Aşkım 6

49 4 1
                                    

        Hindi mapakali sa kanyang kinauupuan si Nihle, ramdam niya ang mga matang tila nakasunod sa kanyang bawat galaw. Tila ba ayaw nitong lubayan siya ng tingin. Hindi niya alam kung pakiramdam lang ba niya o sadyang nanadya ang may-ari ng mga titig na iyon na ipaalam sa kanya na pinapanood nito ang bawat gawin niya. 

         She just can't ignore those stares because it creates havoc in her insides. It made her restless at the same time it makes her feel excited and at ease at the same time. She cannot understand her feelings at the moment.

''Hoy friend! okey ka lang ba? bakit parang di ka mapakali dyan?'' nagtatakang tanung ni Giselle. Dumating ito kanina saktong papasok na sila ng dalawang binata na kausap niya kanina sa labas ng gate nila.

''Okey lang ako friend, medyo napagod lang ako.'' pagsisinungaling niya sa kaibigan. Hindi niya pwedeng sabihin dito ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon dahil mismong siya ay hindi rin niya maintindihan kung anu ba talaga ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Bago sa kanya ang emosyong nararanasan niya sa mga oras na iyon, at dahil iyon sa binatang patuloy pa rin ang paninitig sa kanya.

''Sigurado ka ba dyan friend? baka naman meron kang hindi sinasabi sa akin Nihleina?'' tanong nito sakana habang mataman siyang tinititigan.

''Anu ka ba naman Giselle wag ka ngang issue dyan. Anu naman ang itatago ko sayu. Napagod lang talaga ako.''sagot niya dito at pakunwari itong inirapan.

''Asus wag ako friend, kilala kita. Nakakalimutan mo yata na ako ang bestfriend mo kaya bawat hininga at utot mo alam ko ang ibig sabihin.'' nanunuksong turan ng lukaret niyang kaibigan at ginamit pa talaga ang liya ng isang pelikula.

  ''Ewan ko sayu Giselle. Manahimik ka na nga dyan at kumain na lang marami pang pagkain doon sa kusina baka kulang lang yan sa lumpia.'' sarkastikong sagot niya sa kaibigan.

''Sige na lang nga, kunwari wala na lang.'' nakairap na turan nito sa kanya. ''Tara friend samahan mo ako sa kusina ninyu baka maubusan ako ng lumpia mamaya na lang kita kukulitin sa alam ko. Chismis is life but food is lifer lalo na pag may lumpia''. parang timang na hinila na siya nito papuntang kusina nila.

          Natatawa na lang siyang nagpadala sa panghihila nito patungong kusina nila kung nasaan ang mga pagkain. Basta talaga pagkain ang pinag-usapan hindi pwedeng ipagpaliban para sa kaibigan. Dahil pareho sila nitong mahilig kumain. Ang motto nilang dalawa ay gasgas na gasgas na pero yun ang paniniwala nila. ''Food is Life''.

          Pansamantalang nawala sa isip ni Nihle ang mga titig na nararamdaman niya kanina. Nalibang siya sa kwetuhan nila ng matalik niyang kaibigan. Panay ang kwento ni Giselle habang kumakain sila. Kung anu-anu lang naman ang pinag-uusapan nila. They can actually talk to each other for one whole day that they won't notice the passing of time. Ganoon sila ka komportable sa isa't-isa. They talk everything and anything under the sun.

''Hi..pwede ba kaming makiupo dito sa inyo?'' tanung ng isang baritonong boses.

       Napataas ang tingin namin ni Giselle sa may ari ng boses. It was Berke and at his side is Oguz. Hindi niya alam kung pagbibigyan niya ba ang mga ito, kaya tumingin siya sa gawi ng kanyang kaibigan para sana tanungin kung okey lang ba dito ang pakiusap ng mga bagong dating.

        Gusto niyang matawa sa itsura ng kanyang kaibigan. Nanlalaki ang mga mata nito at apati na rin ang mga butas ng ilong nito. May ilang butil pa ng kanin at sarsa ng menudo sa gilid ng labi nito. Para itong tanga na nakatulla sa dalawang nilalang sa kanilang harapan. Hindi naman niya ito masisisi dahil tila dalawang greek gods ang  mga lalaking nakatayo at naghihintay ng pahintulot nila. Kahit siya ay hindi nakaligtas sa karisma ng mga ito ngunit masasabi niyang mas iba ang dating ng presesnsya ni Oguz. There is something in him that made her heartbeat skipped and weaken her legs. Hindi lang niya pinapahalata sa mga ito.

''Ahhhmm... pwede naman, may bakante pa naman. Upo kayo.'' alok niya sa dalawang lalaki.

''Thank you Askim.''

''Thank you Lil' Miss'' 

          Magkapanabay na sagot ng dalawa. Naunang umupo si Oguz, kinuha nito ang upuan sakabilang lamesa at itinabi sa kanyang upuan tsaka umupo. Halos magkabungguan na ang kanilang mga siko. Samantalang ang lapad pa naman ng lamesa para sa kanilang apat. Samantalang naupo naman si Berke sa tapat ni Oguz sakto lang ang distansya mula sa kanyang kaibigan,. Hindi ang mga ito magkkatamaan ng siko sa pagkain.

''Ahm pwede ka bang umusog ng kaunti, medyo hindi kasi ako makagalaw ng maayos masyadong malapit ang upuan mo.'' Nahihiya niyang pakiusap dito.

''Sorry, masyado bang malapit? para sa akin kais sakto lang eh,'' nakangiti nitong sagot sakanya sabay usog ng bahagya ng upuan nito.

''Dahan-dahanin mo kasi dude, masyado ka naman nagmamadali eh'' nakangising turan ni Berke sa kaibigan nito.

''Kailangan magmadali dude para matali agad baka may makakuha pang iba, which is not gonna happen in my watch.''  Oguz rebutted while smirking.

        Hindi niya masundan kung anu ang pinag-uusapan ng dalawa kaya nanahimik na lang siya. Nakuha lang ang kanyang atensyon ng sipain ng kanyang kaibigan ang kanyang paa sa ilalim ng kainilang lamesa. Tumingin siya kay Giselle, nakita niyang pasimple nitong itinuturo ang mga lalaki sa kanilang mesa na tila sinasabing ''sinu ang mga diyos na ito.''

        Kaya naman kahit na nakakaramdam siya ng hiya ay napilitan siyang magsalita upang ipakilala ang kanyang matalik na kaibigan sa mga ito.

''Hmmm si Giselle nga pala kaibigan kong matalik, Giselle si Berke anak ni Principal Yilmaz at ito naman si Oguz,pero pwede mo raw syang tawaging Askim, kaibigan siya ni Berke.'' pagpapakilala niya sa mga ito.

''Hahaahahhaha..'' bumunghalit ng tawa c Berke ng hindi niya alam ang dahilan.

"No! she can't call me Askim Nihle.'' tila batang nakangusong turan ni Oguz, hindi makapaniwala ang mukha nito.

''Why? sabi mo sa akin tawagin kitang Askim diba?'' naguguluhan niyang tanung dito.

''Yeah I said that, but Askim is only for you to use when you want to call me or talk to me. No one can call me Askim aside from you same goes to me, only I can call you Askim..Only me.'' tila nahihiya nitong sagot.

         Hindi alam ni Nihle kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso niya at naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi dahil sa sinabi ni Oguz. Naguguluhan siya sa sarili at sa inaasta ng kaibigan ni Berke.

       Kaya naman hinayaan na lang niya ang mga ito na magkamayan at mag-usap para magkakilalahan ng maayos. Tahimik na lamang siyang naupo sa kanyang upuan at ipinagpatuloy ng tahimik ang pagkain kahit pa ramdam na naman niya ang init ng mga tingin na nagmumula sa kanyang tabi. 

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon