FIRST NIGHT...
KATHY'S POV
(Yawning)
Hahay, inaantok na talaga ako.
Ba't hindi pa nakauwi si George?
Ang sabi niya ay pupunta siya dun kina Eddie Danda.
Eh sino nga ba iyon si Eddie Danda?
Wala naman akong natatandaang kakilala niya na nagngangalang Eddie Danda.
Hahay!
Kung ano man iyon ay hindi na mahalaga basta safe lang siyang makauwi dito.
Mauna nalang muna akong matulog sa kaniya.
Inaantok na talaga ako.
Hindi ko na matitiis pa aking mga mata.
Talagang nanghihina na.
.
.
.
AUTHOR'S POV
Tuluyan ng nakatulog si Kathy. Maya-maya ay niyayakap niya ang kaniyang sarili habang tulog at nag-iingay pa 'to. Binabanggit ang pangalan ng kaniyang asawa. Pero ba't pangalan nung unang asawa niya iyong binanggit niya?
"Henry"...Henry...Henry"
Tumigil rin sa wakas si Kathy sa pagbanggit ng pangalan ni Henry. Ba't kaya niya nabanggit iyon? Napanaginipan niya kaya si Henry o iyong binanggit niya na pangalan ay hindi nagcorrelate dun sa panaginip niya? O baka may yumayakap talaga sa kaniya? (Sa mga nakakalimot po kung sino si Henry, basahin niyo nalang po ulit ang chapter 3)
.
.
.
GEORGE'S POV
Hay sa wakas, nakauwi na rin.
Tulog na yata ang lahat.
Aakyat na ako sa itaas.
Bubuksan ko na ang pinto nitong room namin.
Tulog na tulog 'tong asawa ko.
Hay, magpapalit muna ako ng damit at magtotoothbrush.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...