#JustTheBenefits
Kabanata 18
I had to turn my phone off. Lahat na lang sila tinatawagan ako, tinetext. Hindi ba nila maintindihan iyong katotohanan na wala akong gustong makausap? Kung lolokohin lang naman nila ako at puro kasinungalingan lang din naman ang mukukuha sa kanila, mas mabuti pa na 'wag na lang kaming mag-usap. At all. I just felt tired of being lied to.
Nagdesisyon ako na magstay sa school para gumawa ng mga gamit na gagamitin namin para sa booth next week. Alam ko na next week pa naman iyon at may weekend pa kami para tapusin pero kailangan ko lang talagang maging busy para naman hindi ako mabaliw sa kakaisip kung sino ba iyong Bianca Agustin na iyon! Pinsan ba talaga siya ni Quin? O baka naman siya iyong girlfriend talaga ni Parker!
Ugh! Hindi ko na talaga alam!
Pinagbubuhusan ko ng galit at inis ko iyong record ng mga bibilhin naming items. Puro na siya gulgol. Ugh! Uulitin ko na naman 'to!
Huminga ako nang malalim at saka nagsimula ulit na magtype. Mas okay na din talaga 'to para at least busy ako at wala akong ibang maiisip. Wala na rin akong balak buksan muna iyong cellphone ko dahil puro pangalan lang ni Parker ang nababasa ko. I swear, isang basa ko pa sa salitang sorry babasagin ko na talaga 'yung cellphone ko!
Ang lakas ng tunog ng bawat pagtipa ko sa keyboard ng laptop ko nung makarinig ako ng katok. Agad akong lumingon at nakita ko si Mari na nakatayo roon.
"Ano—"
Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil may inilagay siya na paper bag sa may lamesa ko. She smiled weakly at me tapos ay sunud-sunod siyang nagsalita. "Magkaaway ba tayo? Nag-away tayo, 'di ba? Pwedeng tama na? Bati na tayo, please? Namimiss na kita, e..."
I was staring at her. Masyado siyang mabilis magsalita kaya naman ni hindi ako nakasingit sa kanya. She looked so adorable. So I had no choice but to slowly let the smile crept out on my face. Na-miss ko itong babae na 'to.
"Nag-away ba tayo?" I said and crunched my forehead.
"Okay na tayo?" sabi niya na parang hindi siya makapaniwala. I nodded. "Oh, my god! Thanks, girl! Hindi mo alam na sobrang binagabag ako ng konsensya ko! Promise from now on hindi ko na pagsasalitaan ng masama si Paker—este si Parker! Kung masaya ka sa kanya, e 'di g na! Hindi na ako magiging hadlang sa kasiyahan mo!" sabi niya at saka niyakap ako. "Na-miss talaga kita!"
I hugged her back. It was starting to feel alright. Okay na kami ni Mari... Sign na ba ito na magiging okay na rin ang lahat? Sana oo... Kasi nakakapagod na talaga 'yung mga nangyayari sa buhay ko. It felt like I was running around in circles. Paulit-ulit at wala ng nangyayari. Masasaktan ako, babalik si Parker, magiging okay ulit kami, aalis na naman siya, ang the cycle goes on. Ayoko na sa ganon.
Nung natapos ang yakapan namin, kumain kami dahil may dala pala siyang pagkain. Sorry gift daw niya sa akin iyon. Hindi naman daw ako mahilig sa ibang bagay kaya naman pagkain na lang ang dinala niya sa akin. As we were eating, iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya iyong tungkol kay Bianca... Gusto ko. Gusto ko dahil kailangan ko ng makakausap at mapagsasabihan tungkol doon. Pero kapag ginawa ko iyon, parang binigyan ko na rin si Mari ng dahilan para sabihan ako ng I told you so. Na tama nga siya na may itinatago sa akin si Parker.
But that didn't even matter now. Alam ko naman na hindi ganung tao si Mari. She just wanted to protect me but how can she protect me when even I, myself, didn't want protecting? I was inflicting the pain myself.
"Mari..." I called her. She was still busy eating and helping me edit out some of the information para sa booth namin next week. "Feeling ko may ibang babae si Parker."
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
General FictionImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...