Kabanata 66

737K 15.4K 5.3K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 66 

I was being treated like a princess... o pwede rin naman na imbalido.

Simula nung malaman ni Shiloah na buntis ako, sinabi niya na 'wag na raw akong sumama sa kanila sa mga shooting. Ilang beses kaming nagtalo dahil ayokong pumayag na nasa loob lang ako ng condo. Pero ayon daw sa nabasa niya, bawal daw mapagod ang mga buntis. Hindi ko alam kung ano ba ang mga binabasa ni Shiloah, e! Nung una, nalaman ko na nagpa fertility test siya just because tapos ngayon naman, ang dami niyang alam about sa pagbubuntis!

"Hindi ba talaga pwede na dito ka na lang?" he asked for the umpteenth time. Ilang beses na rin akong umiling pero sa hindi ko mawaring dahilan, bumabalik at bumabalik pa rin kami sa usapan na 'to.

"Hindi nga pwede," sagot ko. "At isa pa, kailangan ko 'yung pera."

Malapit na ang graduation. After graduation, kailangan pa naming mag-usap ni Papa. Hindi ko kasi sure kung ano ang mangyayari after nun. Ang gulo pa rin ng buhay ko. At isa pa, wala naman akong balak na tumira dito sa condo unit ni Quin. Oo mabait siya pero ayoko namang umabuso.

Hinawakan ni Shiloah iyong kamay ko.

"Imo..." pagtawag niya sa pangalan ko. Ang lambing-lambing talaga ng tao na 'to at mas lalo pa siyang naging malambing simula nung nalaman niya na buntis ako. Kung pwede lang siguro na siya ang huminga para sa akin, gagawin niya.

"Ano?"

"Pera ba ang problema?"

Nagbuntong-hininga ako.

"Hindi ko tatanggapin ang pera mo, okay? Pera mo 'yan. Kahit pa sabihin mo na ampon ka at hindi ka deserving sa pera ng mga magulang mo, pera mo pa rin 'yan, Shiloah. Hindi ko 'yan pera."

Napabuntong-hininga din siya dahil sa sagot ko.

"Magpakasal na lang kaya tayo para sa 'yo na rin 'yung pera?" sabi niya na parang nag-aalok lang siya ng candy sa akin!

Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Mabuti na lang at wala akong iniinom dahil malamang ay baka naibuga ko sa kanya iyon.

I walked out on him. Iyon iyong huling beses na nakausap ko siya dahil umalis siya papunta sa isang island para sa location ng music video niya. Tatlong music video kasi iyong tinatapos nila para sa susunod na album ni Shiloah. Dapat talaga ay kasama ako roon pero ewan ko ba dahil biglang sabi sa akin ni Marga na hindi na raw ako kasama.

Kahit na malayo siya, palagi naman siyang nagtetext. Hindi na lang siya nakapagtext nung sa mismong liblib na isla na sila dahil walang signal doon. Grabe, sobrang clingy ng tao na 'yun. Mas naging doble pa nung nalaman niya na magiging daddy na siya.

Daddy Shiloah.

Grabe. Hindi ko akalain na dadating kaming dalawa sa ganitong punto. I love Shiloah. Oo, hindi pa kami ganoon katagal pero nasusukat ba nun ang pagmamahal? Maraming matagal ng magkasama pero naghihiwalay pa rin... It wouldn't hurt to bet on this... on us... And I was so sure that Shiloah would make a good father. He's such a good person.

Miss na miss ko na siya kahit na minsan ang kulit niya. Pero ayoko naman siyang i-text dahil baka bigla na lang gumawa ng paraan iyon para umuwi siya bigla. Grabe pa naman iyon. Seryoso talaga siya nung sinabi niya na gagawin niya lahat ng gusto ko. Ayoko lang na nagsisinungaling siya para sa akin dahil hindi naman siya ganoon. Kaya hanggang kaya ko, hindi ako nagsasabi sa kanya kapag miss na miss ko na siya dahil sigurado ako na tatalikuran niya lahat ng commitments niya para puntahan ako.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon