Ikalawang araw na nila ngayon sa isla at labis niyang naeenjoy ang dagat. Maghapon silang nagtampisaw sa dagat kahapon ng binata. Nagpahinga lang sila nung masyado nang tirik ang araw. Doon na rin sila kumain ng tanghalian sa labas ng mansyon. May itinayong tent si Oguz kung saan sila sumilong habang nagluluto ng mga seafoods para sa lunch nila. Nabusog siya ng sobra sa mga pagkaing inihanda ng binata lalo pa at favorite niya ang seafoods. Pagkatapos nilang magtanghalian ay nagpahinga lang sila sa duyan at hinintay na mag cool down ang init at saka sila bumalik ulit sa pagligo sa dagat. Kaya naman ng umahon sila noong malapit na magdilim ay ramdam na niya ang hapdi ng balat niya dahil sa sunburn kahit pa nga naglagay naman siya ng sunblock kahapon. Pulang-pula naman ang buong katawan ni Oguz kahapon dahil din sa pagligo.
Tinanghali silang dalawa ng binata ng gising ngayong araw dahil marahil sa pagod sa kakalangoy sa dagat maghapon kahapon kaya naman ng ihatid siya ng binata sa kanyang kwarto kagabi ay nagpaalam agad siyang magpapahinga na siya na sinang-ayunan naman ng binata. Nag-goodnight lang din ito sa kanya at hinalikan siya ng saglit bago nagpaalam na matutulog na rin daw ito.
Tumayo siya sa kanyang kama at dumiretso sa banyo para magtoothbrush at maghilamos. Nang matapos ay bumaba na agad siya ng hagdan at dumiretso sa kusina kung saan naaamoy niya ang mabangong niluluto doon. Nang makarating siya ng kusina ay nakita niya ang binata na nakatalikod sa gawi niya at nakaharap sa kalan. Bigla siyang natakam ng makita ang likod ng binata. Nakasuot lang kasi ito ng itim na boxer short at kulay itim din na apron. Kitang-kita niya ang paggalaw ng mga muscles nito sa likod sa tuwing gagalaw ito. Bumaba ang tingin niya sa pang-upo nito at hindi niya napigilan ang mapalunok ng laway ng matitigan ang matambok nitong pang-upo. "Parang mas masarap pa itong kainin sa almusal, ang yummy." usal niya sa kanyang isipan. Naramdaman siguro nito ang presensya niya kaya humarap ito sa kanya at ngumiti.
"Good morning baby." lumapit pa ito sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi.
Nabigla siya sa ginawa nito kaya hindi agad siya nakapag-react. Para lamang siyang tuod na nakatayo sa harap nito habang hinahalikan siya nito. Nabalik lang siya sa kasalukuyan ng maramdaman niya ang mahinang pagkagat nito sa ibabang labi niya kaya naman naibuka niya ng bahagya ang kanyang bibig na sinamantala naman nito at mabilis na ipinasok ang dila sa loob niya. Naglaban ang kanilang mga dila at di kalaunan ay nagsipsipan habang nagpapalitan ng laway. Narinig niya ang ungol niya dahil sa nakaliliyong pakiramdam na hatid ng halik ng binata at kasunod niyon ay ang malakas na pagmarakulyo ng kanyang tiyan. Nakaramdam siya ng hiya dahil doon. "please lupa,kainin mo na ako, nakakahiya ka talaga self."
"Hahaha.. kawawa naman ang baby ko, gutom na pala. Can you wait a minute Aşkım, I'll just finish this and we'll eat after." malambing ang boses nito habang tinatanggal ang ilang hibla ng buhok niya na nakatabon sa kanyang mukha.
Tumango lang siya dito. "Ang bango naman ng niluluto mo my love." sabi pa niya dito dahil amoy niya ang masarap na amoy ng niluluto nito.
"Hindi lang mabango baby, masarap din ito dahil hinaluan ko ito ng maraming pagmamahal." pilyo nitong sagot sa kanya.
"Hayy naku, ayan ka na naman my love ang aga-aga pinapakilig mo na naman ako." kunwari ay suplada niyang tugon dito.
"I will make you feel kilig everyday baby." sagot naman nito.
"Oo na Aşkım. Bilisan mo na dyan gutom na ang baby mo eh. Mamaya na ang landi." natatawa naman niyang sagot dito.
"Yes my queen. Humanda ka talaga mamaya dahil lalandiin kita." nakangisi nitong saad at saka muling hinarap ang niluluto nito.
Hindi naman nagtagal at natapos din ito. Tatayo na sana siya para kumuha ng mga platong gagamitin nila ng pigilan siya nito at sinabihan na maupo lang daw ako at hayaan ko siyang pagsilbihan niya. Kaya kahit na gusto niyang tumulong sa paghahain ay naupo na lamang siya. Mas lalo siyang nakaramdam ng gutom ng makita niya ang mga pagkaing inihain nito. May Sinangag na umuusok pa, may pritong boneless na bangus, merong tapa at tocino at itlog na maalat. Nagtimpla din ito ng hot chocolate para sa kanya at kape naman para dito.
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
RomanceNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...