One week had passed when their date happened. She became busy with her job as a receptionist in a hotel. She and her bestfriend Giselle are lucky enough that they got hired after their interview. She's been busy ever since she started working. She wasn't able to see or meet Oguz again but they always message each other. Oguz constantly updating her about his day even though he didn't need to. Although she is thankful for his thoughtfulness. She missed him so much but she knows that he is also busy with his business.
She is currently in front of the computer here in the reception area where she was assigned with Giselle. Mabuti na lang at magkasama pa rin sila at sabay ang oras ng pasok at day off nilang dalawa kaya mas ginaganahan siyang magtrabaho.
"Kamusta naman kayo ng manliligaw mo bff?" tanong nito sa kanya.
Napa-angat naman ang tingin niya dito mula sa computer na nasa kanyang harapan. "okey naman. Busy sya ngayon at pati na rin ako kaya wala pa kaming time para magkita ulit." sagot naman niya dito.
"Bawi na lang kayu ng date sa day off mo bff."
"Iyon din nga ang sabi ko sa kanya eh, sana lang ay maluwag din ang schedule nya sa day off ko." malungkot niyang turan sa kaibigan.
"Anu ka ba naman Nihle, I'm sure gagawa yun ng time para makasama ka. Si Oguz pa ba?" pinasigla pa nito ang boses. "Ikaw ha bff, may nararamdaman ka na rin ba sa manliligaw mo?" tanong pa nito.
Nahihiya naman siyang yumuko dahil sa tanong ng kaibigan niya. Ramdam din niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
"Sus nahiya ka pa sakin bff, kilala kita hoy. Hindi ka makikipag-date sa lalaki kung hindi mo gusto noh. Sa dami ng nagpaparamdam sayo sa probinsya natin kahit isa wala kang pinagbigyan. Kaya alam kung may tama ka na rin kay Oguz." mahabang litanya nito sa kanya.
Tumingin siya sa kanyang kaibigan at kahit nahihiya ay sinagot niya ito. "Halata ba talaga ?" tanong niya dito.
"Ay hindi bff, sobrang obvious lang. Eh panu, lagi kang natutulala o kaya naman ay hindi ka makatingin dun sa tao ng diretso. Lagi ka pang namumula kapag tinatawag kang Aşkım." natatawa nitong sagot sa kanya.
"Grabe ka naman Giselle, hindi kaya ako ganun." pagdedeny pa niya.
"Asus, deny ka pa. Umamin ka na bff. Tayo lang naman nakakaalam nito eh, ano? may pag-asa ba? magkaka-jowa ka na ba sa wakas?" may pagka chismosa talaga.
"Hindi ko pa sigurado Giselle, pero masaya ako kapag kasama ko siya. I also felt safe whenever he is around." nahihiya niyang sagot dito.
"Naku bff, in-love ka na nga. Sana all na lang talaga. Ang yummy pa naman ng manliligaw mo." kinikilig na saad nito.
Nangingiti na lamang siya sa mga pinagsasabi ng kaibigan niya. Naputol ang usapan nilang magkaibigan ng may lumapit sa kanilang dalawang tao para magcheck-in. Inasikaso naman nila ito ng may ngiti sa kanilang mga labi. Hindi na sila nakapag-kwentuhang magkaibigan dahil naging abala na sila sa sumunod na mga oras.
BUSY siya sa pagpirma ng mga nakatambak na papeles sa kanyang lamesa dito sa opisina niya. Nandito na naman siya sa hotel na pagmamay-ari ng magulang niya na kasalukuyan niyang pinamamahalaan. Halos one week na siyang walang pahinga dahil sa dami ng kailangan niyang gawin. Hindi na nga siya nakakapunta sa mga bars niya dahil sa hotel pa lang ay nauubos na ang oras niya. Mabuti na lang at mapagkakatiwalaan ang kanyang manager kaya medyo hindi siya nangangambang ipagkatiwala muna dito ang pamamahala ng mga bars niya.
"Sir dumating na po si Ms. Salcedo para sa meeting ninyo." pag inform sa kanya ng kanyang secretary na si Jules ng pumasok ito sa kanyang opisina.
Napatingin siya dito at bahagyang tumango. Napahilot siya sa kanyang sentido dahil sa meeting na mangyayari. Kung hindi lang dahil sa ama niya ay hindi niya haharapin si Ms. Salcedo. Masyado itong clingy kausap na nakakapag pairita sa kanya. Halatang inaakit siya nito katulad noong unang beses na nakaharap niya ito. Lantaran ang pagpapakita nito ng motibo sa kanya na hindi naman niya pinapansin dahil wala naman siyang nararamdaman dito kundi pagkairita. Isa pa, pakiramdam niya ay nagtataksil siya kay Nihle sa tuwing kausap niya si Ms. Salcedo. It doesn't feels right to him kaya nga umiiwas siya dito pero masyado itong makulit. Kung hindi lang ito anak ng kasosyo ng kanyang ama ay hindi talaga niya ito pakikiharapan ng maayos.
"Thanks Jules, I'll be right there,let her wait." baleawala niyang sagot sa kanyang secretary. At saka niya ito sinenyasan na umalis na. Nang makalabas ito ng kanyang opisina ay napasandal na lang siya sa kanyang swivel chair. Huminga muna siya ng malalim bago tumayo para pumunta sa kanyang meeting. Gusto na niyang matapos agad ito para makuwi na siya at makapagpahinga. He felt so exhausted and drained. He missed his Nihle. They haven't seen each other for one week already and he is dying to see her again and hold her hand.
Just by thinking her makes him regained his energy. He is thinking of asking her again for another date. While walking towards the meeting room his mind is already planning for their next date. What and where they would be going and what will they do. And when he formulated their date plans on his head he get his phone in the pocket of his black trouser and dial Nihle's number. He is waiting for her to answer his call. And when he heard her sweet voice he felt his heartbeat skipped. His lips said the words that his heart wants to convey to the girl on the other line without him noticing it.
"Seni özledim aşkım" he whispered.
"Hello? Oguz? anung sabi mo di ko naintindihan eh." sagot nito sa malambing na boses.
"I said, I miss you my love." nangingiti niyang tugon dito. Narinig pa niya ang pagsinghap nito sa kabilang linya.
"A-ah ganun ba?" tila natatarantang sagot nito sa kanya .
Natawa naman siya sa sagot nito sa kanya. pinalampas na lang niya ang hindi nito pagsagot ng direkta sa sinabi niya. "Can we meet again Aşkım?" tanong niya dito.
"Date?"
"Yeah"
"Nasa work pa ako eh." sagot pa nito na may pag-aalinlangan.
Nawala sa isip niya na may trabaho na nga pala ang dalaga. Hindi niya lang alam kung saang Hotel ito nakapasok dahil hindi naman nito nabanggit sa kanya nung huli silang nagkapalitan ng mensahe. "After your work then?" he asked again. "I'll pick you up if you want." he insisted. Natahimik ito sa kabilang linya na tila nag-iisip ng isasagot sa kanya.
"S-sige." nahihiya nitong sagot sa kanya.
"Great, see you later Aşkım. I'll hang up then I still need to attend a meeting." pagpapaalam niya dito. Tumahimik muna siya upang marinig niya ang tugon ng dalaga. "ok, bye din." with her sweet voice that's when he ended the call and proceed to the meeting room with a smile on his face.
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
Roman d'amourNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...