. Sabayan mo muna kaming kumain dito", utos ni Kathy

"Ahm ma'am, uki lang po. Mamaya nalang me mag-et"

"Sige na K-K, huwag ka ng mahiya. Sabayan mo na kami dito at baka malipasan ka ng gutom niyan".

"Uki ma'am, sabi mo eh. I'm cameng!"

Walang nagawa si K-K kundi ang sumabay nalang sa kanila ni Kathy kumain. Tahimik silang kumakain nang bigla nalang nagsalita si K-K at kay Christopher ito nakaharap.

"Uy dong! Ano nim mo?"

Ngunit hindi umiimik si Christopher at patuloy sa pagsubo.

Ai! didma (tanging nasa isip ni K-K)

"Ahm K-K, nalimutan ko palang ipakilala sa iyo ang dalawa ko pang anak. Siya nga pala si Christopher, pangalawa sa magkakapatid at iyong isa naman ay si Daniel. Siya ang panganay"

"Uy! Kagwapo sa mga bata. Ang hansam hansam naman ng mga anak niyo te"

"Salamat"

Tumingin si K-K kay Daniel...

"Haw uld are you?"

"12 po"

"Aah, ferst yir hayskol ka na noh?"

"Opo"

"I knuw rayt"

Ngumiti si K-K ng abot tahinga. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sa wakas si George.

"Oh hon, nandiyan ka na pala. How's your work?"

"Medyo nakakapagod hon."

"Halika, maghapunan ka muna habang mainit pa itong sabaw na niluto ni K-K"

"K-K? Sinong K-K?", pagtataka ni George

"Oo nga pala, nalimutan kong sabihin sa iyo na may bago na naman tayong katulong. "

Lumapit si George sa kanila at tiningnan si K-K.

"Siya nga pala si K-K hon. K-K siya ang sir George mo, asawa ko", pagpapakilala ni Kathy.

"Ang hansam naman ng hasban niyo te, i mean ma'am"

"Ahh so you are K-K", sabi ni George habang tinitingnan si K-K.

Ngumit na naman si K-K ng abot tahinga.

PAGKATAPOS MAGHAPUNAN...

Tapos na rin silang kumain at isa-isang niligpit ni K-K ang mga pinggan tapos hinugasan niya agad ang mga ito. Habang naghuhugas siya ng mga pinggan ay sinabayan pa niya ng pagkanta.

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon