Hindi niya maiwasang kiligin dahil sa sagot ng binata sa kanya. Ang totoo ay binibiro lamang niya ito, hindi niya akalain na aaminin iyon nito sa kanya. Natutuwa din siya na may plano pala itong magkaroon sila ng komunikasyon oras na bumalik na ito sa Manila. At dahil sa isiping iyon ay napatanong siya sa isip kung hanggang kailan ba ito mamamalagi dito sa kanilang pobinsya.
"It's your turn to ask me another question Aşkım." ang boses nitong medyo paos ang nagpabalik sa kanyang huwisyo.
"Oo nga pala, hmmm, hindi ka naman mukhang purong pinoy, anu ba ang lahi mo?" tanong niya dito. Kanina pa niya iniisip kung anung lahi ng binata dahil sa kulay ng buhok nito na medyo blonde at sa mga mata nitong kulay abo na syang lagi ay nakakakuha ng pansin niya. Idagdag pa ang facial hair nito na bagamat hindi kakapalan ay kapansin-pansin naman.
"My mom is a Filipina and my dad is Turks. So basically I am half pinoy half Turks." he answered.
"So dito ka lumaki? you sound so fluent in talking tagalog." she asked again.
"Nope, i was raise and born in Istanbul. My family lives there also together with my sister." he informed her
"Ikaw lang palang mag-isa dito sa Pilipinas? mabuti at pinayagan ka ng mga magulang mo." Tanong ulit niya dito.
"When I am studying college I was already living alone. My parents are kind enough to let me stand on my own although they are still giving me allowance every month which I never used.. I've been living here in the Philippines for three years now." sagot nito.
"Ahh,?" sabi na lamang niya at muli na naman sanang magtatanong ng maalala niyang hindi pa pala nakapagtatanong muli ang binata sa kanya. "Oopps sorry, ikaw na pala dapat ang magtatanong. Go" sabi pa niya dito na medyo nahihiya sa katakleasahan niya.
"It's okey, I don't mind. I like hearing you talk anyway. But for my question I just wanna know what is your ideal guy?" diretsahang tanong nito sa kanya na para bang kanina pa nito gustong itanong iyon.
Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon, kaya naman hindi agad siya nakasagot dito. Iniisip niya kung anu nga ba ang dapat niyang sabihin. Dahil sa totoo lang ay wala naman siyang basehan or ideya tungkol sa mga ganung bagay. "Ang totoo nyan ay hindi ko alam kung anu nga ba ang gusto ko sa isang lalaki. Hindi pa naman kasi ako nagkaroon ng boyfriend o kahit crush man lang. Mas priority ko kasi ang pag-aral ko at ngayon nga ay ang paghahanap ng trabaho. Pero syempre kung magkakaroon man ako ng lalaking mamahalin balang araw gusto yung loyal at may respeto sa kapwa, sa akin pati na rin sa mga magulang ko." mahabang sagot niya dito na ngayun ay tahimik at seryosong nakikiknig sa mga sinasabi niya.
Tumango-tango ito na tila ba kuntento sa nagig sagot niya. Nakahawak pa ang kanang kamay sa baba nito na para bang nag-iisip ng isang napakahalagang bagay. Pinagmamasdan nya lang ito ng palihim. Maya-maya pa ay tumingin na rin ito sa kanya kaya naman binawi niya ang kanyang tingin dito, ayaw niyang malaman nito ang mga palihim na sulyap niya.
"I know it sounds weird but why don't you have a crush? kahit crush lang wala ka talaga? Although it's good news for me but still it's weird. But I'm pretty sure that many of the guys here have a crush on you. Look at you, you are very beautiful and kind woman it's impossible that no man in this place will notice your beauty. Bulag lang ang lalaking hindi makakakita ng ganda mo.'" takang-takang tanong nito.
Ramdam niya ang pamumula mg kanyang mga pisngi sa mga papuri nito sa kanya. Kahit hindi niya makita ang kanyang sarili sa salamin ay alam niyang sobra pa sa hinog na kamatis ang kulay ng mga ito dahil sa sinabi ng binata. At the same time, kinikilig din siya kahit pa nga hindi iyon ang unang beses na may nagsabi sa kanya na maganda siya. Iba lang talaga ang dating ng mga salitang iyon sa kanya dahil nanggaling sa lalaking kaharap niya ngayun.
"Meron naman mga nagpaparamdam sa akin lalo na sa school namin pero hindi ko lang binibigyan ng pansin dahil nakapokus ako sa pag-aaral. Sa crush naman, hindi ko alam kung matatawag ba na crush yun dahil hindi ko naman alam, si Giselle lang ang nag-iinsist na crush ko daw yun." pagpaapliwanag niya dito. Pero hindi na niya binanggit na ito ang tinutukoy ng kaibigan niya na crush nya daw umano. Nakakahiya naman sa binata kung sasabihin pa niya na ito nga iyon.
"Really? so my crush ka na pala? and you didn't know if he is your crush or not basta sinabi lang ng kaibigan mo na crush mo ang guy na ito?" nakakunot ang noong tanung nito medyo kapansin-pansin din ang bahid ng inis sa boses nito.
"Yun ang sabi ni Giselle na crush ko nga daw. Kaya siguro nga crush ko.?" patanong din niyang tanog dito. Kung pagbabasehan naman ang nararamdaman niya para sa lalaki simula noong una niya itong makita at hanggang ngayon na nag-uusap sila, masasabi niyang meron nga siyang nararamdaman na para dito at kung ano man iyon ay mas maigi na crush na nga lang muna. Kaya naman tuluyan na niyang tatanggapin na itong lalaki sa kanyang harapan ang kanyang first official crush.
"Bakit hindi mo alam? nevermind wag mo na sagutin. mas mabuti na hindi mo alam kung crush mo nga o hindi ang lalaking iyon. Mawawala din naman yan lalo pa at nandito na ako. I will do anything para maging crush mo ako o kaya ay mas higit pa doon." siguradong-sigurado ito sa mga salitang binitiwan nito.
Nais niyang matawa sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha nito. Gusto niyang sabihin na lang dito na ito ang tinutukoy niya ngunit pinigilan niya ang sarili. Anu kaya ang magiging reaksyon nito oras na malaman nito ang totoo. Mas mabuting hindi na lamang nito malaman. Ngunit naisip niyang asarin pa ito.
"Ayaw mo bang malaman kung sino ang tinutukoy ko?" pabirong tanong niya dito.
"Ayoko. Dahil sigurado naman ako na mas gwapo ako dun." pinal na sabi pa nito.
Hindi niya na lang itinuloy ang planong pag-asar dito At tumahimik na lamang siya.
"Mukhang seryoso ang usapan natin dude ah"? tanong na mula sa likuran nila. Nang lingunin niya ito ay nabigla pa siya na ang kababatang si Berke pala ang nagsalita at kasama pa ang kaibigan niya.
Masyado siguro silang dalawa ni Oguz na nakatutok sa pinag-uusapan nila kaya hindi nila na pansin na may katagalan na palang nawawala sa lamesa nila ang dalawa at ngayon lang nga ang mga ito nakabalik. At dahil nga bumalik na ang dalawa naging maingay ulit ang mesa nila. Panay pa rin ang bangayan ng mga ito. Pinagpatuloy ng dalawang lalaki ang pag-inom sa natitirang konting alak sa kanilang mesa habang ang kanyang kaibigan ay panay ang subo ng pulutan na dala ng mga ito. Pati tuloy siya ay napapakain na rin. Naging masaya ang kwentuhan nilang apat lalo pa at maingay rin at palabiro si Berke na laging inaasar ang kanyang kaibigan na bansot. Para itong mga aso at pusa. Masaya siya dahil naging magkasundo agad ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/363784182-288-k150826.jpg)
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
RomanceNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...