Aşkım 2

65 3 0
                                    

           ''Tapos ka na bang magpapirma sa mga prof natin para sa clearance mo friend?'' tanong sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Giselle. Pareho na silang nasa huling taon sa kolehiyo sa kursong Turismo. Hindi niya alam kung bakit sila naging magkaibigan dahil magkasalungat sila ng ugali. Si Giselle ay madaldal at laging nakangiti samantalang siya ay may pagka aloof at mas nais na mag-isa at magbasa lamang ng kanyang paboritong libro o kaya naman ay pocketbook. 

             ''Oo friend tapos na akong magpapirma sa lahat ng teachers natin kaya naman excited na ako sa graduation natin sa makalawa.'' Sa susunod na araw na ang graduation nila at excited na syang magtapos. Sa wakas ay matutulungan na niya ang kanyang mga magulang sa mga gastusin nila sa bahay.  

            Simple lang naman ang buhay nilang mag-anak. Ang tatay niya ay isang magsasaka at ito ang namamahala sa kanilang maliit na palayan, at ang nanany naman niya ay isang guro sa pampublikong paaralan dito sa bayan ng Mandaon probinsya ng Masbate. ttlo silang magkakapatid at siya ang bunso at nag-iisang babae sa kanila. Prinsesa siya kung ituring ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang tatay at mga kuya.Kaya naman mahal na mahal niya ang mga ito at mahal na mahal din siya ng mga ito.

          ''Excited na rin nga ako sa pagtatapos natin. Sana lang ay tumawag na ang kahit isa sa mga hotel na pinag-aplayan natin nung isang linggo sa Manila para naman hindi tayu matengga dito at maging tambay ng matagal.'' nakangusong litanya ni Giselle.

          ''Yun din nga ang pinagdadasal ko ngayun Giselle. Sana talaga matawagan tayu ng mga hotel na pinag-aplayan natin. Sayang naman ang perang pinamasahe natin kung wala man lang positibong resulta yung lakad natin nung isang linggo.'' Mahaba niyang sagot sa kaibigan.

         ''Okey lang yun friend, sulit naman ang naging lakad natin last week, we got to experienced going to the bar kahit isang gabi lang. Super nag-enjoy ako dun. Sana maulit yun kung sakaling magkatrabaho tayu sa Manila.'' nagniningning ang mga matang turan ng kanyang kaibigan.

         ''Nag-enjoy din naman ako Giselle kahit saglit lang tayu dun dahil kailangan nating umuwi kaagad kinabukasan.'' masaya din naman siya na naranasan niyang makapasok sa mga ganoong lugar dahil sa lugar nila ay hindi siya nakaranas na magpunta sa bar dahil bukod sa malayo ang baryo nila sa town proper ay wala din naman siyang hilig at pera ana panggastos kung sakali. ''Kaya pasalamat tayu at niyaya tayu ng pinsan mo at inilibre tayu sa bar, dahil sa kanya naranasan natin ang ganoong bagay.'' nataon kasi na day-off ng Pinsan ni Giselle nung araw na yun kaya naman nagpasya itong ipasyal kami after namin magpasa ng resume sa mga hotel sa Manila at kinagabihan nga ay dinala kami nito sa isang kilalang bar doon at nag-enjoy kami ng husto nung gabing iyon.

        ''Basta dapat kung matanggap tayu sa pinag-aplayan natin sa Manila, at magkatrabaho na, dapat lumabas naman tayu paminsan-minsan para maenjoy naman natin ang buhay.'' ani Giselle na tila nangangarap.

        ''Oo naman friend,gagawin natin yun pero syempre kailangan maging masipag tayu sa ating trabaho para may maitulong tayu sa pamilya natin at para narin may panggastos tayu kung nais man nating lumabas at magpakasaya. Tansaan mo, pupunta tayung Manila para magtrabaho at makatulong sa mga pamilya natin at hindi puro bar lang. okey?'' nakangiti niyang turan sa kanyang matalik na kaibigan.

         ''Yes mama, hinding-hindi ko pa kakalimutan.'' nakangising sagot sakanya ng kaibigan.

         Sabay silang natawa ng kaibigan dahil sa sagot nito. Naniniwala siyang may magiging magandang resulta ang pag-aplay nila sa Manila, ang kailangan na lang nilang gawin ay maghintay sa araw ng kanilang pagtatapos at maghintay ulit sa tawag ng mga hotel na kanilang inaplayan.

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon