She is thinking what to wear for her date with Oguz. She is excited to see him again after how many days. And because of so much excitement that she is feeling she can't decide what to wear. She's glad that his kuya Tanner allowed her to meet Oguz. But there is a condition and that is, Oguz should fetch her in her brother's apartment and ask his permission for respect sake. At nang sinabi niya sa binata ang gusto ng kanyang kuya Tanner ay maluwag na tinanggap naman iyon nito at sinabing yun din naman daw ang balak nitong gawin. Ang sunduin siya sa mismong bahay ng kuya niya at ipagpaalam siya ng personal dito na ikinatuwa naman niya ng lubusan.
They agreed that Oguz will fetch her around six p.m in his brother's apartment. And it's already five thirty yet she's still undecided what to wear. She wants to look beautiful in Oguz's eyes. Kaya naman napagdesisyunan niyang soutin ang kulay peach na lang na dress. Manipis lang ang strap nito. The color of the dress compliments her skin tone beautifully kaya ito ang napili niya. Hindi rin ito masyadong maikli dahil umabot hanggang malapit sa tuhod niya ang haba nito. Pinaresan niya rin itong ng flat sandals na kulay puti na kumportable sa paa. Pinatuyo lang niya ng blower ang kanyang buhok at hinayaang nakalugay at naglagay ng lip tint sa kanyang mga labi para hindi siya maputlang tingnan. Nang makuntento siya sa kanyang itsura ay kinuha na niya ang kanyang bag at cellphone at saka lumabas ng kwartong inuukupa niya sa bahay ng kanyang kuya.
Tamang-tama naman na may nagdo-door bell at nakita niyang tumayo ang kanyang kuya Tanner at binuksan nito ang pinto. Nang bumalik ang kanyang nakatatandang kapatid ay kasunod na nito ang binatang magiging ka-date niya. Agad itong ngumiti sa kanya ng makita siya nito. Bakas din ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya ng matiim kaya nahihiyang gumanti din siya ng ngiti dito.
"Ehemm.!" pagtikhim ng kuya niya na halata namang sinasadyang kunin ang atensyon nilang dalawa ng binata. "Baka naman matunaw na ang prinsesa namin niyan." pagpapatuloy pa nito.
"Kuya talaga." nahihiya niyang sagot dito at nag-iwas ng tingin sa binata.
"Para kasing natulala na itong date mo prinsesa eh." pagpapatuloy pa nito na bahagyang natatawa.
"Sino bang hindi matutulala sa prinsesa niyo bro?" sagot naman ng binata sa sinabi ng kanyang kuya pero ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa kanya. "Aşkım good afternoon, for you." sabay abot nito sa kanya ng isang pumpon ng bulaklak mula sa likod nito na hindi niya napansin kanina.
"Thank you." nangingimi niyang tinanggap ang bulaklak na inabot nito at bahagya iyong inamoy.
"Oguz, ingatan mo ang prinsesa namin ha, iuwi mo ng walang labis at walang kulang yan kung ayaw mong makita agad si san pedro." Saad ng kuya Tanner niya na seryosong nakatingin sa binata.
"Huwag kang mag-alala bro ibabalik ko ng buong-buo ang prinsesa niyo." sagot naman nito sa seryoso ring tinig.
"10 ng gabi dapat nandito na ang kapatid ko. Maliwanag ba? No monkey business." ang kuya Tanner niya
"10 pm sharp and no monkey business, clear bro." sagot ni Oguz
"Sige na lumakad na kayo para hindi kayo abutan ng traffic sa daan." pagtataboy sa kanila ng kuya niya bago siya hinalikan sa pisngi.
"Thank you kuya, alis na po kami." nakangiti niyang paalam dito.
"Okey prinsesa mag-enjoy ka sa date niyo."
"Alis na kami bro." pagpapaalam ni Oguz sa kanyang kuya at nakipagkamay pa ito.
"Mag-ingat ka Oguz sa pagdrive at yung mga bilin ko wag na wag mong kakalimutan." pagpapaalala ulit ng kuya niya.
"Don't worry bro you have my words." sagot nman ng binata.
"Kuya aalis na po kami, bye." pagpapaalam niya dito para makaalis na sila ng binata.
Nang makasakay na sila ng sasakyan ng binata ay bigla siyang kinabahan. Hindi ito ang unang beses na magdate silang dalawa pero ang kaba niya tuwing kasama niya ang binata ay hindi nagbabago. Pabilis ng pabilis din ang tibok ng puso niya tuwing magkalapit sila ng binata na hindi naman niya naramdaman sa ibang mga lalaki na nakakausap niya tulad ng mga male classmates niya. Tanging kay Oguz nya lamang nararamdaman ang ganitong pakiramdam.
Nagulat siya ng biglang dumukwang ang binata sa kanya. Mas lalo niyang nahigit ang kanyang hininga. Hindi siya mapakali lalo pa at nararamdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang pisngi. "Seatbelt Aşkım." bulong nito sa gilid ng kanyang tainga na nagdulot ng kiliti sa kanyang kaibuturan. That endearment again. It gave her cjill whenever he call her using that endesrment. Nang makabit na nito ang seatbelt niya ay umayos na ito ng upo sa driver seat.
"Thank you." hindi tumitingin ditong sagot niya.
"You are always welcome Aşkım." nakangiti nitong sagot sa kanya at kumindat pa.
"Puro ka talaga kalokohan." natatawa naman niyang sagot dito. Nabawasan ang kabang nararamdaman niya dahil sa ginawa nito. He always makes her comfortable and she likes it.
"You really looks beautiful when you laugh Aşkım. I always want to see you happy." sagot naman nito.
Bigla tuloy siyang nahiya dahil sa sinabi nito. "Nambobola ka na naman eh." pairap niyang sagot dito
"Kahit kailan hindi kita binola Aşkım."
"O sige na naniniwala na ako sayo."
"Bakit parang napipilitan ka lang maniwala?"
"Kasi naman, ang daming mas maganda sa akin noh."
"But for me, you are the most beautiful woman. You're like an angel Aşkım. My angel." nakatingin ito sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Oo na nga naniniwala na ako. Gwapo ka rin naman. Sigurado akong maraming babae ang nagkakagusto sayo dito sa Manila." sagot naman niya dito. Nagulat din siya sa mga salitang nasabi niya at biglang nahiya.
"I know I am handsome Aşkım and I won't deny that yes, women flocks in front of me to get my attention but you are the only one that makes me feel things that I never felt before." His voice is full of seriousness. "You are the first woman that makes me do things that I have never done before. I never do courtship and date thingy but for you I'm doing this because I want to prove to you that I'm serious. You really captured my eyes and my heart the very first time I saw you. And I am sure that I will do everything to make you happy always. Only you Aşkım." pagpapatuloy pa nito na puno ng emosyon ang mga matang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Namula siya dahil sa sinabi nito. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi kaya napaiwas siya ng tingin dito .Hindi niya alam ang isasagot sa sinabi nito. Parang sasabog ang puso niya sa lakas ng tibok nito. "Mabuti pa umalis na tayo para hindi tayo matraffic." sabi na lang niya dito para maiba ang usapan nila. Hindi niya pa alam kung anu ba ang sasabihin niya. Kung sasabihin din ba niya ang nararamdaman niya dito kaya namna mas mabuti nang huwag muna nilang pag-usapan.
"Okey, let's eat first and talk where we should go next. It's almost dinner time already I know you're straving." sagot naman nito sa normal na boses na pinagpasalamat niya dahil naramdaman siguro ng binata na hindi pa siya handang pag-usapan ang tungkol sa mga nararamdamn nila.
Minaniobra na ng binata ang kotse nito at tuluyan na nilang binabaybay ang daan kung saan silang restaurant maghahapunan. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga ilaw ng mga nagtataasang building at establishments ng kamaynilaan. Tahimik rin ang binata habang nagrmamaneho ngunit ramdam niya ang paminsan-minsan nitong paglingon sa direksyon niya. Napapalingon siya dito paminsan at iiwas ang mata niya kapag lumilingon sa kanya ang binata. Gusto niyang matawa sa ginagawa nilang dalawa pero pinigil niya. Napapangiti na lang siya ng lihim sa kanyang sarili.
She hopes that Oguz will wait for her to sort her feelings for him. She hopes for him to understand her because he knew that it's her first time when it comes to this thing called LOVE.
![](https://img.wattpad.com/cover/363784182-288-k150826.jpg)
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
RomanceNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...