#JustTheBenefits
Kabanata 43
Napa-buntong hininga na naman ako. Kanina pa ako nakaharap sa mga notes na binigay sa akin ni Shiloah pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Kahit ano'ng pilit kong magreview para sa finals, hindi ko magawa. Kanina pa ako nagbabasa pero parang dumadaan lang sa mata ko ang bawat salita.
Nagdesisyon ako na tumayo mula sa kama. Baka naman kaya hindi ako makapag-aral ay dahil inaantok ako? Maling desisyon talaga na sa kama ka mag-aral dahil para kang tinatawag ng kama mo at sinasabihan na mas masarap matulog. Kaya naman naghanap ako ng malaki-laking bag at saka ipinasok 'dun lahat ng kailangan ko para mag-aral. Kahit kasi nasunog lahat ng gamit ko sa school, pina-photocopy ni Shiloah lahat ng notes at binilhan niya rin ako ng libro. Mas maganda pa nga iyong notes ni Shiloah dahil sobrang kumpleto.
Pababa na sana ako para pumunta sa coffee shop nung madaanan ko 'yung kwarto ni Shiloah. Gusto ko sanang lagpasan iyon pero naalala ko na naman iyong mukha niya nung isang gabi.
I know it was hard for him to be just friends with me... but that's all I could offer. I really can't see myself being committed to anyone in the near future.
I was trying to live one day at a time. Ayoko munang isipin iyong hinaharap.
"Hi," sabi ko. I knocked twice and then he opened the door after a few seconds. Mukhang gulat siya nung makita niya ako. "Pupunta ako sa coffee shop para mag-aral. Gusto mong sumama?"
He blinked twice na parang hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ako—o baka hindi siya makapaniwala na inaya ko siya?
"May mali ba sa kwarto mo?" he said, worried. "Ipapaayos ko—"
I was quick to shake my head. Masyado talaga siyang mabait at maalalahanin. Bakit kaya hindi siya makahanap ng mabait na babae na magmamahal at makaka-appreciate sa halaga niya? Why does he keep on falling for girls like Candy... and me?
"Inaantok lang kasi ako sa kwarto," I answered.
"Ah," he said while nodding. "Sige, magbibihis lang ako."
"Okay. Hintayin na lang kita sa baba."
Bumaba ako at pumunta sa may gazebo at naupo roon. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa ng gazebo e hindi naman si Shiloah 'yung tipo ng tao na magpapapunta ng mga kaibigan niya.
Naupo ako roon nung maramdaman ko na may tumatawag sa akin. It was an unregistered number. Ayaw ko sanang sagutin dahil hindi talaga ako nakikipag-usap sa mga hindi ko kakilala... but after what happened to Parker, nakaugalian ko na na sagutin lahat ng tawag. Palagi ring nakatabi sa akin ang cellphone ko. Isang tunog lang, tinitignan ko agad.
I was just really afraid it would happen again.
"Who's this?"
"Did you purposely leave your bag so that I'll call you?"
"Tobi?" sabi ko. Siya lang naman ang kakilala ko na sobrang rude. Ni hindi man lang nagpakilala. "Ano'ng bag?"
"This... black bag."
"Wala akong black na bag. Baka isa 'yan sa mga babae mo."
"Kakabili ko lang ng sasakyan ko kaya ikaw pa lang at 'yung kaibigan mo ang nakasakay 'dun." I could really imagine him rolling his eyes. "So this should be yours."
Ang sungit niya talaga. Parang araw-araw may dahilan siyang magalit.
"Baka kay Shiloah," I said. "Tignan mo nga 'yung laman."
"I don't pry and invade privacy. Nasan ka ba? Bigay ko na lang sa 'yo."
I was about to answer nung makita ko si Shiloah na palabas na ng mansyon niya. He was wearing a white v-neck shirt, cargo shorts, and loafers. Mukha talaga siyang college student. Naka-backpack at black rimmed glasses pa siya. Ang cute niya lang.
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
General FictionImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...