Kabanata 7

1.1M 23.2K 5.7K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 7 

Umagang-umaga pero nasa faculty lounge agad ako. Bakit ba kasi mayroong number ko si Mrs. Ocampo? Iyan tuloy naitetext niya ako kapag hinahanap niya ako. I really can't have a chill kapag siya ang involved. Kahit wala akong nanay, para akong may nanay sa sobrang pagka hands-on sa buhay ko ni Mrs. Ocampo.

"You're doing a good job, Ms. Harrison," sabi niya sa akin. May tinitignan siya na folder. Pakiramdam ko iyon 'yung resulta nung pre-lims namin. Akalin mo ang bilis ng panahon? Parang kakasimula lang nung klase nung isang araw pero ang totoo, nakatapos na kami sa pre-lims. "Natuwa ang dean sa 'yo dahil mabilis naka-adapt sa school si Mr. Suarez dahil sa 'yo."

It was no trouble, actually. Sobrang nag-eenjoy din ako sa presensya ni Shiloah sa buhay ko. Kapag may mga pagkakataon na nagiging kabute si Parker at biglang nawawala, isang text ko lang kay Shiloah, may kasama na ako. So really, it didn't feel like a job, anymore. Kaibigan ko na talaga si Shiloah.

"Dahil dyan, makakasama ka na sa Davao trip next week," she said and I couldn't help but beam. I certainly need that break! These past few days, hindi kami okay ni Parker. Hindi na naman kasi siya nagpaparamdam kaya hindi ko maiwasan na sigawan siya kapag nagkakausap kami. Maybe a few days without him would do us good. Dahil sigurado ako na mamimiss ko siya at kapag nangyari na 'yun, mabilis ko na lang siyang mapapatawad.

And everything will hopefully go back to normal.

Lumabas na ako sa faculty lounge at saka dumiretso sa room. Hindi naman ako nagmamadali dahil binigyan naman ako ng excuse slip mula sa Dean's office kung sakaling na ma-late ako.

Naglalakad ako roon nung may biglang humatak sa akin.

"Hey—" Hindi ako natapos sa sasabihin ko dahil nakita ko si Parker. "Ikaw lang pala," I said. I was trying to not put any emotion in my voice. Isang linggo siyang hindi nagparamdam sa akin tapos bigla na lang niya akong hahatakin sa gilid?

"Hey," he said. Hawak niya pa rin iyong kamay ko. Ngumiti siya. "God, I missed you."

"Hindi halata," I spat out. No, I was wrong. Hindi ko kayang magpanggap na wala akong nararamdaman because truth be told, I was mad at him! Ni hindi man lang niya inisip na may Imogen na naghihintay sa kanya... Na nag-aalala kung ano na ang nangyari sa kanya!

I was his girlfriend for heaven's sake!

"Babe naman..."

Marahas kong tinanggal iyong pagkakahawak niya sa kamay ko. It pained me to hurt him this way but hostility was my only shield. Ito na lang 'yung paraan ko para maprotektahan iyong sarili ko kahit papaano...

"Don't babe me, Parker. One week kang nawala na ni wala man lang ha ni ho tapos biglang hahatakin mo ako dito? At ineexpect mo na tatakbo ako at yayakapin ka?!" I said incredulously. "Ano ka, sinuswerte?!"

His smile fell.

"And don't say that you're sorry. God, Parker! Quota na ako sa sorry mo! Kada na lang bigla kang mawawala, puro sorry ang baon mo pagbalik. Sa totoo lang, wala ng epekto sa akin 'yung sorry mo kasi kahit ilang beses mong sabihin, ginagawa mo pa rin naman." Nakatingin lang siya sa akin, tahimik na tinatanggap ang bawat masasakit na salita na sinasabi ko. Alam kong nasasaktan ko siya at ayoko nun... Pero ayoko rin naman na isipin niya na okay lang sa akin na iiwan niya ako tapos babalikan kung kailan niya gusto... Dahil hindi okay sa akin. Hindi okay sa akin na para akong aso na naghihintay kung kailan siya babalikan ng amo niya.

Because I am a human with feelings... With a heart that loves him... A heart that's pained with every lie he's telling me.

"So please, don't say sorry kung uulitin mo lang naman. Mahiya ka naman sa salita. Sinisira mo 'yung purpose niya," I said before I turned my back at him and began walking away.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon