Aşkım 29

34 3 0
                                    


Nagmamadali siyang umuwi sa apartment ng kanyang kuya Tanner upang makapaghanda sa date nila  ni Oguz mamaya. Mabuti na lang at hindi masyadong matraffic kaya hindi siya natagalan makauwi at mayroon pa siyang sapat na oras para mapaghandaan ang pagkikita nila ng binata. Espesyal sa kanya ang araw na ito dahil first monthsary nila ngayon ni Oguz. Nakabili na rin siya ng ibibigay niyang regalo para dito, sana lang ay magustuhan ng binata. Alam naman niyang simple lang ang regalong ibibigay niya para dito. Nahirapan pa nga siyang mag-isip ng ipangreregalo dahil alam naman niyang wala ng kulang sa lalaki dahil halos lahat na yata ng bagay ay mayroon na ito. Kaya naman naisip niyang simple na lang ang ibigay niya dito after all it's always the thought that counts.

Nang makarating siya sa apartment nilang magkakapatid ay naabutan niya ang dalawa niyang kuya sa sala na kapwa nakaupo sa sofa at na nonood ng balita sa flat screen tv. Ngumiti siya sa mga ito sabay halik sa pisngi  ng bawat isa.

"Mukhang masaya yata ang Prinsesa namin ah." puna ng kanyang kuya Talha.

"Lagi naman po akong masaya kuya Talha." sagot niya rito sabay ngisi ng malapad dito.

"But today, you are extra happy princess, kaninang umaga ko pa napapansin." Ang kuya Tanner naman na nakakunot ang noo habang nagtatanong sa kanya.

"Hmm.. may date kasi kami ni Oguz ngayon kuya. Isang buwan na ang relasyon namin eh." namumula niyang sagot dito.

Natawa naman ang kuya Talha niya sa sagot niya. "Sabi ko naman sayo kuya Tanner eh, may iba na talagang nagpapasaya sa prinsesa natin." pabirong turan ng kuya Talha niya.

"Kuya Talha naman eh, syempre pinapasaya nyo rin po ako, kayo nila mama at papa." nahihiya niyang saad dito.

"Alam naman namin iyon prinsesa. Pero alam din namin na ibang kasiyahan ang hatid sayo ng lalaking minamahal mo. Kaya naman masaya rin kami para sayo. " ang kanyang kuya Tanner na inakbayan pa siya.

"Oo nga prinsesa, basta ipagpatuloy lang ni Oguz ang pagpapasaya sayo at huwag ka lang niyang papaiyakin wala kaming magiging pagtutol sa pagmamahalan ninyong dalawa." ang kanyang kuya Talha na umakbay din sa kanya kaya naman mas lalo siyang nabigatan sa mga kamay ng mga ito sa balikat niya.

"Mga kuya naman, ang bibigat kaya ng mga kamay niyo." reklamo niya sa mga ito na tinawanan lamang siya at ginulo ang kanyang buhok.

"O siya sige na prinsesa, maghanda ka na para sa date nyo ng prince charming mo." panunudyo pa ng kuya Tanner niya sa kanya.

"Thank you mga kuya. Ang swerte ko talaga sa inyo." nakangiti niyang sabi sa mga ito habang papunta sa kanyang kwarto.

"Sus marunong ng mambola ang prinsesa namin." narinig pa niyang sagot ng kuya Talha niya tsaka natatawang naupo muli.

 Agad siyang naghanap ng isusuot at ng makahanap ay nagtungo na siya sa loob ng banyo para makaligo.


IBINABA niya ang kanyang cellphone nang matapos ang tawag mula sa kanyang ama. Ayaw man niya sanang sagutin ang tawag nito ngunit wala siyang nagawa dahil iniisip niya na baka importante ang itinatawag nito. At natapos nga ang tawag na nagbigay sa kanya ng isipin. He knew from the start that he have responsibilities with his family and their family's business. He is willing to manage their businesses when the right time comes and he wants to believe that its still not the right time for him to handle those businesses. Lalo pa at may isang Nihle sa buhay niya ngayon. He is not ready to tell her about his life. Who he truly is and what his family wants him to be. Kaya naman ngayon ay namomroblema siya kung anong magiging sagot niya sa kahilingan ng kanyang ama.Napabuntong-hininga na lamang siya.

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon