Aşkım 8

45 2 3
                                    

     Nakahinga ng mabuti c Nihle nang tuluyan siyang nakalayo sa presensiya ni Oguz. Pakiramdam niya ay lubhang namumula ang kanyang mga pisngi dahil sa binata.

    "Anu bang problema ng lalaking iyon at ganoon na lamang makatingin sa akin?"  nagtataka niyang tanong sakanyang sarili.

    "Anak nandyan ka na pala, halika muna dito at tulungan mo akong dalhin itong mga pagkain doon sa likod-bahay para sa mga kuya mo at mga kaibigan nila, kanina ka pa nga ng mga yun hinahanap pagkarating pa lang ng mga iyon dito." mahabang siwalat ng kanyang ina.

    "Ganoon po ba nay, halina po kayu at siguradong gutom na sila kuya at mga kaibigan nila lalo pa at medyo mahaba ang biyahe pauwi dito sa atin." nakangiti niyang sagot sa kanyang ina. 

     Masayang-masaya siya dahil kumpleto na naman silang mag-anak ngayun. Simula kasi nang nakapagtapos ang mga kuya niya ng high school ay sa Manila na ang mga ito nagpatuloy ng kolehiyo dahil nais daw ng mga ito na makuha ang kursong gusto ng mga ito sa Manila. Ang kanyang panganay kapatid na si kuya Tanner niya ay isa ng matagumpay na engineer sa isang sikat na construction firm sa Manila. Ang kanyang kuya Talha naman ay tapos na rin ng kursong abogasya at kasalukuyan na nagtatrabaho rin sa isang tanyag na Law firm sa Manila rin.

      Kaya naman sinusulit niya ang mga araw na umuuwi ang mga kuya niya dito sa probinsya nila dahil minsan na lang silang mabuong mag-anak dahil sa laging busy ang kanyang mga nakatatandang mga kapatid. Sobra niyang iniidolo ang kanyang mga kuya kaya naman nais rin niyang makapagtrabaho na upang matulungan ang mga ito sa gastusin nila sa bahay at upang makapagpahinga na rin ang kanyang mga magulang sa paghahanapbuhay.

       "Prinsesa!" malakas na sigaw ng kuya Talha niya at sabay lapit sa kanya at bigla siyang binuhat at inikot-ikot.

       "Ahhh kuya anu ba, baka matapon ang dala kong ulam." natatawa niyang saway sa kanyang pangalawang nakatatandang kapatid.

        "Ooppss, sorry prinsesa ko, na-excite lang si kuya na makita  ka. Look at you prinsesa ang laki mo na at ang ganda pa, mana ka talaga sa akin." nakangiti nitong saad at ibinaba na siya at ito na mismo ang kumuha ng dala niyang ulam at naglagay sa lamesa ng mga ito.

         "Anung sayu nagmana ang prinsesa natin? ako ang kamukha niyan, diba prinsesa?" nakangusong tanung naman ng panganay nila.

        Natawa siya sa mga kuya niya dahil para na naman itong mga bata. Laging nagtatalo kung sinu ba ang kamukha niya. 

         Actually, sa kanyang ama siya nagmana ng lahat. Mula sa kulay buhok hanggang sa  kulay ng balat pati na rin ang kulay ng mga mata ng kanyang ama ay nakuha nya rin. Siya nga raw ang babaeng bersyon ng kanyang ama na may lahing Albano.

      "Hoy kayung dalawa wag na kayung magtalo kng sino ang kamukha ng prinsesa natin, masasaktan lang kayu sa katotohanan, diba prinsesa ko?" malambing na sabat ng kanyang ama na bigla na lamang sumulpot sa harap nila at nakisali sa kakulitan ng dalawa niyang kuya, kaya naman kumpleto silang mag-anak sa kaslukuyan dito sa may bandang likod bahay.

     "Hay naku manahimik na nga kayung tatlo diyan, ngayun pa talaga ninyo naisipan magtalo kung sinu ang kamukha ni Nihle kung kailan may mga bisita tayu na kaharap." pagsaway ng kanyang ina sa kanyang ama at dalawang kuya.

    "Ito kasing mga barako natin mahal ayaw pang tanggapin ang katutuhanan na sa akin nagmana ang prinsesa natin, diba Nihle anak?" humihinge ng pabor na tanong ng kanyang ama sa kanya.

       "Opo na nga tay, sayu ako nagmana. Girl version mo nga ako diba?" nakngiti niyang baling sa ama tsaka yumakap sa beywang nito.

      "Lagi na lang tayung natatalo ni tatay pagdating sa prinsesa natin kuya." nakangusong saad ng kanyang kuya Talha,tila nagpapakampi ito sa kuya Tanner niya.

        "Hayaan mo na bro, masakit talagang tanggapin ang katotohanan." nakangisi nitong sagot sa kuya Talha niya na lalong nagpahaba ng nguso ng huli.

        "Anu pa nga ba ang magaga wa natin? basta prinsesa pag may manligaw sayu sabihin mo agad sa amin ni kuya Tanner para makilatis ng mabuti at mabawasan ng kuko sa paa." natatawang saad ng kanyang kuya Talha.

         "Oo nga prinsesa namin, dapat kaibiganin muna kami ng kung sinuman na maglalakas ng loob na ligawan ka para naman maturuan namin kung paanu lumangoy sa lupa at sumalo ng bala." dagdag naman ng kanyang kuya Tanner na akala mo ay nagbibiro ang tono ng boses pero ang totoo ay may kalakip na panganib.

          Napabuntong hininga na lamang si Nihle sa mga pinagsasabi ng kanyang mga nakatatandang kapatid. Ngunit hindi niya rin maiwasang isipin ang nag-iisang lalaki na nagpapabilis ng pulso at tibok ng kanyang puso, si Oguz.

         Lihim siyang napailing at pinalis sa kanyang isip ang binata na dahil alam niyang malabong mangyayari ang ideyang tumatakbo sa isip niya.

       "Bakit tahimik ka yata prinsesa namin, meron na bang matapang na sumusubok manligaw sayo.?" may talim na tanung sa kanya ng kanyang kuya Tanner.

       "Wala nga akong manliligaw mga kuya, mayron bang magkakamaling manligaw sa itsura kung ito?" nakanguso niyang sagot dito. 

       "At bakit? anung meron sa itsura mo prinsesa? You are the most beautiful girl in this province. And for us you are the second most beautiful woman in the whole wide world because  nanay is the number one." sagot ng kanyang kuya Talha na nakakunot ang noo.

         "May nagsabi ba sayung panget ka prinsesa namin? ituro mo sa amin at nang maturuan ng leksyon. Hindi pwedeng i-bully ang nag-iisang prinsesa ng mga Constantino. diba nay? tay?" seryosong tanung ng kanyang kuya Tanner.

         "Hoy mga kuya walang nambubully sa prinsesa nyo. Ang totoo nga nyan may killala akong na love at first sight dito sa bestfriend ko eh." sabat ng kanyang kaibigan sa usapan nilang mag-anak na  hindi man lang nila namalayan na nakalapit na pala sa kanila. May sa pusa siguro ang kaibigan niyang ito.

    "Sino Giselle? ipakilala mo sa amin para makabonding naman namin bago namin ipaharap kay san pedro." nakakunot ang noong tanong ng kuya Talha niya na binigyang diin pa ang salitang makabonding.

    "Hindi ko alam ang pangalan kuya eh, may nakapagsabi lang sa akin." biglang bawi ng kanyang kaibigan sabay lingon sa pinto nila kung saan nakatayo ang magkaibigan na Berke at Oz  na tila nag-uusap.

     Agad niyang hinarap ang kanyang mga kuya at inayang maupo sa bakanteng lamesa at sabay-sabay na silang mag-anak na kumain ng kanyang handa. Alam niyang nagbibiro lamang ang kanyang matalik na kaibigan ng sabihin nito na m,ay na-love at first sight sa kanya. Wala naman siyang alam na nagkakagusto sa kanya, marahil ay nais lang ng matalik niyang kaibigan na asarin ang kanyang mga kapatid lalo na ang kanyang kuya Tanner na alam niyang matagal ng hinahangaan ni Giselle. 

          Samantalang may isang binata na nakarinig ng usapan ng mag-anak lalo na ang mga sinabi ng mga nakatatandang kapatid ng dalaga. Nakaramdam ito ng panlalamig dahil sa kanyang mga narinig ngunit hindi iyon sapat upang panghinaan ito ng loob at itigil ang anumang nararamdaman nito para sa prinsesa ng mga Constantino.

        "Seni kralicem yapacagim Askim." 

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon