Aşkım 32

35 2 0
                                    


"Prinsesa namin mag-iingat kayo sa pupuntahan nyo ha, text us once you arrived at your destination." muling paalala ng kanyang kuya Talha sa kanya.

Ngumiti muna siya dito bago sumagot. "Opo kuya, huwag na po kayong mag-alala. I'll text you two once we arrive at the island." malambing niyang turan dito pati na rin sa kuya Tanner niya na nakaupo sa kanyang kama habang pinanonood siya ng mga itong maglagay ng mga dadalhin niya para sa tatlong araw na bakasyon nila ng kanyang kasintahan. Kasama niya ang dalawa niyang nakatatandang kapatid dito sa kwarto niya. Naaprubahan na kasi ang leave na hiningi niya sa trabaho at pinayagan din naman siya ng mga kuya niya kaya naman tuloy na tuloy na ang bakasyon nilang dalawa ng binata. Gusto pa sana ni Oguz na out of the country daw pero tumanggi na siya at sinabing dito na lang sa Pilipinas tutal marami namang magagandang beaches sa bansa na hindi pa niya napupuntahan kaya naman sumang-ayon din ito sa kanya at sinabing next time na lang sila mag-out of the country.

Panay naman ang bilin ng mga kuya niya sa kanya na mag-iingat daw siya sa pupuntahan nila ni Oguz. Paulit-ulit na nga, pero pinapabayaan niya na lang dahil alam niyang nag-aalala lang ang mga ito sa kanya lalo pa at hindi niya kasama ang isa man sa mga ito.

"Basta ang bilin namin sayo wag mong kakalimutan." pagpapatuloy ng kuya Tanner niya.

"Opo kuya." nakangiti naman niyang sagot dito. Sakto naman na tumunog ang kanyang cellphone na hudyat na may nagmessage sa kanya. Nang tingnan niya ay kusang napangiti ang kanyang mga labi ng makitang ang binata ang nagpadala ng mensahe. Nasa labas na daw ito ng apartment nila. kaya naman kinuha na niya ang kanyang maliit na maleta at tumingin sa kanyang dalawang kuya. "Kuya nasa labas na daw po si Oguz." pag-imporma niya sa mga ito.

"O sige halika na at baka naiinip na ang prince charming mo." mapanudyong turan ng kanyang kuya Talha. Kinuha rin nito ang kanyang maleta sa kanyang kamay at ito na ang naghila palabas ng kwarto niya. Inakbayan naman siya ng kanyang kuya Tanner at sabay na silang naglakad patungo sa labas ng apartment.

Pagkalabas nila ng apartment ay agad niyang nakita ang kanyang kasintahan na nakatayo sa tabi ng sasakyan nito. Naka t-shirt lamang ito na kulay blue at nakasuot ng sunglass. Nagmukha itong modelo lalo na ng ibaba nito ng bahagya ang suot nitong salamin sa bridge ng ilong nito para masipat siya ng makita siyang papalapit dito. Naglakad ito pasalubong sa kanila habang nakangiti kaya naman ngumiti rin siya dito.Napansin niyang pinagmamasdan nito ang kabuuan niya. Nakasimpleng summer dress lang siya dahil mainit ang panahon at sa beach naman sila papunta. Nakasuot lang din siya ng simpleng sandals sa paa.

"Aşkım, I miss you." masaya nitong bungad sa kanya sabay yakap at halik sa kanyang magkabilang pisngi.

Nakaramdam naman siya ng kaunting hiya dahil alam niyang nakikita sila ng kanyang mga kuya. Hindi naman kasi si Oguz nahihiya na ipakita sa ibang tao ang pagiging clingy nito sa kanya kahit pa sa mga kuya niya. Alam naman niyang sanay na ang mga kuya niya sa mga harutan nilang magkasintahan kaya lang minsan ay hindi niya maiwasang mahiya pa rin sa mga ito. "A-ahm I miss you too Aşkım." Pabulong niyang sagot sa binata.

"Hey, do you still feel shy around your kuyas?" panunukso nito sa kanya.

"Hahahaha. Hindi lang siguro sanay ang prinsesa namin. Ikaw naman kasi bayaw, lagi kang nakalingkis dyan sa kapatid namin." natatawa namang sabat ng kuya Talha niya. Kaya mas lalo siyang nahiya.

"Alam niyo naman mga bayaw na lagi kong namimiss ang Aşkım ko. Kung pwede ko nga lang ilagay to sa bulsa ko para lagi kong kasama eh ginawa ko na." pagsagot naman ni Oguz.

"Ako na naman pinagtulungan niyong tatlo." nakanguso niyang sagot sa mga ito qat tiningnan ng masama ang kanyang kasintahan.

"Later baby, I'll ravish that pouty lips of yours." bulong nito sa kanya kaya hindi na rinig ng kanyang dalawang kuya. Namula naman siya sa sinabi nito at nakaramdam ng excitement.

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon