Aşkım 10

46 2 0
                                    

       Nakahinga ng maayos si Nihle ng sa wakas ay makapasok sila ni Giselle sa loob ng kanilang bahay at tuluyang nakawala sa mapagbirong presensya ng kanyang mga nakatatandang kapatid. Lalo na sa matiim na titig ng binatang may abung mga mata.

     "Mukhang may ipang-aasar na naman sayu ang mga kuya mo bff. Hahaha." nakakalokang tumawa pa ang kanyang matalik na kaibigan na tila ba sayang-saya sa nangyayari sa kanya.

      "Isa ka pa dyan babae, nakikisabay ka pa sa pang-aalaska ng mga kuya ko sa akin. Kaibigan mo kaya ako." kunwaring nagtatampong turan niya sa kaibigan.

     "Assuss...tampong purorot ka naman agad bff, natatawa lang ako sa mga kuya mo. And at the same time, naaawa na ako sa crush mo. Siguradong pagtutulungan yun ng mga siraulo mong mga kuya." ani Giselle.

       Napalingon siya dito dahil sanarinig niya. "Anung crush ang pinagsasabi mo dyan bruha. At sino naman ang crush ko na hindi ko alam na crush ko pala abir?" nakapameywang na tanong niya sa kaibigan with matching taas pa ng kilay.

         At ang magaling niyang kaibigan ay humarap din sa kanya at pinameywangan din siya bago nagsalita. "Hoy Nihleina ako lang to oh,? yung BESTFRIEND mo lang to oh, si Giselle ang taong kilalang- kilala ka. Kaya wag mo kong ma taas-taasan ng kilay mo dyan at baka bunutin ko yang makapal mong eyebrows." mahabang litanya nito.

        Nais niyang matawa sa pagmumukha ng kanyang kaibigan. nanlalaki ang mga mata nito at pati na rin ang butas ng ilong nito. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili na bumunghalit ng tawa.

       "Eh kasi naman sino ba kasi ang tinutukoy mo na CRUSH ko? at bakit hindi ko alam na may CRUSH na pala ako?" tanong niya dito na patuloy na pinipigilan ang pagtawa.

       "Eh paano mo naman malalaman bff kung maka-deny ka wagas. Daig mo pa ang punong tuod sa tigas ng pagdeny mo." may pagkumpas pa ng kamay ang bruha niyang kaibigan habang nagsasalita.

       "Eh sino nga kasi yung CRUSH ko?" pinagdiinna nya pa ang pagbigkas ng salitang crush para mas ma-emphasize.

        "Eh sino pa ba ang katitigan mo simula pa kanina? ayaw pang umamin pero kung makipagtitigan parang wala ng bukas. Kahit nga mga kuya mo ramdam ang kuryente ng mga titigan nyung dalawa nung tao eh. " sagot ni Giselle na may halong panunukso.

         "Anung kuryente ba nag pinagsasabi mo lukaret ka, nagkatinginan lang crush na agad.? Masyado naman yata kayung advance nila kuya." aniya dito. 

       "For your information Nihleina my goddess friend, wag ka masyadong deny ng deny. Open  your beautiful eyes and your big heart. Malay mo yung crush mo, head over heels din pala sayu. Sayang ang time friend, lumandi ka rin pag may time lalo na kung OZ..soo yummy and Oz..soo papable ang nabihag ng iyong kariktan." tila baliw ito na nagniningning pa ang mga mata habang nagsasalita. Parang may nais ipahiwatig sa kanya.

      "Baliw ka na talaga Giselle, kung anu-anung pinagsasabi mo. Epekto na yan ng pagkahumaling mo sa mg Korean at Turkish drama." sagot niya rito habang napapaisip kung totoo nga ba na crush din siya ni Oguz. "Teka, din? san nanggaling yun? tinatanggap nya na ba na crush niya ang binatang may abung mga mata?" pagkausap nya sa kanyang sarili.

      "Baliw na kung baliw basta ako may alam ako na hindi mo alam." nakakalokong turan nito sa kanya tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "Payong kaibigan lang friend, brace yourself, because some Oz..soo good is coming your way." Giselle said in a sing-song voice.

        Hindi niya masyadong na-gets ang ibig sabihin ng kanyang kaibigan. Nagulat na lang siya ng may kumalabit sa kanya mula sa likuran. Nang lingunin niya ito ay napagtantu niya na ang lalaking paksa ng kanilang usapan ng kanyang kaibigan kani-kanina lamang ang siyang mabubungaran niya. 

       "Sige friend dun na muna ako sa labas. Makikipag-kwentuhan muna ako kila kuya Talha at Kuya Tanner. You know, catching up with them." sni Giselle bago tumingin sa gawi ni Oguz. "I am sure you won't be bored here because Oz the great is here." may pilyang kislap ang mga mata ng kanyang kaibigan habang sinasambit ang mga katagang iyon sa kanya sabay kindat pa.

       Gusto niyang sabunutan ang kaibigan at pigilan ito sa plano nitong pag-alis at pag-iwan sa kanya sa presensya ng binatang ngayun ay mataman lamang na nakikinig at nakatingin sa usapan nila ng kayang kaibigan. Ngunit hindi niya magawang pigilan si Giselle dahil walang boses na lumalabas sa kanyang lalamunan. Kaya naman malayang nakaalis ang kanyang kaibigan habang masayang nagkumakanta-kanta pa.

      Napilitang siyang harapin ng tuluyan ang binata lalo pa at bisita rin naman nila ito. Nakakahiya naman kung hindi niya aasikasuhin ito.

        "Hi, may kailangan ka ba? do you need water or something? wait lang ikukuha kita sa kusina." natataranta niyang tanung dito at tumalikod na sana para pumuntang kusina upang kuhaan ito ng bagay na hindi niya naman alam dahil hindi pa naman ito sumasagot sa tanung niya.

       "Hey it's ok.. relax Aşkım, I'm not gonna bite you even if biting you is what I wanna do r ight now." saad ni ngunit pahina ng pahina ang tinig nito kaya naman hindi niya masyadong narinig ang mga sinabi nito sa huli. Nakahawak na ito sa kanyang pulsuhan. Mainit ang mga kamay nito na tila pumapaso sa balat niya at ang init na iyon ay nagsusumiksi sa bawat himaymay ng kanyang laman. It made her stiffed in her place.

       Pilit na kinakalma ni Nihle ang kanyang sarili lalo pa at napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Tila anumang oras ay lalabas ito sa kanyang dibdib. She inhale and exhale secretly calming her self and her stubborn heart. After inhaling and exhaling a couple of times, her heart is now a little bit calm. She raise her chin and look at him and smile, tyring to masks the awkward feelings that she is feeling right now because Oguz still holding her wrist but this time his hold is more gentle and he can feel him caressing her wrist with his thumb finger gently.

         "Ahmm your hand, pwede mo nang bitawan ang kamay ko." nahihiyang saad sa binata.

       "Ow sorry, ang sarap kasing hawakan ng kamay mo. It's so soft and smooth." tila gulat itong napatingin sa kamay nitong nakahawak sa pulsuhan niya tsaka marahan na bumitaw sa kanya.

        "Bakit ka nga pala nandito sa loob? may kailangan ka ba? nasan na si Berke?" tanung ulit niya dito.

           "Actually kukuha sana ako ng tubig, naubusan kami ng kaibigan ko dun sa labas eh. Ako na ang nagpresentang pumasok at kumuha ng tubig namin medyo may tama na kasi ang isang yun." sagot ng binata sa kanya. "and I'm so glad I did bacause I get to talk to you." Oguz continue.

          Doon lamang napatingin si Nihle sa pitchel na hawak nitosa kaliwang kamay. Hindi niya iyon napansin kanina marahil ay dahil masyado siyang nakapokus sa mainit nitong kamay na nakahawak sa pulsuhan niya. 

       This is really not good on her part, nawawala siya sa sarili niya kapag kaharap niya ang binata. Hindi niya alam kung ganoon din ba ang epekto niya sa binata. Dahil kung pagmamasdan niya ito parang natural lang naman ang mga kilos nito sa harap niya. O marahil ay sanay na ito pakikisalamuha sa mga babae after all galing itong Manila kung saan normal lang ang pakikipaglapit ng lalaki at babae. Sa isiping iyon ay tila nalungkot siya at napabuntong-hininga. 

          Sa angking kakisigan ng binata at sa lakas ng dating nito ay imposibleng walang babaeng na huhumaling dito. Isang tingin lang ng abo nitong mga mata siguradong magkakandarapa na ang mga dalaga dito. 

      Hindi na lang niya ipapahalata sa binata ang epekto nito sa kanya. Secret na lang ang katutuhanang crush nga niya lalaki sa kanyang harapan na may gray na mga mata. 



Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon