Katapusan (Unang Parte)

891K 16.4K 19.6K
                                    

#JustTheBenefits

Katapusan (Unang Parte)

Parker's POV

"Shit! Hindi ka ba marunong kumatok?!"

Ate Kach's eyes went wide upon realizing that there's a very naked girl in my bed. Napailing na lang ako at saka inabutan ng pantakip sa katawan iyong babae. I looked at her and signaled her to take a clue and go out. Good thing she's not stupid like most girls I meet.

"Aray!" sigaw ko nung batukan ako ni Ate.

"Hindi ka man lang nahiya sa kuya mo! Kung sinu-sinong babae ang dinadala mo rito! Goodness, Parker, prostitute ka ba?!"

Naglakad ako papunta roon sa lampshade kung saan napunta iyong t-shirt ko. Mabuti na lang at nakasuot pa ako ng boxers. Hell would f ucking go down if my sister sees my shit.

"I'm exploring my choices, Ate," I said in a calm manner. Kung sasabayan ko ang galit niya, magsisigawan lang kami. Knowing my sister, she'd never back down. Bagay sila ng asawa niyang lawyer.

"Then explore without risking STD! God, Parker! Pinapasakit mo ang ulo ko!"

I winked at her and then got my phone and keys from the bedside table.

"Uwi ako kapag dinner," I told her as I went my way out.

Tinawagan ko si Archer pero kasama niya si Emma. That guy's so pussy whipped. Hindi ko na rin tinawagan si Hunter dahil malamang nakabuntot na naman 'yun sa dalawa. This was precisely the reason why I didn't want a girlfriend... and because of Bianca.

"Ano na naman?"

"San ka?" I asked him as I got inside my car. I quickly started the ignition bago pa ako masundan ni Ate Kach. I love her but sometimes, she's so f ucking insane. She wouldn't go off my back. She wouldn't rest her case until she got her way.

"Nasa bahay."

"Daanan kita," I told him and cut the call off. Ilang minuto lang ay nakarating na ako roon. Pinagbuksan agad ako ng gate dahil palagi naman akong nandito. Pumasok ako agad sa bahay nila at nakita ko si Tita Alys. "Good morning, Tita."

"Si Quin?" she asked. I nodded. "Nasa kwarto niya," she continued. Paalis na sana ako nung tawagin niya ang pangalan ko. Minsan hindi ko maiwasang ikumpara si Tita Alys sa kapatid ko. Puro bibig kasi pinapagana ni Ate, e. Sakit sa tenga.

"May... girlfriend ba ang anak ko?"

Weird na tanong.

"Wala naman po sa pagkakaalam ko."

She looked so worried. Ano'ng meron?

"Do me a favor, ha?" she said and I nodded. Ang bait kasi sa akin ni Tita Alys kaya ang hirap tanggihan. "Ipakilala mo naman sa girls si Quin. Nag-aalala kasi ako dahil walang nababanggit na babae, e."

Natawa naman ako sa request niya. Pumayag na lang ako at saka dumiretso sa kwarto ni Quin. Kumatok ako dahil naiinis ako sa mga taong hindi kumakatok. I mean, can't they have some f ucking manners? O kahit respeto sa privacy na lang. Minsan nakaka-puta, e.

"Tara!" aya ko sa kanya. Naglalaro lang naman siya ng video game niya. Nerd talaga 'tong hayop na 'to.

"Dun ka kay Archer. Ako na naman binubwisit mo."

"Kasama si Emma," sagot ko. "Tara na kasi. Hanap kitang babae para di ka na masungit. Tigang ka kasi kaya ang sungit mo palagi."

Binato niya ako nung game console.

"Gago ka."

Binato ko pabalik sa kanya.

"Tara na kasi. Ang chicks mo talaga. Kaya ka naiisipan na bading ng sarili mong nanay, e." Bigla siyang napahinto sa nilalaro niya at tumingin siya sa akin. "Kakasabi lang ni Tita na ihanap daw kita ng babae. Puta iniisip talaga bading ka!"

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon