#JustTheBenefits
Kabanata 1
"Harrison, Imogen."
Agad akong napatingin sa professor namin. Shit naman. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya kaya namang huminga ako nang malalim bago ako ngumiti.
"Promise po bukas magbabayad na ako," sabi ko sa kanya. Umiling na lang siya sa akin. Pasalamat siya at buntis siya kaya pinagtatyagaan ko 'yung kasungitan niya. Mabait naman talaga si Mrs. Ocampo pero simula nung nabuntis siya, ako na lang palagi ang pinagbubuntunan niya ng inis. Minsan iniisip ko na lang na pinaglilihian ako nitong buntis na 'to, e.
Dahil ako lang naman ang hindi pa bayad sa fieldtrip namin next week, pagkatapos niya akong tawagin ay nagsimula na siya sa pagtuturo niya. Ako naman, nag-isip kung paano ko babayaran iyong fieldtrip fee. Ang hassle naman kasi. Sa Davao lang naman ang location pero ang babayaran akala mo sa Japan kami pupunta! Overpriced talaga lahat ng bagay sa iskwelahan na 'to!
Pero imbes na problemahin ko pa lahat ng 'to, nagfocus na lang ako sa pakikinig ng mga lesson namin. Kaunti na lang naman at makaka-graduate na ako. Kaunti na lang at makakaalis na ako sa bansa na 'to.
Pagkatapos ng klase, agad kong inayos iyong gamit ko. Wala naman akong masyadong kaibigan sa room namin dahil hindi rin talaga ako makasabay sa mga trip nitong mga rich kids na 'to. Sa exclusive school kasi ako nag-aaral. Hindi naman totoo iyong mga sinasabi nila na inaapi iyong mga scholar dito. In fact, marami ngang kumakaibigan sa amin dahil kami iyong takbuhan nila kapag kailangan nila ng tiga-gawa ng project nila. Minsan kapag kapos na talaga ako sa pera, pinapatulan ko na 'yung mga offer nila.
Bago pa man ako makalabas sa room, tinawag na naman ako ni Mrs. Ocampo.
"Ms. Harrison," sabi niya. Kumunot agad ang noo ko. Pinaglilihian na naman ba ako nito? "I have an offer to make."
"Ha?"
Tinignan ako ng maigi ni Mrs. Ocampo. Don't get me wrong, hindi ako galit sa kanya. Naiintindihan ko naman na weird talaga ang utak ng mga buntis. Pero marami pa rin kasi akong gagawin kaya kung may importante siyang sasabihin, sana sabihin niya na. Kasi last time na pinaiwan niya ako, tinitigan niya lang ako for good 10 minutes. Sobrang awkward nun, grabe. Sigurado ako kamukha ko 'yung anak niya sa sobrang paglilihi niya sa akin.
"May bagong transfer sa bloc niyo at kailangan niya ng tutor para makahabol," she said. Hindi na ako nagsalita. I already had an idea where this conversation was heading. "You just need to prep him hanggang sa makaabot siya sa present lesson."
"Him?" I asked. "At saka 4th year na po kami, ah. Pwede pa bang magtransfer nun?"
"Alam mo naman sa school na 'to, konting donation lang magagawa mo na ang gusto mo," she said with disgusto. "Anyway, are you interested?"
Hindi agad akong nakasagot. Hindi naman sa ayaw ko pero marami rin akong ginagawa. At isa pa, hindi naman talaga ako exactly naghihirap. Nahuli lang talaga ng padala si Papa kaya medyo gipit ako ngayon.
Nung lumipas ang ilang segundo pa at wala pa rin akong sagot, nagsalita ulit si Mrs. Ocampo. "Don't worry, I already met him and he seems to be a nice person." But still, hindi pa rin ako makapagbigay ng sagot. "I'll give you until tomorrow to think. You know where to find me kapag nakapag-isip ka na ng sagot," she said before finally dismissing me.
Dumiretso na ako agad sa school park. Nandun kasi iyong kaibigan ko na si Mari na naghihintay sa akin. Pagdating ko roon, agad niyang sinarado iyong libro niya.
"Kanina ka pa?" I said as I sat down. Inilabas ko na iyong baon ko. Hindi ako bumibili sa cafeteria dahil overpriced lahat ng tinda nila. Ang mahal kaya ng mineral water! 50 pesos isang bote? Aba thank you na lang.
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
General FictionImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...