''NIHLE, iha congratulations!''
Napalingon siya sa bumati sa kanya at napangiti nang makita ang kanilang principal na masayang naglalakad palapit sa kaniya.
''Thank you po Mrs. Yilmaz.'' masaya rin niysng tugon sa kanilang mabait na prinsipal.
''Silly, you can call me tita young lady, para namang hindi ko bestfriend ang mama mo nyan eh.'' at saka ito humalik sa pisngi niya bilang tanda ng pagbati.
''Nakakahiya naman po.'' nangingimi niyang tugon dito. Tulad nga ng sabi nito ay bestfriend ito ng kanyang ina simula high school pa lang ang mga ito hanggang sa kasalukuyan ay matalik pa rin na magkaibigan ang dalawa kaya naman ay parang anak na rin ang turing nito sa kanya.
''Bakit ka naman mahihiya iha? alam mo naman na gustung gusto ko ng anak na babae kaya lang ay hindi na kami nabiyayaan ng aking mister kaya naman anak na ang turing ko sayu.'' nakangiti pa rin ito habang nagsasalita.
''Sige po tita tutal po graduate na rin naman po ako ngayun.'' aniya
''Ohh you're so sweet iha, thank you. By the way andito ang aking unico hijo'' turan nito sabay lingon sa likuran nito, kaya naman napatinigin din siya sa likod nito pero wala namang tao roon.
''Hayy naku nasaan na ba ang batang yun, nainip na naman siguro, alam mo naman ang anak ko na iyon mainipin talaga, baka nauna na sa sasakyan kasama ng kaibigan niya.'' tuloy-tuloy ang pagsasalita nito habang iniikot ang paningin sa paligid, hinahanap siguro ang anak.
''Nainip nga po siguro tita'' natatawa niyang sagot sa ginang. Naalala niya ang anak nito na si Berke. Matanda ito sakanya ng anim na mahigit limang taon kaya naman hindi sila naging sobrang close noon. Pero hindi din naman sila magkaaway.Nagbabatian naman silang dalawa tuwing may okasyon at nagkikita ang kanilang mga magulang. mababait kasi ang mga magulang nito kahit pa kilala at mayaman ang mga ito sa lugar nila.Hindi ito mga matapobre katulad nga ibang mayayaman.
''Hayaan mo Nihle iha at dadalaw kami sa inyu bukas, diba bukas ang selebrasyon mo ng iyong graduation? Inimbitahan ako ng mama mo kaya naman pupunta kaming mag-anak ata isasama ko ang aking anak para makapagkamustahan naman kayung dalawa, matagal na din kayung hindi nagklikita diba?'' mahabang wika ng ginang.
''Sige po tita aasahan ko po kayu bukas.'' masaya niyang sagot dito.
''Nasaan na ba ang mama mo at mag-isa ka lang dito?'' tanong nito sa kanya
''Nauna na po sa labas sila ni tatay. nagpaiwan lang po ako saglit dahil nagpapicture pa po kami ng mag kaklase ko.''
''Ah ganun ba, oh siya sige iha mauna na ako at hahanapin ko pa ang aking binata at baka naiinipa na yun at gusto na umuwi,..Congratulations again iha,'' at mulisiya nitong hingkan sa pisngi bago tuluyang tumalikod at maglakad papunta sa labas.
Napapangiti naman siyang nakatingin sa ginang na papalayung naglalakad. Nang wla na sa paningin niya ang prinsipal ay muli siyang lumapit sa kanyang kabigan at nagpatuloy sila sa pagkuha ng litrato.
SAMANTALANG nakaupo naman si Oz sa loob ng sasakyan ng kaibigan niya habang hinihintay nila na lumabas ang ina nito.Prinsipal ang ina ng kaibigan niya sa paaralang ito kaya naman medyo natagalan itong makalabas ng venue hall dahil marami ang kumakausap ditong mga kapwa guro din nito.
''Ang tagal naman ni mommy.'' nakasimangot na reklamo ng kanyang kaibigan sa driver's seat.
''Wag ka ng magreklamo dyan dude, ayan na si tita oh,'' sabay turo niya sa entrance ng hall na pinagdausan ng graduation.
''Thank God! finally..'' madrama nitong turan tsaka binuksan ang pintuan ng driver's seat, kaya naman binuksan na rin niya ang pintuan ng passenger seat kumg saan siya nakaupo at sabay silang lumabas ng sasakyan at lumapit sa ginang.
''Mom, what took you so long?' nakangusong tanung ng kaibigan niya sa ina nito. Mukha itong batang nagtatantrum.
''Hoy Berke wag mo nga akong mangusu-ngusuan diyan para kang bata sa inaasal mo, hindi Oz iho?'' may bahid biro nitong tanung sa kanya.
Ngumiti lang siya sa ginang at bumaling sa kanyang kaibigan na may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi pero hindi na siya nagsalita pa.
''Ang tagal mo kasing lumabas mom, gusto ko ng umuwi at magpahinga.'' parang batang nagmamaktol ang gago niyang kaibigan.
'' Nakita ko kasi si Nihle habang palabas ako, binati ko lang siya at nag-usap kami saglit. Do you remember her anak? yung bunsong anak ng bestfriend ko, your tita Neila?'' sagot naman ng ginang.
''I remember her mom, but not really, its been five years since I last saw her, kaya di ko na masyadong matandaan ang batang iyon.'' parang balewalang sagot ni Berke sa ina nito.
''Yeah matagal na nga kayumg hindi nagkikita dahil umalis ka ng lugar natin para mag-aral abroad at tuwing umuuwi ka ay saglit lang ang inilalagi mo kaya hindi kayu magkitang dalwa. Dalaga na ang batang sinasabi mo anak at napaka gandang babae at mabait pa.
''Oo na mom, sa bahay na lang natin ipagpatuloy ang kwentuhan, I really wanna go home and rest, let's go.'' at iginiya na ng kaibigan ang ina nito patungo sa loob ng sasakyan. At nang makasakay na ang ginang ay lumulan na rin silang magkaibigan at bumiyahe pauwi sa bahay ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
RomanceNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...