Aşkım 17

41 3 1
                                    


Dalawang araw matapos ang celebration para sa kanyang graduation ay naging abala si Nihle sa pagtulong sa kanyang ama sa maliit nilang taniman. Sinasamantala niyang makatulong sa kanyang magulang habang naghihintay sa tawag ng hotel na pinag-aplayan nila ng kanyang kaibigan.

Kasalukuyan sila ngayung nasa likod bahay kung saan mayroon ang kanyang amang tanim na mga iba't-ibang klase ng gulay. Mayroon silang tanim na sitaw, talong, okra at iba pang gulay na makikita sa kantang bahay-kubo. Meron din silang tanim na ilang mga prutas sa kabilang dako ng kanilang lupa. Nagpapasalamat siya dahil masipag at madiskarte ang kanyang ama dahil kahit papaano ay nakakakain silang mag-anak ng mahigit tatlong beses sa isang araw. At dahil din sa pagtutulungan ng kanyang mga magulang kaya sila na kapagtapos na tatlong magkakapatid sa kolehiyo. Kaya naman masasabi niyang maswerte silang magkakapatid dahil responsableng mga magulang ang mayroon sila.

"Nihle anak pumasok ka na muna sa loob at medyo masakit na ang init ng araw sa balat. Ako na ang bahala dito." tawag pansin sa kanya ng kanyang ama. 

Nang lingunin niya ito ay malapit ng mapuno ang basket na dala nito na pinaglalagyan ng mga gulay na naani nila. Ngumiti siya dito bago sumagot. "Okey lang po Papa, may salakot naman po akong suot. At saka malapit na rin mapuno ang basket ko." magalang niyang pagpapatuloy.

"Sige na anak, pumasok ka na. Magluto ka na lang ng pananghalian natin para makakain tayu pagkatapos ko dito at nang mai-deliver na rin itong mga naani natin sa palengke sa bayan." muling pagkumbinsi ng kanyang papa sa kanya.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang itigil ang pamimitas ng mga gulay. Lumapit siya sa kanyang ama at ibinigay dito ang kanyang mga inani at para magpaalam na rin na papasok na siya sa loob ng kanilang bahay. "Sige po Pa pasok na ako at magluluto ng pananghalian natin." paalam niya dito na tinanguan lamang siya bilang sagot.

Pagkapasok niya ng kanilang bahay ay narinig niya na tumunog ang notification ng kanyang cellphone tanda na may nagpadala ng mensahe sa kanya. Dumiretso muna siya ng kanilang lababo upang makapahugas ng kanyang kamay pagkatapos ay pinunasa iyon bago niya kinuha ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang nag-text sa kanya. Napakunot ang kanyang noo ng makitang hindi nakaregister ang numerong nagpadala ng mensahe. At nang buksan niya iyon ay hindi niya inaasahan kung kanino nanggaling ang mensahe.

"Aşkım" isang salita lamang ang laman ng mensahe. Hindi na niya kailangang isipin pa kung sino ang sender. Isa lang naman ang tumatawag ng ganun sa kanya. Ilang beses siyang pumikit upang kalmahin ang kanyang sarili dahil lamang sa isang salitang iyon. Kahit hindi niya kaharap ang binata ay ganun parin ang epekto nito sa kanya kahit sa cellphone lang. Iniisip na niya ang kanyang irereply sa text nito ng magulat siya sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone. Muntik pa niya itong mabitawan dahil sa gulat. Tumikhim muna siya bago sinagot ang tawag.

"Hello?" she answered in a tiny voice.


HIs eyes automatically close when he heard the sweet and low voice from the other line. Her voice send shivers from his ears to his neck and down to his spine. It's soothing and calming at the same time. It's been two days since the last time he saw her. He missed her so much. Ngunit ngayun lang niya ito naisipan na itext dahil natulog silang pareho ng kaibigan ng isang buong araw dahil sa nalasing sila noong graduation celebration ng dalaga at nung ikalawang araw naman ay naging busy sila ng kanyang kaibigan sa paglilibot sa hacienda ng mga ito. At ngayon nga ay nakapagpahinga na siya ng maayos kaya naisipan niyang kamustahin ito.

"Hello?" sagot ng dalaga sa kabilang linya.

"Aşkım?" tawag niya dito sa malambing na tinig. Mas lalo niya itong namiss ng marinig niya ang boses nito.

"Oguz?"Nihle from the other line.

A smile crept into his lips upon hearing her say my name. He think it is the first time that she calls him by his name. He feels like he is floating on cloud nine. His name sounds so good when it came from Nihle"s lips.

"Yeah it's me." he shortly answered and wait for her again to speak. He still want to hear her voice. Kung pwede lang wag na siyang magsalita at ito na lang ang hayan niyang magsalita kahit magdamag pa.

"Napatawag ka? may kailanagn ka ba?" tanung nito sa malamyos na tinig.

"Hindi ka kasi nagreply sa mensahe ko kaya tumawag na ako para rin masiguro na ito nga ang number mo." sagot niya dito na medyo na karamdam siya ng hiya dahil sa naisip niya kanina na baka hindi nito totoong numero ang ibinigay nito sa kanya nung nakaraang araw.

"Grabe ka, hindi naman ako manloloko noh." tila nagtatampong sagot nito sa kanya.

"Hindi naman sa ganun Aşkım. Sorry if I offended you. Please don't be mad at me." paghingi niya ng paumanhin dito gamit ang mababang boses.

"HAHAHAHAHHAA." biro lang Oguz anu ka ba. Okey lang sa akin." malakas na tawa nito sa kabilang linya.

Her laughter makes him smile. Kaya naman hindi niya namamalayan ang kanyang sarili na ngumingiti na pala siyang mag-isa. Mabuti na lamang at nasa loob siya ng kwartong inuukupa niya dito sa bahay ng kanyang kaibigan kaya walang makakakita sa kanya na ngumiti ng mag-isa habang may kausap sa kanyang cellphone dahil baka isipin pa ng makakakita sa kanya na nababaliw na siya.

"Sorry hindi ko lang mapigilan na matawa, okey lang yun. Anu bang pakay mo? bakit ka napatawag?" muling tanong nito sa kanya.

It's okey you can laugh anytime as long as I am the reason why you are laughing. It's okey to laugh as long as I get to hear it Aşkım." he answered. Natahimik ang dalaga sa kanyang sinabi,

"Kornik ka ha." natatawang sagot nito sa kanya.

"Maybe it sounds cheesy to you but it's okey as long as I get to express what I am feeling right now. By the way another reason why I called is, I want to invite you out. Hindi pa kasi kami nakakapasyal ni Berke dito sa probinsya nyo dahil naging busy kami dito sa hacienda nila kaya nagyun lang kami bakante. Maybe you can tour me around?" mahaba niyang saad dito. He is hoping that Nihle would accept his invitation.

"Ahm hindi ko pa alam kung papayagan ako nila papa at mama eh. Pwede bang magpaalam muna ako sa kanila? text na lang kita mamayang after lunch kung pinayagan ba ako nila o hindi." sagot ng dalaga.

"Oo namn pwede. Hihintayin ko ang text mo mmaya."

"Okey thank you Oguz. Sige maya na lang. Magluluto pa kasi ako ng tanghalian namin eh. Bye." pagpapaalam nito sa kanya.

"Ok I'll see you later Aşkım. Sana matikman rin kita balang-araw." pilyo niyang turan sa mahinang boses.

"Ano yun Oguz? di ko masyadong narinig eh ang hina ng boses mo." tanung pa nito sa kanya.

"Nothing Aşkım, I just said that someday I hope I could eat your cooking." palusot niya dito. Mabuti na lang at hindi na nito narinig ang sinabi niya kung hindi baka magalit sa kanya ang dalaga.

"Ahh... sige na Oguz magluluto pa ako eh. babaye." at tuluyan ng nawala ang dalaga sa kabilang lina.

Napangiti na lang siya sa kanyang kapilyuhan. Masaya siya kahit saglit lang ang pag-uusap nilang dalawa. Magkikita naman silan mamaya kaya okey na sa kanya iyon. Sigurado naman siya na papayagan ito ng mga magulang nito. At dahil sa isipin na may date sila mamaya ng dalaga ay naisipan muna niyang matulog, nag-set lang siya ng alarm para magising siya pagkatapos ng dalawang oras.


AUTHOR's NOTE

One episode muna ngayun mga Aşkım, medyo busy pa kasi ang lola nyu, you know Mommy duties. I hope you understand. Hindi ko rin alam kung may update bukas but I will try pag may time.

For the meantime mga Aşkım ko, panoorin nyu muna ang mga vids ng #ognih sa X. Ang daming nakakakilig na new clips doon from their new lives. Tapos nagvacation pa sila. AAAhhh my #ognih heart is well-fed.

Okey guys. see you.. soonest for my next update

Hepinizi Seviyorum mwahh

Aşkım.. You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon