Aşkım 5

51 3 0
                                    


         Today is her celebration for graduating from college.  Everyone in her family are busy preparing. Her parents are in the back part of their house where they set up a huge stove para mas mapadali at mas maraming maluto at makatipid ng oras. Ang iba nilang kapitbahay na lalaki ay tumutulong na rin sa pagkatay ng dalawang baboy na mula pa sa kanilang babuyan. Ang mga kababaihan naman na kapitbahay nila ay kapwa rin tumutulong sa paghahanda ng mga lamesa.

         Ramdam na ramdam ni Nihle ang pagmamahal ng mga magulang niya at mga kapitbahay niya sa kanya. Kaya naman mas umigting ang kagustuhan niyang makapagtrabaho agad at nang makatulong sa mga taong nagmamahal sa kaniya at sa kanilang pinakamamahal na lugar. 

         The cooking and preparation finished before lunch time and the guests started to arrive. Her parents invited all their neighbors and relatives. While she also invited her friends and classmates. Maraming mga bisitang darating kaya aligaga na ang kanyang mga magulang. Mabuti na lang at nakagayak na siya ng maaga. Hindi na nakakahiyang humarap sa mga bisita niya.

          Habang abala siya sa pag-estima sa kanyang mga bisita ay napalingon siya sa kanilang bakod na kawayan ng makarinig ng ugong ng sasakyan. Nakita niya ang dalawang magarang sasakyan na tumigil sa harap ng kanilang gate. Ang isa ay alam niyang sa principal nila, ang bestfriend ng kanyang ina , si Tita Belinda. Nakita niyang lumabas ang ginang sa kotse nito at doon nya lang napansin ang kanyang ina na nakalapit na pala ito sa mga bagaong dating.

''Nihle anak halika muna rito at dumating ang tita Belinda mo.'' masayang tawag sa kanya ng kanyang ina.

         Nakangiti siyang lumapit sa mga ito. ''Maraming salamat po sa pagpunta Tita.'' lumapit siya rito at humalik sa pisngi nito kahit medyo nakakaramdam siya ng hiya.

'' Oo naman iha, alam mo naman na hindi ko matatanggihan ang mama mo. Congratulations ulit iha. Here is my graduation gift for you'' masayang inabot nito sa kanya ang paper bag na dala nito na hindi niya napansin kanina.

''Naku hindi na po sana kayu nag-abala pa Tita, pero maraming salamat po dito.'' kimi niyang kinuha ang paper bag na binigay nito.

''Hayy naku pumasok na tayo sa loob Belinda para mas makapag-usap tayo ng maayos habang kumakain.'' masayang hayag ng kanyang ina. 

''Ayy oo nga pala may mga kasama pala ako Neila.'' huminto saglit si Tita Belinda at tumingin sa isa pang sasakyan kung saan nagkataong pababa ang mga sakay nito.

         Nihle gasps when she saw who get off from the car, no other than the guy on the stage who winked at her during her gradutaion day. She feels her face crimson red. Hindi nya alam kung bakit kumabog ng malakas ang kanyang puso, para bang lalabas ito sa kanyang dibdib anumang oras.

''Nihle iha, this is my son Berke, I'm sure you remember him,'' Tita Belinda gladly introduce her to the other guy that she failed to notice a while ago because her attention  was focused on the guy who winked at her. ''And this is Oguz his bestfriend and business partner.'' pagpapatuloy nito at bumaling naman sa lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. 

''Nihle? as in Nihleina? wow!!!!'' halos hindi makapaniwalang bulalas ng anak ng Tita Belinda niya na si Berke. You really grown beautifully little Miss.'' masayang bati nito sa kanya at binanggit pa talaga nito ang petname nito kanya na natatandaan niyang madalas nitong itawag sa kanya noong mga bata pa sila.

      She was speechless. Hindi agad siya nakasagot sa binatang kababata. Kimi na lamang siya na ngumiti dito. Nararamdaman nya pa rin ang intensidad ng titig ng isang binatang nagngangalang Oguz na nasa tabi ni Berke.

''Eheemm!'' kunwaring tikhim ng binatang si Oguz na tila kinukuha ang atensyon ng kanyang kaibigan na si Berke.

'Oww my bad, Lil' Miss this is my best friend Oguz and dude this is Nihleina my childhood friend.'' pagpapakilala ni Berke sa lalaking kasama nito sakanya.

''Hi.. you can call me Oz but I prefer if you call me... Askim.'' nkangiting pakilala nito sa kanya kaya naman kitang kita niya ang pantay-pantay nitong ngipin na mas lalong nagpatingkad ng kislap ng ngiti sa mukha nito. He looks like a boy nextdoor with his smile.

''Askim?'' tanong niya dito dahil hindi siya familiar sa lenggwaheng iyon.

"Yes Askim?'' nagniningning ang mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang iyon sa kanya, na para bang may alam ito na hindi niya alam.

''Dude ang speed mo naman.'' natatawang turan ni Berke dito at nakisabay na rin sa pagtawa . Parang mga baliw ang dalawa sa kanyang paningin. Tila may sekretong alam ang dalawa na hindi niya alam na siya pala ang pinagtatawanan.

''I told you dude, I found Askim already.'' Oguz said and smirk to Berke.

''You serious dude? at si Nihle ang tinutukoy mo? how? When? where? '' sunod-sunod na tanong ng kanyang kababata sa kaibigan nito. Tila hindi makapaniwala sa sinasabi ng Oguz.

''Dead serious dude,'' biglang seryusong sagot nito habang matamang nakatitig sa kanya. 

        Hindi niya matagalan ang mga titig nito kaya siya na ang unang nag-iwas ng tingin at niyaya ang mga ito na pumasok na sa bahay nila. Hindi din niya napansin na nakaalis na pala ang kanyang nanay at ang mama ni Berke dahil nang lingunin niya ang mga ito ay wala na sa kinatatayuan ng mga ito kanina.   

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon