Biglang napatayo sa kanyang upuan si Nihle ng makita niyang naglalakad na pabalik sa kanilang lamesa ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid pati na rin si Oguz. Nakapagtataka lang para sa kanya na naka-akbay na ngayon ang kamay ng kanyang kuya Talha sa balikat ng binata habang malapad ang ngiting nakikipag-usap dito. Samantalang ang kanyang kuya Tannner naman ay maaliwalas na ang bukas ng mukha. Kung pagmamasdan ng mabuti ang tatlo ay iisipin mong matagal na itong magkakakilala at sobrang malapit sa isa't-isa. They even laughing together sometimes. As if there is no tension between them a while ago. Kaya naman nakahinga na siya ng maluwag kahit naguguluhan pa rin siya.
"Mga kuya kamusta ang bonding nyo nitong kaibigan ko?" nakangising tanung ni Berke sa kanyang mga kapatrid ng tuluyan na itong nakalapit sa kanila.
"Kuya Tanner at Kuya Talha pasado na po ba? mukhang masaya ang naging bonding ninyung tatlo ah." segunda naman ng kanyang kaibigan.
"Okey naman pala itong kaibigan mo Berke eh, malakas ang loob." ang kanyang kuya Talha na nakangisi na rin. Hindi pa rin tinatanggal ang pagkaka-akbay sa mga balikat ni Oguz.
"He's good for now but we are still keeping our eyes on him. Mahirap na baka makasalisi." seryusong sagot ng kanyang kuya Tanner.
"Yown! bilib talaga ako sayo dude!" masayang turan ng kanyang kababata sa kaibigan nito at umakbay na rin dito. Kaya naman naiipit na si Oguz sa pagitan ng kuya Talha niya at ng kaibigan nito.
"Ang OA mo talagang tado ka, tanggalin mo nga ang kamay mo sa balikat ko. Ang bigat-bigat eh." reklamo ni Oguz dito. At pilit na tinatanggal ang kamay ng kaibigan sa balikat nito.
"Wow ha, hindi ka nga nagreklamo sa kamay ni kuya Talha na kanina pa nasa mga balikat mo, tapos yung kamay ko mabigat? wow I feel so loved dude. Pwede na ba akong magselos?" madramang sagot ng kaibigan nito.
"Natural hindi magrereklamo to, eh bayaw nya ako eh. Di ba bayaw?" natatawang sagot ng kanyang kuya Talha sa reklamo ni Berke.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa kanyang kapatid.
Binatukan naman ito ng kanyang kuya Tanner sabay sabing "Masyado ka namang advance, ang prinsesa pa rin natin ang may hawak ng kapalaran nyan, kaya wag kang pala-desisyon." pagpapatuloy pa nito.
"Alam ko naman yun kuya Tanner nagpapractice lang sa pagtawag ng bayaw, grabe ka naman sa akin, makabatok wagas." nakalabing saad ni kuya Talha.
Bumaling sa kanya ang kanyang kuya Tanner. "Alam namin na malaki ka na prinsesa at nasa tamang edad na, ang mapapayo ko lang sayo ay i-enjoy mo muna ang buhay mo at pag-isipang mabuti ang desisyon na gagawin mo. Nandito lang kami palagi sa tabi mo pagklailangan mo kami. Kaya wag kang mahihiya na magsabi sa amin, lalo na sa akin okey.?" seryoso ito habang binibigkas ang mga katagang iyon.
"Kuya anu bang pinagsasabi nyung dalawa? Hindi ko kayo maintindihan ni kuya Talha.?" tanung niya sito at saka bumaling din sa isa pa niyang kuya.
"Basta prinsesa namin lagi mong tatandan na andito lang kami para sayo palagi." ang kanyang kuya Talha na kunwari ay maluha-luha pa.
Mas lalo lang siyang naguluhan. Para namang mawawala na siya sa poder nila kung magsalita ang mga ito, eh hindi naman siya aalis. At saka isa pa kaka-graduate nya pa lang. Diyos ko napaka-OA talaga ng mga ito pagdating sa kanya. Mas lalo tuloy siyang naging kyuryuso kung anu ba ang pinag-usapan ng mga ito at ng binata at ngayon ay naging madrama na ang mga ito sa kanya.
"Bff naman ikaw na talaga. Habang buhay na lang ba talga akong taga- sana all? Lord wag naman kayung unfair anak nyu rin po ako. Pakihatid naman sa pinto ng kwarto ko ang future bebe ko." maarte at may pa taas pa ng kamay na tumungin pa sa itaas ang lukaret niyang kaibigan na parang nananalangin.
" Oh siya dito na muna kayo at papasok na ako sa loob, medyo nahihilo na ako dahil sa ininom namin kanina, magpapahinga muna ako sa kwarto ko para mamaya." paalam ng kanyang kuya Tanner bago tumalikod sa kanila at naglakad papasok sa loob ng kanilang bahay.
"Kuya hintay, papasok na rin ako medyo umiikot na rin ang paningin ko. Tinamaan ako dun sa tuba na ininom natin kanina eh." tawag ng kanyang kuya Talha at tsaka sumunod na ito sa kanilang kuya Tanner. Ngunit hindi pa ito nakakalayo ay bumaling ulit ito sa kanila. "Hoy bayaw! behave ha, bata pa ang prinsesa namin. Baka itakwil kita pag gumawa ka ng kalokohan." matalim ang mga matang nakatingin ito kay Oguz. Dumiretso na ang mga ito sa pagpasok sa kanilang bahay para magpahinga. Marahil ay nalasing nga ang mga ito kaya ninais na ang magpahinga.
"Hoy Berkeng panget samahan mo nga ako sa loob kukuha lang ako ng pagkain, wala na tayung pagkain dito oh." narinig niyang tawag ni Giselle sa kanyang kababata kaya naman nabaling ang tingin niya sa mga ito.
"Anu? ikaw na mag-isa ang kumuha dun bansot, umiikot na nga ang paningin ko eh." reklamong sagot ni Berke dito.
"Samahan mo na nga ako eh para marami tayung makuha. May lumpia pa sila dun sa kusina sigurado ako." patuloy pa ni Giselle at pinanlakihan pa ng mata ang binata na para bang sinasabing sumunod na lang ito. Wala ng nagawa pa ang binata dahil hinila na ito sa kamay ng kanyang kaibigan.
"Kung hindi lang dahil sa lumpia hindi kita sasamahang bansot ka. Pasalamat ka sa lumpia." reklamo pa ng lalaki na halata namang gusto rin na magpahila.
Napapangiti na lang siya sa kalokohan ng dalawa niyang kaibigan. Nang mawala sa paningin niya ang mga ito ay nakarinig siya ng pagtikhim sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Oguz na mataman na nakatitig sa kanya. Bakas ang pagkaaliw sa mukha nito sa hindi niya malamang kadahilanan. Mukha rin itong masaya.
"At last, nasolo na ulit kita. Mabuti na lang umalis na ang siraulong Berke na'yun." panimula nito. Inayos pa nito ang upuan na gamit nito at mas inilapit pa sa upuan niya kaya naman kaunting distansya na lang ang pagitan nila.
"Oo nga eh, ang kukulit nila pati na rin si Giselle." sagot niya dito. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito. Nais niya itong tanungin tungkol sa pinag-usapan nito at ng mga nakatatanda niyang kapatid ngunit pinangungunahan siya ng hiya.
"Why are you not looking at me Aşkım? are you shy?" tanung nito sa kanya.
"Hindi naman sa ganun, anu lang gusto ko lang sanang itanung kung anung pinag-usapan niyo nila kuya at bakit ganun sila magsalita kanina.?" nahihiya niyang tanung dito. Nandun na naman ang pagbilis ng tibok ng puso niya lalo pa at ginamit na naman nito ang salitang iyon na ginagamit lamang nito sa tuwing tatawagin siya. Hindi niya alam kung bakit, pero iba ang dating sa kanya ng isang salitang iyon.
"Boys talk Aşkım." maikli nitong sagot sa kanya.
"Hindi ko ba pwedeng malaman? kapatid naman nila ako eh." nakanguso niyang tanaung ulit dito.
Natawa ito sa kanya. His smile is contagious that it makes her smile too. His dimple is showing and his pearly white teeth are on full show. Even his eyes are smiling. Napaka-gwapo nitong tingnan lalo pa at napakasaya ng mukha nito. Siguradong marami sa mga kababaihan at maging kabaklaan ang nahuhumaling sa binatang nasa kanyang harapan. At isa siya sa pinagpalang babae na nakasaksi kung paano ito tumawa ng taos sa puso.
"Sorry Aşkım, I can't help smiling everytime you pout your lips. You're just too adorable for me." natatawa pa rin ito habang nagsasalita. Hindi pa ito nakuntento at pinisil pa ang kanyang pisngi na para bang nanggigil sa kanya. "Sanırım şimdiden aşık oldum" dagdag pa nito gamit ang lenggwaheng hindi niya alam kung ano.
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
RomanceNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...