Aşkım 19

34 2 0
                                    

Matapos ang  ilang minuto na biyahe ay inihinto niya ang sasakyan sa harap ng plaza sa mismong bayan ng Mandaon. Hindi naman siya naligaw dahil madali lang niyang natandaan ang direksyon na itinuro sa kanya ng kanyang kaibigan. Marami ang tao sa palibot ng plaza mukhang may nagaganap sa kasalukuyan. Nang lingunin niya ang dalaga sa kabilang upuan ay nakita niyang nakatingin ito sa labas ng bintana. Iniisip niya kung na-offend ba ito kanina, naging tahimik kasi ito sa buong biyahe. 

"We're here, Berke said that there will be a Pamasayan Festival here that's why I brought you here. I hope it's okey with you.?" he said trying to get her attention. And he gets her attention when she glance at his direction.

"Oo naman okey lang sa akin. Ang totoo niyan nawala sa isip ko na ngayon pala gaganapin ang Pamasayan Festival, naging busy kasi ako sa graduation namin at nakaligtaan ko na ang tungkol dito. Mabuti na lang dito mo napiling pumunta." nakangit na ito ng sagutin siya.

And because she is finally smiling now, he felt relieved. Ayaw naman niya na masama ang loob nito habang magkasama sila. He wants her to enjoy their date. He wants it to be a memorable date even though its not that extravagant. Actually, he is planning to take her to fancy restaurant with dinner and candle light and everything but he has no time to prepare and he is also thinking that it may overwhelm her and base on his observation to Nihle, She is a very simple girl. So he changed his plan and think of a simple and ordinary date and he is thankful because he can see that she is happy.

"Honestly its not my first plan to bring you here but I changed my mind. And I am happy that you like it. So where do you want to go first? or what we should do first?" he asked her with a smile on his lips.

"Hmm.. ang alam ko may mga contest ngayun ang mga school. Pwede tayong manood andun lang yun sa loob plaza." sagot nito sa kanya na nakalagay pa ang hintuturo sa sentido na tila ba nag-iisip ito.

"Okey, let's go to plaza and watch the contest." pag-aaya nya dito sabay  kinuha na ang kamay nito at hinawakan ito. Hindi na niya ito hinayaang makapagprotesta sa paghawak niya dito. 

Tahimik lamang ito habang naglalakad sila papasok ng plaza. Hawak niya ang kamay nito kaya ramdam niya ang lambot nito. Sa daan lang siya nakatingin, samantalang ang dalaga ay nakayuko habang naglalakad. Marahil ay nahihiya ito dahil sa magkahawak nilang kamay. naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil alam niyang ito ang unang beses na naranasan ito ng dalaga. Samantalang siya ay nakakaramdam ng pagmamalaki dahil hawak niya ang kamay ng pinakamagandang babaeng nakilala niya. Nais niyang ipakita sa mga tao lalo na sa mga kalalakihan na napapatingin sa kanila o mas tamang sabihin na napapatingin sa dalagang kasama niya, na hindi na available ito at siya na ang nagmamay-ari nito. He wants them to fuck off because Nihle is his. Only his. Although he is the only one who knows it. For now.


NAPATIGIL sa paglalakad si Nihle nang maramdaman niya na tumigil ang binata. Napilitan siyang lingunin ito upang magtanong kahit pa nga nahihiya pa rin siya dahil sa paghawak nito sa kamay niya hanggang ngayon. Nakakahiya lalo na at nagpapawis ang kanyang palad. Ilang beses niyang sinubukan bawiin ang kanyang kamay kanina ngunit lalo lamang humihigpit ang hawak nito na para bang ayaw siyang hayaan na makawala mula rito.

"Bakit ka huminto?" tanong niya dito

 "Bumili muna tayo ng maiinom at makakain para hindi tayo magutom mamaya sa panonood." sagot nito habang nag-iikot ng tingin sa palibot ng plaza. "There, there are food stall on that side. let's go and see what we can get from there before we proceed in watching the contest." pagpapatuloy nito at itinuro pa ang kanang bahagi ng plaza kung saan naroon nakalinya ang iba't-ibang uri ng mga pagkain.

Muli niyang naramdaman na humigpit ang paghawak nito sa kamay niya at bahagyang hinila siya sa dreksyon ng mga bilihan ng pagkain. Hinayaan na lang niya ito at ngapatangay na lang siya kung saan man siya nito dalhin. Madalas na napapadako ang mga mata niya sa magkahugpong nilang mga kamay. Nagmukhang maliit ang kanyang palad dahil sa laki ng palad ni Oguz. nararamdaman niya ang medyo makalyo at malambot nitong palad. Napansin rin niya ang mabalahibo nitong bisig dahil naka simpleng t-shirt lamang ito na kulay puti kaya naman nakikita rin niya ang tattoo nito at ang maugat na braso nito. Napalunok siya dahil doon. Hindi siya mahilig sa tattoo pero masasabi niya na bagay na bagay dito ang tattoo nito. Marahil ay nagiging bias lamang siya.

"What do you like Aşkım"? he asks her

"Ikaw?" wala sa sarili niyang sagot dito.

"As much as I want you to eat me Aşkım , I am not on the menu. Maybe soon." natatawa nitong sagot sa kanya.

Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin dito. "anu ba naman yan Nihle, kung anu-ano kasing iniisip mo eh, nakakahiya ka. Please lupa kainin mo na ako." pagkastigo niya sa kanyang sarili.

"Kahit anu na lang, hindi naman ako mapili eh" nahihiya niyang sagot dito. Nilibot niya ang tingin sa kanilang paligid at nalaman niyang marami ang mga kababaihan at kalalakihang nakatingin sa kanila o mas tamang sabihin na nakatingin sa kasama niyang binata. Hindi niya masisisi ang mga ito lalo na ang mga kababaihan dahil talagang agaw pansin ang kakisigan ng kanyang kasama at marahil dahil na rin sa banyagang anyo nito. Kahit sino ay mapapatitig talaga dito.

"Okey ako na ang bahalang pumili. What about drinks?" muling tanong nito.

"Tubig na lang, thank you." kimi niyang sagot dito.

Habang hinihintay nilang maluto ang kanilang mga order ay naupo muna sila sa isang bench na malapit lang sa food stall na binilhan nila. Medyo may kaliitan ang upuang semento kaya naman magkadikit ang kanilang mga katawan. Hindi na sana siya uupo dahil alam niyang masikip para sa kanilang dalawa ang upuan pero ng pinagpagan muna ng binata ang kabilang bahagi ng upuan tsaka siya inalalayan sa pag-upo ay wala na siyang nagawa pa. Ramdam niya ang init ng katawan ng binata na nagpadagdag ng bilis ng tibok ng puso niya. Naramdaman niya ang pagluwag ng paghawak nito sa kamay niya kaya akala niya ay tuluyan na nitong bibitawan iyon ngunit nagkakamali pala siya dahil  inayos lang nito ang kamya nila at pinagsalikop ang mga daliri nila. It feels more intimate for her, there intertwined fingers fits perfectly, na para bang hinulma ang mga iyon para sa isa't-isa.

"Elin benimkine mükemmel uyum sağlıyor, tıpkı senin benim için ne kadar mükemmel olduğun gibi aşkım." (your hand perfectly fits with mine, just like how perfect you are for me my love.)



Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon