#JustTheBenefits
Kabanata 37
Umaga na naman. Umupo ako sa kama at inisip kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Pangatlong araw na ng burol ni Parker at hindi pa rin ako pumupunta. Hindi ko rin alam kung bakit—sino bang niloko ko? Alam ko naman. Ayoko lang pumunta dahil kapag pumunta ako, mas mararamdaman ko na totoo na talaga ito.
Na wala na talaga siya. Na totoong wala na talaga siya.
Nakarinig ako ng katok.
"Kain tayo?" tanong ni Shiloah. Tumayo na lang ako at sumunod sa kanya. Sabay kaming bumabang dalawa na hindi nag-uusap. Simula nung sabihin sa akin ni Shiloah ang tungkol sa buhay niya, hindi ko masabi na gumaan ang pakiramdam ko pero naintindihan ko siya. Kung bakit siya ganito, kung bakit sobra niyang bait.
Bakit kaya kailangan sobrang masaktan tayo minsan sa buhay natin? Kailangan ba talaga iyon?
Naupo kami habang naglalagay ng pagkain iyong nag-aalaga kay Shiloah na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
"Salamat po," sabi ko na lang. Nginitian niya lang ako. Nung matapos siya sa ginagawa niya ay iniwan niya kami ni Shiloah. "Pwede mo ba akong samahan mamaya?"
Agad siyang tumango kahit wala pa naman akong sinasabi. "Saan?"
"Maghahanap ako ng malilipatan ko."
Hindi ko na kayang bumalik pa sa dating tinitirahan ko. Maisip ko pa lang, parang mahahati na sa gitna ang ulo ko. Siguro makita ko pa lang ang labas nun, hindi ko na kakayanin. Masyadong maraming nangyari, masyadong maraming masasakit na ala-ala.
"Ayaw mo ba dito?"
"Ha?"
Tinignan niya ako ng diretso sa mata. "Dito ka na lang," he offered na agad naman ikinakunot ng noo ko. "Malaki naman 'tong bahay."
Hindi ako sumagot. Alam ko na hindi dapat. Una, masyado na akong nakakaabala sa kanya. Pangalawa, hindi ko alam pero pakiramdam ko magtataksil ako kay Parker kapag dito ako tumira. It felt like he still owns me kahit na wala na siya.
It felt like he'll forever hold a part of me.
"Baka magalit iyong girlfriend mo."
Hindi siya nakasagot. Nagpatuloy kami sa pagkain ng walang umiimik. Nung matapos ako, agad akong umakyat. Monday ngayon at mayroong pasok. Gusto kong pumasok. Gusto ko na mayroon naman akong ibang maisip.
Mabilis akong nag-ayos. Nung kukuhanin ko na iyong gamit ko sa school, at saka ko naalala na wala na nga pala akong gamit maliban sa mga nadala ko nung nasa Davao... na halos wala.
Huminga ako ng malalim.
Binuksan ko iyong pinto at nakita ko si Shiloah na nakatayo lang sa labas ng kwarto. "Sabay na tayo," sabi niya. Tumango lang ako at sabay kaming naglakad. Nauna ako sa kanya pero napahinto ako nung hawakan niya ako sa braso. "Wala kang dala?"
Umiling ako. "Nasunog lahat."
Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko rin kaya. Hindi ako makangiti, hindi ako makaiyak. Ano na lang ba ang kaya kong gawin?
Nagsimula na ulit akong maglakad pero hinarangan ako ni Shiloah.
"Umiyak ka naman," sabi niya. Magkatinginan lang kami. "Natatakot ako sa 'yo."
I tried to brush him off pero hindi niya ako pinapalagpas. Nakatayo lang siya sa harap ko. Bakit ba ayaw nila akong pabayaan? Lahat na lang sila tinatanong kung okay ba ako. Malamang hindi ako okay! Alin ba sa sitwasyon ko ang okay? Meron ba?
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
Tiểu Thuyết ChungImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...