Aşkım 21

39 2 0
                                    

"Mag-iingat ka doon prinsesa namin. Wag kang magpapagutom at masyadong magpapakapagod." nalulungkot na bilin ng kanyang ama.

"Opo Papa hindi ko po papabayaan ang sarili ko kaya wag na po kayung mag-alala andun naman po sila kuya magkakasama naman po kami." Pang-aalo niya sa kanyang ama na bakas pa rin ang lungkot sa mukha nito. Nang tumingin siya sa gawi ng kanyang mama ay kapansin-pansin din ang lungkot sa mata nito. Ngayon ang alis niya pati na rin ng kaibigan niya patungong Manila. Maswerte na may tumawag sa kanilang isang hotel sa dami ng pinag-aplayan  nila. Kaya naman ngayon nila napiling lumuwas. Lunes ang interview sa kanila pero  sabado pa lang ay luluwas na sila para makapagpahinga pa sila at hindi ma-late sa lunes.

Napag-usapan na rin nilang mag-anak na doon na muna siya sa apartment ng kanyang mga kuya habang nag-aaplay pa siya para hindi siya nangangarag sa biyahe tuwing kailangan niyang lumuwas. May kalayuan pa naman ang probinsya nila sa Manila. Masaya naman ang kanyang mga kuya na magkakasama na naman daw silang tatlo dahil nabitin daw ang mga ito noong umuwi ang mg aito noong graduation celebration niya dahil kinailangan na ito ng kaniya-kaniyang trabaho ng mga ito.

"Alam naman namin yun anak, hindi lang namin maiwasan ng papa mo na malungkot lalo pa at ngayon ka lang mawawala dito ng matagal." nakangiting  saad ng kanyang ina sa malungkot na tinig.

"Huwag na po kayung malungkot Ma, Pa, lagi naman po akong tatawag sa inyo, kami nila kuya." naiiyak na rin niyang sagot dito at niyakap ang mga ito.

Yumakap din sa kanya ang mga ito at hinalikan siya sa ulo. Nalulungkot siya na kailangan niyang umalis at iwan ang kanyang mga magulang lalo pa at walang makakasama ang mga ito. Ngunit kailangan niyang umalis para sa kanyang pangarap at naiintindhan naman siya ng kanyang mga magulang.

"Oh sige na, tama na ang drama. Lumakad na kayo anak." binitawan na siya ng mga ito at tinulungan sa paglagay ng mga gamit niya sa loob ng bus. Muli siyang niyakap ng mga ito bago hinalikang muli sa pisngi at nagpaalam. Kumaway pa siya sa mga ito. 

 Pumunta na siya sa kanyang upuan kung saan naghihintay ang kanyang kaibigan. Ilang minuto lang ay umandar na rin ang bus na sinasakyan nila. Nag-uusap lang silang magkaibigan habang nakatingin sa labas ng bintana ng bus.

"Excited na ako bff na makarating ng Manila." bakas ang sayang saad ni Giselle sa kanyang tabi.

"Ako rin friend, sana lang ay maging maayos ang resulta ng interview natin." sagot niya dito.

"Oo nga bff eh," maikling sagot nito. 

Kumuha ito ng tsitsirya at binuksan iyon at sabay nilang kinain habang patuloy na nag-uusap tungkol sa mga plano nila pagdating ng Manila. Hindi silang dalawa magkasama ng titirahan dahil sa apartment ng kanyang mga kuya siya manantili at sa bahay ng pinsan naman nito makikitira pansamantala ang kanyang kaibigan. Napag-usapan din nila na kapag nakaipon na sila at kaya na nila ay kukuha sila ng apartment at doon magkasamang titira.

"Alam ba ni fafa Oguz na luluwas ka ngayon?" maya-maya ay tanong nito sa kanya.

Napalingon siya dito. May panunukso sa mga mata nito. "Hindi, hindi ko pa nasasabi sa kanya." tipid niyang sagot dito. Totoo naman talagang hindi niya nasabi sa binata. Naging excited siya ng tinawagan siya ng   HR ng hotel at nawala sa kanya ang pagsabi sa binata. Naging busy rin siya sa pag-empake ng kanyang mga gamit. Isa pa hindi pa nagpaparamdam sa kanya ang binata simula kagabi, naisip niyang abala ito sa negosyo kaya naisip niyang wag na itong istorbohin. Siguradong masusorpresa ito oras na malaman nitong nasa Manila na siya bukas. 

"I'm sure na susunduin tayo nun kung alam niyang darating ka." tukso nitong muli sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa at nginitian na lang ang kaibigan. Isa pa iyon sa dahilan kaya naisipan niyang wag ng ipaalam sa binata na luluwas siya. Dahil sigurado siyang magpiprisinta ito na sunduin sila, nakakahiya iyon dahil alam niyang busy itong tao. Mabuti na lang at day-off ng kanyang kuya Tanner kaya ito na ang nagsabing susundo sa kanilang magkaibigan. 

Napagod siguro ang kanyang kaibigan dahil ng muli niya itong sulyapan ay nakita niyang natutulog na ito habang hawak pa rin ang chips na kinakain nito. Natawa siya dahil doon at kinuha ang chips sa kamay nito bago kinumutan ng jacket na dala nito. Nagpasya siyang pumikit rin ngunit hindi siya matutulog, naiisip niya ang mangyayari sa kaniya sa Manila. Nakakaramdam din siya ng excitement na magiging malapit na sila ng binata. Naalala pa niya ang araw na nagdate sila nito. Ang paghawak nito sa kanyang kamay at pati narin ang pakabit nito ng seatbelt sa kanya. Hindi niya itatago na masaya siya sa mga ginagawa ng binata para sa kanya. Gusto rin niya ang pakiramdam na hawak nito ang kanyang kamay at ang paraan nito ng pagtingin sa kanya na para bang siya na ang pianaka magandang babae sa buong mundo. Ngunit nakakaramdam din siya ng takot. Takot sa nararamdaman niya na hindi niya alam kung may kasiguraduhan bang masusuklian ng binata. She is afraid because she can knows that this is not a simple crush anymore. It's deeper than that. 

"I hope he will catch me if ever." turan niya sa kanyang sarili.


MAKALIPAS pa ang ilang oras ay naramdaman niyang huminto na ang bus na sinasakyan nila. Ginising niya ang kanyang kaibigan. 

"Giselle, gising na nandito na tayo." pagyugyog pa niya sa balikat nito. nagising naman agad ito

"Grabe ang sakit ng pwet ko sa biyahe." reklamo nito habang nag-iinat ng mga kamay.

"Kaya nga tumayo ka na dyan. Tumawag na ako kay kuya Tanner, hinihintay na daw niya tayo sa labas ng terminal." pag-inporma niya dito. Kinuha niya ang kanyang mga bagahe at nauna na ditong maglakad pababa ng bus.

"Wait naman bff, grabe sya oh." reklamo nito habang hinahabol siya ng paglalakd.

Nang makababa ay hinintay na niya ito upang sabay na silang maglakad patungo sa labas ng terminal kung saan naghihintay ang kuya Tanner niya. Doon rin muna ng isang araw ang kanyang kaibigan upang makapagpahinga. Uuwi na lang ito kinabukasan sa tita   nito.

"Prinsesa!" narinig niyang tawag sa kanya. Alam niyang siya ang tinatawag dahil boses iyon ng nakatatanda niyang kapatid. Inilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa makita niya ang may-ari ng boses na kumakaway sa kanila. Nakangiti ito sa gawi nila. Mabilis siyang naglakad patungo sa kuya niya, sinalubong naman siya nito at saka niyakap.

"I miss you Pinsesa." sabi pa nito sabay halik sa pisngi niya. 

"I misss you too kuya." sagot naman niya at muling yumakap dito.

"Hayy naku sana all may kuya." ang boses ng kanyang kaibigan ang nagpabitaw sa kanya sa pagkakayakap sa kanyang kuya. Napalingon na rin dito ang kuya Tanner niya.

"Hi Giselle." bati nito sa kaibigan niya na may matiim na titig.

"Hello kuya Tanner." nahihiyang sagot naman nito na bahagya pang namumula ang pisngi.

Napailing na lang siya sa dalawang nasa harapan niya. Maya-maya pa ay inaya na sila ng kanyang kuya na umalis na upang makapagpahinga na  umano silang magkaibigan. Ito na rin mismo ang nagdala ng mga gamit nila. Nang makarating sila sa sasakyan ng kanyang kuya ay ipinasok muna nito ang mga bagahe nila sa compartment ng sasakyan nito bago silang tatlong nagpasyang sumakay, ngunit pinigil siya ng kanyang kaibigan kaya napatingin siya dito.

"Wait lang bff, picture muna tayo para may pang my day ako sa facebook ko." sabi ng kaibigan niya sabay hawak sa braso niya at itinapat nito ang camera ng cellphone sa harap nila. Wala na siyang nagawa kung hindi ang ngumiti na rin upang makasakay na sila sa sasakyan ng kanyang kuya at makaalis na.

"Sana all maganda pa rin at hindi haggard after ng mahabang biyahe." narinig niyang sabi ng kanyang kaibigan ng makapasok na sila, nakanguso pa ito habang nagtitipa sa cellphone nito.

Hindi na siya sumagot pa, ang totoo gusto na niyang mahiga sa malambot na kama at magpanhinga.  Pinaandar na agad ng kanyang kuya ang sasakyan kaya ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Hinayaan niyang mag-usap ang kanyang kaibigan at kuya niya ta siya ay palihim na nakikinig lang.

"Let's order drive thru na lang para makakain kayo, I'm sure you're both starving." narinig pa niyang turan ng kanyang kuya bago siya tuluyang makatulog.  

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon