Kabanata 19

815K 18K 2.8K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 19 

What Quin said got stuck inside my head. Para siyang sirang plaka na patuloy sa pagtugtog. Kahit anong gawin ko, hindi ko siya maalis sa utak ko. Pakiramdam ko unti-unti na akong tinatakasan ng bati.

I've thought about it—heck, I've thought about it a thousand times already! Inihanda ko ang sarili ko sa kung sakali mang mayroong ibang babae si Parker. I had imagined how I would react and what would have happened to me... Akala ko alam ko na. Akala ko kaya ko ng protektahan ang sarili ko sa pwedeng mangyari.

But I was wrong. I was dead wrong. Nothing could ever prepare me from getting hurt.

I have loved and part of it is getting hurt.

Gustuhin ko mang iwasan si Parker ay hindi na kailangan. Lately, hindi na kami masyadong nag-uusap. It was partly my fault. Wala akong kwentang kasama. Nung mga huling beses na magkasama kami, I was a dead company. Ni hindi ako sumasagot ng maayos kapag magkausap kami. Madali akong mag-aaya na umuwi kami. Umiiwas ako sa kahit ano'ng physical contact. Ni hindi ko siya hinahayaan na halikan ako. It felt wrong but be kissed by him lalo na at puno ako ng pagdududa. It just didn't feel right.

Life had never been this dull.

"Come on, people! Work on it! Tomorrow's the day!" sigaw sa amin ng professor namin. Nandito ako sa school dahil ihahanda na namin ang mga booth namin para bukas. Mabuti na lang at nagdesisyon na na magpakita at tumulong ang iba pa naming ka-grupo. They were useless in the planning but their muscles were needed in the preparation. Hindi ko kayang itayo mag-isa ang booth na ito.

Nagkakagulo na sa field dahil sa dami ng tao. Nagseset-up na rin para sa stage. Maganda ang pwesto namin dahil kitang-kita mula dito ang stage... Bukas na rin ang performance ni Shiloah. I had no idea kung ano ang kakantahin niya. I didn't think I had the right to ask. Nagtatrabaho lang naman ako para sa kanya and it didn't include me getting involved in his personal affairs.

Pero dedicated kaya iyon para kay Candy? Malamang. Girlfriend niya iyon, e.

"Why can't we just hire people to do this for us?" reklamo ni Carl habang itinutulos sa ibaba iyong bakal na susuporta sa booth namin.

Candy laughed at him. Wala namang nakakatawa.

"Come on, Carl. Use that muscle of yours. Design lang ba 'yan?"

"Tss! What's the use of having money kung papahirapan ko lang din ang sarili ko?" patuloy niya pa. Spoiled rotten asshole. Mabuti na lang at hindi lahat ng mayaman kagaya ni Carl kung hindi kawawa naman ang mundong ito.

Hindi ko na lang pinansin ang mga reklamo ni Carl dahil mabubwisit lang talaga ako ng tuluyan. Para siyang babae sa dami ng sinasabi. Paano ba natatagalan ni Shiloah ang mga tao na ito? Ang sakit sa tenga, e. Ang daming reklamo!

"Hey," tawag sa akin ni Candy. Lumingon ako. "You think I can just go see Shiloah for a few minutes?"

Bakit siya nagpapaalam sa akin?

"I mean, obviously you don't like Carl and my other friends and they don't like you either. Can you handle not strangling them for a few minutes?" sabi niya sa akin. "I promise to be back asap!"

"Okay," pagpayag ko. Naisip ko na baka kailangan din siya ni Shiloah. Malamang kinakabahan iyon dahil mayroong dryrun para sa performance bukas. Baka kailangan niya ang girlfriend niya sa tabi niya para sa moral support. "Take your time," dagdag ko pa. She smiled at me and mouthed thank you bago siya tumakbo.

At least someone in my life's happy. I was okay with it.

Sabi ni Carl, kulang na raw kami sa tali—well more like inutusan niya ako. I was more than happy to oblige. Nabibingi na ako sa dami ng reklamo ng lalaki na iyon! Kaya naman kinuha ko iyong box at nagmartsa papunta sa stock room. Habang naglalakad ako papunta roon ay nadaanan ko iyong booth nila Parker.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon