Hindi pa rin makapaniwala si Kathy sa nangyari kagabi. Palipat-lipat ng pwesto at hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Nalilito at sobrang nagtataka.
"Ano ba talaga ang nangyari kagabi Daniel? Tinakot niyo siguro si Cherry kaya nagkaganun!"
Subalit hindi nagsasalita si Daniel, umiiling lang ito. Hindi pa yata makarecover si Daniel sa nagyari kagabi kaya hindi siya makapagsalita. Samantalang si Kathy ay nagpatuloy pa rin sa paglilitanya...
"Hindi ko talaga lubos maintidihan ang nangyayari. Ano? Meron na naman ba itong kasunod?"
Samantalang si Melissa naman ay naglalaro lang ng doll sa sala at tila walang pakialam. Katabi pa niya si Christopher na wala ring pakialam sa mundo. Si George naman ay tinitingnan si Kathy at sinusundan nito kung saan pumupunta. Kaya hindi nakapagtiis si George at nagsalita na..
"Tumigil ka na nga sa kakalakad mo hon at ako'y nahihilo na. Huminahon ka lang."
"Huminahon? Paano ako hihinahon eh, kalat na kalat na dito sa buong subdivision ang nangyari kagabi. Pati na rin mga headlines sa newspaper, radio at T.V. Walang ibang ibinabalita kundi tungkol sa atin. At sigurado akong pupunta na naman maya-maya iyong mga taga media dito. Nakakaisturbo na talaga sila. Napakaraming tanong, nakakairita! Kapag sila ay pumunta na naman dito, bubuhusan ko talaga sila ng kumukulong tubig. Grrr!", galit na galit na paglilitanya ni Kathy.
MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO...
May mga taong dumating sa labas ng bahay nila. Sila na yata iyong mga taga media.
"Ma, Pa. Nandito na naman po ang mga reporters", anunsiyo ni Daniel.
"Sabi ko na nga ba, pupunta na naman ang mga iyan dito.", sabi ni Kathy.
"Haharapin ko sila", desidong sabi ni George.
Lumabas nga si George at hinarap niya ang mga ito. Parang mga langgam kung makalapit kay George at nag-uunahan pa sa pagpwesto sa harapan niya. May mga reporters na dala-dala ang kanilang microphone. Ang iba naman ay kumukuha ng picture sa kaniya at sa kanilang bahay. May kasama pang mga camera men. Nang may nagsimulang magtanong isa sa mga reporters.
"Ahm, Mr. Bernadas. Pwede niyo po bang ipaliwanag ang nangyaring trahedya kagabi?", tanong ng isang babaeng reporter.
"Ang nangyari kagabi ay isang aksidente lamang. Ayon sa mga doctors, may problema sa pag-iisip ang katulong namin kaya siya nagkaganun."
Tumango lang ang reporter. Pagkatapos ay may sumunod na namang nagtanong.
"Alam niyo po bang mayroong nangyaring trahedya dati dito sa bahay niyo? Marami kasing rumours kaming naririnig at mayroon ding nakatuklas tungkol sa bahay niyo.", tanong ng isang reporter habang may dala-dala na recorder.
"Alam na iyan ng pamilya ko ngunit hindi iyan hadlang para hindi namin ituloy ang pagbili sa bahay na ito. At tsaka, matagal na rin iyon. Ibinaon na sa limot ang lahat ng iyon. Ayaw na naming isipin ang pangyayaring iyon dahil nais lang namin magkaroon ng tahimik na buhay."
At tumango ang reporter. Maya-maya ay may nagtanong na naman ulit..
"Ahm, mayroon po bang nagpaparamdam na multo diyan sa bahay niyo?", tanong ng pangatlong reporter habang inilapit niya ang kaniyang microphone kay George..
"So far, wala naman. Hindi naman totoo iyang multo multo na iyan"
Matapos ang isang oras na pagtatanong ng mga reporters ay nasagot din lahat ni George ang mga tanong. Nakahinga na rin ng maluwag ang magpamilya.
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...