Aşkım 27

36 2 0
                                    

Sobra siyang namangha sa lugar kung saan siya dinala ng binata para sa date umano nila. The place is an overlooking view along Tagaytay. Kitang-kita ang ganda ng tanawin sa baba nito at pati na rin ang mga puno sa paligid. Nakalatag naman sa ilalim ng punong mayabong ang picnic mat na dala ng binata habang nakapatong dito ang mga pagkain na dinaanan lamang nila sa isang restaurant.  Hindi niya ini-expect na picnic date pala ang nasa plano ng binata. Ang akala niya ay sa isang fancy restaurant ulit siya nito dadalhin, mabuti na lang at ganito ang date nila mas nagustuhan niya ito lalo pa at namiss na din niya ang probinsiya nila. She is a nature lover that's why she appreciate it so much.

"Wow ang ganda dito Oguz." masaya niyang turan sa binata na abala sa pag-aayos ng mga baon nilang pagkain.

"I'm glad you like it Aşkım." sagot naman nito sa kanya ng nakangiti.

"I love it so much. Parang nasa Masbate lang ako. Namiss ko ang nature." pagpapatuloy niya at ibinuka pa ang kanyang dalawang kamay at nakapikit na nilalanghap ang sariwang hangin.

Narinig niya ang mahinang tawa ng binata kaya napamulat siya ng kanyang mga mata at napatingin dito. Nakita niya itong hawak ang cellphone nito habang nakaharap sa kanya. Bigla nitong ibinababa ang hawak nitong phone at nakangiti sa kanyang tumingin.

"Aren't you hungry Aşkım? come on let's eat." tanong nito sa kanya at tinapik pa ang espasyo na katabi nito na tila sinasabing maupo siya sa tabi nito.

"Nagugutom na nga ako eh." nahihiya niyang sagot dito kasabay ng pagrigudon ng kanyang tiyan na ikinalaki ng mga mata niya.

"Hahaha. You're so cute Aşkım. Halata ngang gutom ka na. Halika na dito." pagyaya nito sa kanya.

Kahit na nahihiya siya sa binata ay lumapit pa rin siya dito at naupo sa tabi nito. Nang makaupo siya ay agad siya nitong binigyan ng paper plate and spoon. Ito na rin ang naglagay ng pagkain sa plato niya kaya mas lalo siyang nahiya dito.

"Ahm, ako na Oguz, kaya ko naman kumuha ng foods." pagpipigil niya dito.

"I know, but I want to serve you my love." sagot nito na ngumiti pa sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain niya.

At dahil busy ang lalaki sa paglalagay ng pagkain sa plato niya ay siya na rin ang naglagay ng pagkain sa paper plate nito. Napatingin naman ito sa kanya na may ningning sa mga mata.

"Thank you Aşkım." namumula ang mga tenga nitong sagot sa kanya na sinuklian niya lang ng isang tipid na ngiti.

Matapos nilang ipaghain ang bawat isa ay magana na silang kumain habang masayang nag-uusap. Masayang-masaya siya ng mga oras na iyon dahil kasama niya ang binata. Parang pakiramdam niya ay sila lang dalawa ang tao sa mundo. Panay ang sulyap sa kanya ng binata kapag hindi siya nakatingin dito. Ganun din naman ang ginagawa niya kapag hindi ito nakatingin sa kanya. Para silang mga bata na nagtataguan. Natatawa na lang siya sa mga naiisip niya.

"Did you like the food Aşkım?" pukaw nito sa kanya sabay lapit sa kanya nito ng tinidor na may nakatusok na pagkain. "Say ah" utod pa nito sa kanya.

Kahit naiilang siya ay isinubo niya ang pagkain na inaalok nito. "Hmmmm, masarap." sagot niya dito ng malasahan niya ang isinubo nito. Kumuha naman siya ng french fries at isinawsaw ito sa ketchup bago isinubo dito. Na agad naman nitong kinain.

Nagpatuloy sila sa pagkain na nagsusubuan. Hindi na niya napansin na parang natural na lang sa kanila ang magsubuan. Kung may makakakita man sa kanila ng mga oras na iyon ay siguradong iisipin na magkasintahan sila. At dahil sa isiping iyon ay nagdulot iyon ng kakaibang kasayahan sa kanyang puso.

"I want more fries Aşkım." si Oguz

Kumuha naman agad siya ng fries at isinawsaw muna ito sa ketchup bago inilapit sa binata. Agad naman iyon tinanggap ng binata. Natigilan siya ng maramdaman niya ang paglapat ng mainit nitong labi sa mga daliri niya. Pati na rin ang pasimpleng pagdila nito sa daliri niya. Hindi niya alam kung sinadya ba ng binata iyon o hindi ngunit nagdulot iyon sa kanya ng kakaibang init. Napatingin siya dito ta nakita niyang mataman itong nakatitig sa kanya habang nakikita niya ang isang emosyon sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan. Tumikhim siya upang kalmahin ang kanyang sarili.

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon