Kabanata 4

1.3M 24.5K 4.9K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 4 

Hindi na ako umimik nung sa napakalayong supermarket pa kami pumunta ni Parker. Sanay naman na ako na halos sa kabilang ibayo ng mundo pa kami magdate para lang walang makakita sa amin. Hindi na ako nagulat. Bakit pa? Ilang beses ko na kasing sinubukan tanungin siya kung bakit ayaw niyang ipaalam na kami pero tuwing gagawin ko iyon, ang bilis niyang ibahin 'yung topic.

Inisip ko na ba na baka niloloko lang ako ni Parker? Oo. Maraming beses na. Pero kahit kasi kailan, wala akong nakitang kasama niyang ibang babae sa campus. Sikat si Parker lalo na at captain siya ng soccer team kaya naman maraming babae ang naghahabol sa kanya... pero ni minsan, wala siyang pinagpakitaan ng motibo. Ako lang. Kaya naman kahit na ayaw kong tanggapin iyong katotohanan na sikreto niya lang ako, ganun pa rin. Mahal ko pa rin, e.

Mahal ako ni Parker, sigurado ako. Hindi naman kami tatagal ng isang taon kung hindi. Sa dami ng babaeng pwede niyang makuha, sa akin lang siya tumagal. And it meant a lot... at least for me.

"What else?" tanong ni Parker sa akin. May hawak siyang cart at puno na iyon ng mga grocery items. Siya lang naman 'yung lagay ng lagay dahil ayokong maglagay. Nakakahiya kasi na siya 'yung bumibili ng mga pagkain ko. Hindi naman totoo 'yung sinasabi niya na kinakain niya 'yung mga pagkain ko dahil tuwing pupunta siya sa townhouse, may dala siyang kahit na ano.

Nung hindi ako sumagot, tinawag niya ako. "Babe?"

"Ha?"

"May gusto ka pa bang bilhin?"

Umiling ako.

"Sigurado ka?" he asked again and I firmly nodded. "Talaga?"

"Ang kulit mo," I said in resignation. Natawa naman siya sa expression ng mukha ko kaya mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

"Okay," he answered. "Bayaran na natin sa counter 'to."

Habang naglalakad kami, mas nauna siya sa akin. Ang saya-saya ko habang tinitignan siya na namimili ng mga pagkain namin... Pagkatapos kaya ng ilang taon, ganito pa rin kami? Kami kaya ang magkakatuluyan? Ako kasi, gusto ko kami na talaga. Nabigay ko na kasi lahat kay Parker... Kung hindi man siya ang magiging asawa ko, kawawa naman siya kasi wala na talagang natira. Nasaid na talaga lahat ng pwede kong ibigay kay Parker.

Liningon niya ako nung mapansin niya na wala ako sa tabi niya. I smiled back at him and then resumed walking.

Habang nagbabayad siya, tinignan ko muna iyong cellphone ko. Marami kasi talagang nabili si Parker kaya medyo matagal pang i-punch lahat ng items. Nakita ko na may bagong text mula kay Shiloah.

From: Shiloah

Salamat.

I smiled at his message. Napaka-cute talaga nitong lalaki na 'to. Kahit sa personal o sa text, iisa lang ang personality niya.

To: Shiloah

No prob. That's my job :-)

To: Shiloah

Anyway, sorry kanina. Hindi talaga rude 'yung boyfriend ko, may topak lang kanina hehe

Kakapindot ko pa lang nung send nung may umagaw sa phone ko.

"Hey!" sabi ko sa kanya. "May ka-text ako!"

Kumunot agad ang noo ni Parker. "Sino'ng ka-text mo e kasama mo naman ako?" he said bago niya tignan iyong cellphone ko. Mas lalong tumindi iyong kunot ng noo niya nung mabasa niya iyong pangalan nung ka-text ko. "Siya na naman?"

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon