Kasalukuyan silang nakapila ngayon sa isang sinehan dito sa Mall of Asia. Matapos nilang kumain sa isang mamahaling restaurant ay napagkasunduan nilang manood ng sine. Nagulat pa siya dahil sa isang fancy restaurant siya nito dinala. Mas lalo pa siyang nagulat ng malaman niyang silang dalawa lamang ang customer ng restaurant. Yun pala ay dahil nirentahan ng binata ang buong lugar para sa kanilang dalawa. Maganda ang ayos ng lamesang nakahanda ng dumating sila mayroong kandila sa gitnang lamesa at may mga balloon at bulaklak na nakalat sa paligid ng lamesa. mayroon ding waiter na nakatayo sa gilid at isa pang lalaki na may hawak na violin na tumutugtog habang kumakain sila. Literal na dinner with candle light. Lubos siyang kinilig dahil sa effort ng binata. Nang sabihin kung hindi naman kailangan na ganoon kagarbo ang date namin ang sagot lamang nito ay " you deserve all the fancy and luxury things this world can offer Aşkım." At pambawi na rin daw niya ito dahil simpleng date lang daw ang ginawa nila noong first date nila. Hindi na lang siya nagsalita pa at kumain na lang siya habang masaya silang nag-uusap ng binata.
"Are you ok Aşkım?" tanong ng binata sa taenga niya.
Nagulat siya sa ginawa nito. Hindi niya napaghandaan ang ginawa ng binatang pagbulog sa kanya. Nasa harapan siya nito. "O-oo naman." nauutal niyang tugon dito.
"You look taken aback.?" nagtataka nitong tanong sakanya.
"N-nagulat lang ako sa pagbulong mo." nauutal pa rin niyang sagot dito. "naakakahiya ka talaga Nihle bakit ka ba nag-i-stammer?" pag kastigo niya sa kanyang sarili.
"Oh sorry if I startled you Aşkım." natatawa nitong sagot sa kanya. "But you look so cute."pagpapatuloy nito.
"Tse! ayan ka na naman dyan sa mga banat mo eh." nakairap niyang sabi dito, pero natutuwa rin siya dahil masaya ang binata sa sobrang saya nito pati mga mata nito ay tumatawa kaya bahagyang nawawala ang mga iyon.
Nakita nilang umuusad na ang pila papasok ng sinehan kaya naglakad na rin sila papasok. Naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri nila. Hindi na siya umangal at nagwalang bahala na lang dahil alam naman niyang si Oguz iyon. Gusto rin naman niya ang ginagawang paghawak ng kamay niya ng binata. Ramdam niya ang init ng kamay nito pati na rin ang paminsan-minsang pagpisil nito sa kamay niya na naghahatid ng init sa kanyang buong katawan.
Dahil medyo may kadiliman sa loob ng sinehan ay inaalalayan sila ng binata sa paglalakad. Magkahawak pa rin sila habang naglalakad patungo sa kanilang upuan. At ng makarating sila sa pwesto nila ay pinauna siyagng paupuin nito at saka nilagay sa lagayan ng pop corn at drinks ang dala nitong snacks nila habang nanonood. Naupo na rin ito sa kanyang tabi.
"Are you comfortable Aşkım?" bulong nito sa kanya na nakapagpalingon sa kanya dito kung kaya nagtama ng saglit ang kanilang mga labi.
Mabilis niyang inilayo ang kanyang mukha dito at napayuko. "I'm okey here. Kumportable naman." nakayuko pa rin niyang sagot dito. Hindi niya ito matingnan dahil sa hiyang nararamdaman niya. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya mabuti na lamang at madilim dito sa pwesto nila kaya hindi makikita ng binata ang pamumula ng pisngi niya. "Puro ka na lang kahihiyan Nihle sa harap ni Oguz. Kumalma ka heart please." pagkausap niya sa puso niyang napakalakas ng tibok. "First kiss ko yun eh, kainis ka naman kasi self eh." patuloy niyang pagkausap sa kanyang sarili.
"Hhmmm.. m-mabuti naman." nauutal din na sagot sa kanya nito. Umayos na ito ng upo at tila natitigilan ito na ipinagtataka niya.
Nag-umpisa na ang palabas pero ang isip niya ay nasa accidental kiss pa rin na nangyari. Paulit-ulit na bumabailik sa isip niya iyon. Saglit lang nagdampi ang mga labi nila pero pakiramdam niya ay nararamdaman pa rin niya ang init at lambot ng mga labi ng binata sa kanyang mga labi. Para lang siyang tuod na nakupo at nakatutok ang kanyang mga mata sa malaking screen sa harap niya ngunit wala naman siyang maintindihan sa pinapanood niya. Ang nararamdaman lang niya ay ang lamig ng aircon pero hindi na niya iyon pinansin pa.
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
RomanceNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...