Kabanata 64

686K 15.1K 5.2K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 64 

Tatlong araw akong umabsent. Nung ika-apat na araw na, pinilit ko iyong sarili ko na pumasok. Bukod sa wala rin naman akong magawa sa condo, kailangan ko ring grumaduate.

Mayroon pa akong halos tatlong buwan bago ako makapagtapos. Kung tama nga iyong doctor na four weeks na akong buntis, malamang nasa apat na buwan na ako kapag graduation. Halata na kaya nun na buntis ako? Pero ngayon nga e ni hindi ko ramdam na may laman na iyong tiyan ko. Ganun pa rin naman siya.

Minsan inilalagay ko iyong kamay ko sa ibabaw at hinihintay na may sumipa pero wala naman akong nararamdaman. Pakiramdam ko talaga mababaliw na talaga ako.

Nakakalungkot lang na isipin na hindi ako makaka-attend sa sarili kong graduation. Na iyong pinaghirapan ko ng apat na taon, ni hindi ko mamamartsahan dahil buntis ako.

"Oh, buhay ka pa pala!" sabi ni Marga nung makita niya ako na naglalakad sa lobby. Nginitian ko siya. Buti pa siya parang walang problema. Palagi lang siyang masaya. Para siyang human happy pill.

Sana kagaya niya rin ako pero hindi, e. Pakiramdam ko nga lungkot lang ang dala ko sa lahat ng tao sa paligid ko. Palagi na lang silang nasasaktan dahil sa akin. Kasi hindi ko kayang panindigan iyong mga desisyon ko. Kasi palagi akong takot.

"Nagkalagnat lang," I lied. "Papagalitan ba ako ni Miss Irina?" I asked. Medyo takot kasi ako 'dun dahil ang sungit at ang higpit niya.

She shook her head and then anchored her arms with mine. "Hindi, ah. Syempre pinagtanggol ka ni Shiloah. Tara sa room! May pizza party!"

Ni hindi na ako naka-ayaw dahil hatak-hatak na niya ako papunta sa isang conference room. Pagbukas niya nung pinto, nagulat ako dahil ang daming tao. Hindi ako sanay na maraming tao dahil ang palagi lang magkakasama ay kaming tatlo nila Shiloah.

Ano ba ang nangyari nung tatlong araw na nagkulong ako sa kwarto?

"Ano'ng meron?" I asked Marga. "Bakit ang daming tao?"

Lumapit siya sa table at saka kumuha ng paper plate at nilagyan iyon ng pizza. Naglakad naman siya pabalik sa akin at saka inabot iyong pagkain. "Girl, seriously minsan manood ka ng TV, okay? Nakakaloka ka!"

Hindi rin naman niya sinagot iyong tanong ko. Inilibot ko na lang iyong mata ko sa conference room at hinanap si Shiloah. Nakonsensya ako dahil nitong mga nagdaang araw, wala siyang ibang ginawa kung hindi kamustahin ako. Palagi siyang nagtetext—hindi siya tumawag. Alam ko na hindi siya tumawag dahil sa naging huling pag-uusap namin.

Masyado talaga siyang mabait kaya palagi na lang akong nakokonsensya. Bakit siya ganon? Kahit ako iyong may kasalanan, siya pa rin iyong unang magsosorry. Kahit ako iyong may problema, siya pa rin iyong mag-aadjust. Kahit hindi ko siya kinakausap masyado, walang araw na hindi kumatok si Manong Roger sa pinto ng unit para magdala ng pagkain.

Pakiramdam ko talaga sobrang sama kong tao dahil sobrang bait ni Shiloah. Totoo nga siguro iyong kasabihan na opposites do attract. Masama ako, sobrang bait niya.

May pinakilalang mga tao sa akin si Marga. Sabi niya, madadagdagan na raw iyong threesome group namin. Palagi na lang mayroong double meaning iyong mga sinasabi ni Marga. Para siyang bastos na babae pero hindi naman. Sabi niya, sobrang pataas na raw talaga iyong career ni Shiloah. Sunud-sunod na iyong booking niya at magkakaroon na naman ng bagong award iyong album niya. Dahil daw iyon sa kumalat na video ni Shiloah habang kumakanta.

"Pero, girl, ingat kayo lalo. On the hunt iyong mga fanney ni Shiloah. Curious na curious na sila kung sino iyong mysterious girl na kinakantahan ni Shi," she said and then patted my shoulder. Iniwan niya ako sa isang gilid dahil mayroon na naman siyang kakausapin.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon